P.A 12

631 26 0
                                    

Third Person POV

"San naman nag punta yung bata na yun"

"Mom umupo ka nga? Baka may dinaanan lang yun"

Napatingin si Flecia sa anak nitong si Trisha

"Dinaanan? Mas inuna niya yun kaysa satin"

Hindi sumagot si Trisha. Mating siya ay hindi niya alam kung nasan siya.

"Bat hindi ka sumama Shin?" Tanong ni Fleo

Napatingin naman sa kaniya ang iba

"Oo nga! Kaibigan ka ni Kuya diba?" Dag-dag ni Trisha

"Ayaw niya akung pasamahin , kaya nauna na lang ako dito"

"May alam ka ba , kung saan siya pumunta?" Tanong ni Flecia

Umiling si Shin "Wala siyang sinabi"

Napabuga naman ang Ina. "Ang batang yun talaga"bulong niya.

Namayani ang katahimikan sa kaniya hanggang sa nagsakita si Shin.

"Kulang ata kayo?"

Nagkatinginan naman ang mag-ina. "Ah! Si Dad. May pinuntah pero pabalak na din yun" turan ni Trisha.

Umiling si Shin "Yung Isa niyong kapatid?"

Alilangan naman ngumiti si Flecia "S-sino?? Si R-raulyn ba? M-may pinuntahan" nauutal na sambit ng INA

"Saan naman?"

Tumaas naan ang kilay ni Trisha "Bat ba ang dami mong tanong. Sino ka ba. Eh! Kaibigan ka lang naman ni Kuya"

"Trisha!!"

Umirap si Trisha sa Ina.

'Tsk pinagtanggol pa' sa isip ni Trisha

Tumingin naman si Flecia sa orasan at malapit na mag 5 sa hapon.

Nabaling ang tingin nila sa pinto. Napatayo naman sila.

"Edward" nanlumong sambit ni Flecia ng makita ang asawa.

Taka naman ang gumuhit sa mukha ni Edward "Oh! Bat ganyan mukha niyo? May inaasahan kayong dadating?"

"Si Kuya po" sagot ni Fleo.

"Kuya?" Nabaling ang tingin ni Edward Kay Shin.

"Nandito ka pala Shin? Kailan pa kayo nakauwi?" tanong ng ama at umupo sa sofa

"Kanina lang po Tito" napatango naman siya

"Nasan si Drell?"

"Nandito ako"

Sabay silang napatingin sa pinto

"Anak!!" Masayang lumapit sa kaniya si Flecia at niyakap ito. Hindi naman gumalaw si Drell.

Kumulas ng yakap ang Ina at masaya niya hinarap ang anak

"Ang laki mo na at lalo ka pang gumwapo. Hindi na ako magtataka kung may girlfriend kana" bungisngis ng Ina.

"Oo nga Kuya! Minsan turuan mo din ako ng mga galawang Drell mo haha"

Natawa naman ang iba sa turan ni Fleo. Nakatanggap naman siya ng kurot Kay Trisha

"Aray!!"

"Hindi ka gwapo no!! Ni bakla hindi papatol sayo"

"Grave ka naman! Baka nakakalimutan mo mas maganda ako sayo"

Tumingin nama sa kaniya si Trisha na naka cross arm "Talaga? Dapat na na kita tawaging manong"

Napuno ng tawanan ang silid ng dahil sa dalawang magkapatid

Pretending AmnesiaWhere stories live. Discover now