P.A 11

673 24 0
                                    

Lydia POV

"OK ka na?"

Lumabas ako galing sa Cr. Nakapagpalit narin ako. Ang malas nga lang dahil pang couple yung damit namin.

"Oh! Nakasimangot ka Jan. Gusto mo kiss" at ngumuso.

Tinaas ko naman kamao ko "Try mo to. Gusto mo ikiss kiss kita dito"

"Grave ka talaga sakin. Ang bad mo"

Iniripan ko siya. Si Jazz pa ba tung kaharap ko. Ibang iba na eh!!

Ilang mimutong katahimikan ang bumalot samin hanggang sa nagsalita na ako.

"Sorry"

Seryoso siyang tumingin sakin "Para saan?"

"Sa kanina. Alam kung nabigla ka sa sinabi ko. Hindi ko na kasi natiis"

Ayokong isipin niya na masama ako. Ayokong isipin niya na may kakaiba sakin. Sadyang hindi ko lang talaga napigilan sarili ko.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinalikan yun "You don't need to say sorry. Actually. Proud ako sayo. Dahil hindi mo hinayaang apakan ka ng ibang tao. Hindi mo hinayaang saktan ka."

"P-pero"

Niyakap niya ako at kinulong sa bisig niya. "Ano man ang mangyari nandito lang ako. Hindi kita pababayaan. Tandaan mo yan"

Pumikit ako at ginantihan siya ng yakap. Naramdaman ko naman ang paghigpit nito.

Sana nga Jazz. Sana tupadin mo yan. Dahil sigurado akung gagawin nila ang lahat masira lang ang kasiyahan ko. At kapag nangyari yun , gusto ko nasa tabi lang kita. Sumusuporta sakin.

At sa oras na malaman mo ang totoo. Hayaan mo akung magpaliwanag. Magpaliwanag sa lahat.

"Wife!! Umiiyak kana"

Napadilat ako at kumalas sa yakap niya.

"Sshh. Bat ka umiiyak?"

Ngumiti ako ng pilit at pinunasan ang luha ko.

"W-wala. May naalala lang"

"Wife!! Gusto ko magtiwala ka sakin. Dahil kung magtitiwala ka sakin. Sinisigurado ko. Sabay natin yan aayusin. Dalawa tayong lalaban..OK"

"Hahaha si Jazz ka ba!! Ang O.A mo"

Tumawa ako para maibsan ang kaba ko. Natawa lang siya.

"Hanggang ngayon yan parin iniisip mo"

"Ang yabang mo kasi. Baka matangay ako"

Ngumisi siya "Ayaw mo nun para matangay ka sakin"

Hindi ko siya pinansin kaya mas lumakas tawa niya.

Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bag. Well nagsisimula din kasi akung bumili ng kagamitan since nagtatrabaho na ako.

Ate Sheena Calling

Sinagot ko ito.

"He---llo"

[Gosh!! Nasan kana Lydia. Alam mo bang late ka na sa trabaho ha!! Kanina pa kami nag-alala sayo]

"P-po!!!" inilaw ko ang phone at halos matampal ako sa noo ng makitang 2:45 na ng hapon..Late na talaga ako.

"What happened?" Tanong ni Jazz

[Ako na bahala mag excuse sayo. Sasabihin ko na lang na sumama ang pakiramdam mo. Wag ka ng dumeretso dito baka magtaka pa sila. Mabuking pa tayo.]

Napatango naman ako "S-sorry po. Pati kayo nadamay ko. Sorry talaga"

[O sya..tama na drama. Babalik na ako sa trabaho. Mag-iingat ka ..OK. bye]

Pretending AmnesiaWhere stories live. Discover now