📷 14: All in One Table

Depuis le début
                                    

Kanina pa kami dito tapos ngayon niya lang natanong kung okay lang na sumama siya sa amin pero anywaaaay, I'm genuinely happy na kasama namin siya ngayon. "Of course!" ngumiti ako sa kaniya.

At nagpatuloy na sa pagdadaldal si Thelma. Paminsan minsan ay sumasali ako sa usapan nila ngunit sinusulyapan ko palagi si Marco para tingnan ang mga galaw niya. Gusto kong malaman kung may feelings din ba ito sa Lola ko o wala.

"Baka matunaw ako niyan." ngumisi si Marco sa"kin bago niya hinigop ang sabaw ng lomi niya. Napangiwi naman ako dahil may low pressure 'ata na nagbabadya dito sa Pilipinas. Feelingero.

"Ha?" humilig sa kaniya si Riguel sa pag-aakalang siya ang kinakausap ng kaibigan.

"Wala." kinagat ni Marco ang labi para pigilan ang tawa at sumulyap pa ng tingin sa akin. Nakaka-inis. Gusto niya bang ibuhos ko 'tong lomi ko sa kaniya?

Inis kong nilapag ang kutsara ko at bumulong kay Mila para magreklamo. "Bakit mo naging kaibigan ang mga 'to?" I jerked my head towards the guys.

"'Di ko alam." she shrugged. "Pagkalabas ko sa tiyan ni Mommy sila na agad ang friends ko." ngumiti sa'kin si Mila.

"May problema ba A?" nag-aalalang tanong sa akin ni Thelma. Napansin niya siguro na tumigil ako sa pagkain.

Sasagot na sana ako ngunit hindi ko na natuloy dahil may naglapag ng pulang bag sa mesa namin kaya medyo na-alog ang mga mangkok na nakapatong rito.

"Thelma. You're here pala." nakipagbeso si Roberta kay Thelma. "Riguel. Marco babe. Mila. And...." she stalled.

"This is Amalia. My friend." nakangiting pagpapakilala ni Thelma. Hindi nito alam ang nangyaring alitan sa amin ni Roberta.

"Amalia. A friend." tumawa ang babaeng nakapula. "Anyway, can we share your table? Wala nang vacant." tinuro nito ang dalawang alipores sa likod tapos ang mga mesang puno na.

Ito rin 'yong mga babaeng kasama niya sa palengke noon. Hindi ko na sila nakilatis dati dahil sa pagmamadali kong makawala sa kanila. Sobrang tangkad ng isa na medyo morena at 'yong isa naman ay maputi ngunit kulot na kulot ang buhok.

"Of course. Have a seat Daniella. Eugenia upo kayo." pag-iimbita ni Thelma kaya umusog pa kaming lahat para magkasya kaming walo sa mesa.

And guess what?----pero di niyo na kailangang manghula actually dahil as always, red na naman ang outfit ng babaeng rambutan.

Hindi na nga ako nagulat nang malaman kong si Roberta ang may-ari ng red bag. Lahat 'ata ng pula sa mundo inangkin na niya.

Tumabi si Roberta kay Marco at ginamit pang advantage ang kasikipan para dumikit siya sa lalaki. Tumabi sa kaniya si Daniella tapos dito naman sa side namin naki-share si Eugenia.

"So Amalia, friends pala kayo nitong si Thelma." pags-start ng conversation ni Roberta habang nakangiti sakin. Don't be fooled. Alam kong peke 'yon kaya hindi ko siya sinagot at umirap lang sa ere.

"Ang rude mo naman." komento ni Daniella, 'yong matangkad bago sinabi ang order nila sa babaeng lumapit. Kita ko namang sumulyap 'yong serbidora sa akin bago ito umalis.

Natahimik ang mesa namin at ramdam ko naman ang pagka-tense ni Thelma sa tabi ko. Di niya siguro ine-expect na ganito ang mangyayari.

"Social climber ka siguro no? Lahat yata ng eletista dito kinakaibigan mo." itinukod ni Roberta ang siko sa mesa. Medyo natigilan naman ako sa pagkain.

"Roberta." pagsita ni Thelma. "Don't be like that. She's a good friend of mine."

"Mag-iingat ka na lang Thel. You don't know kung sino ang mga manggagamit sa paligid." hinawakan ni Eugenia ang kamay ni Thelma na nasa mesa.

A Voyage Towards the HorizonOù les histoires vivent. Découvrez maintenant