Kabanata 19

Mulai dari awal
                                    

"May kailangan ka pa ba?" I asked, totally bothered in the idea of both of us inside one room. Badly wanting to shoo him away.

"Can I stay here for a bit?" I didn't know what happened but I felt him staring directly at my soul. Kusa akong napatango.

I remembered what Maximus, my doctor told me. I need to let this out and the only way to do that is to face it. Hindi ko alam sa sarili ko kung kailan ako magiging handa, to face them, to face everything. Dahil hanggang ngayon, tandang-tanda ko pa lahat ng nangyari noon. I sighed.

I shouldn't play fire with fire. But if I have to, I'll be willing to burn.

Nakaramdam naman ako ng gutom at naalala ko bigla si Dim. I dialed his number. Tumalikod naman ako kay Lorenzo na nakatingin pa rin sa akin.

"Hello?" pabulong n'yang sagot.

"Nagugutom na'ko. Akala ko ba sabay tayo?" I angrily spat at him.

"Mag-isa ka muna galit si Manager kasi pa-wala wala ako-" naputol ang sinabi n'ya at nakaparinig ako ng sigaw mula sa kabilang linya.

"Ibababa mo ang cellphone mo o sahod mo ang ibababa ko?" boses ng manager n'ya.

"Bye, Priya!" binabaan n'ya ako. Pinagbabaan n'ya ako ng telepono!

Napahilot ako sa sentido ko. Napagpasyahan kong mamaya nalang kumain pagkaalis ng bisita ko. Nakakahiya naman kung lalamon ako tapos may audience pa. Tiningnan ko naman si Lorenzo na prenteng prenteng nakaupo sa sofa ko at pumipindot ng cellphone.

Palihim kong inayos ang ibabaw ng table ko dahil medyo makalat. I threw some crumpled papers using tiny movements para hindi n'ya ako mapansin.

"President, may delivery po," sumungaw si Nat sa pinto pagkalipas ng ilang minuto.

"Wala akong pinapa-deliver," nakakunot na ang noo ko sa kanya. Kasunod ni Nat ang delivery boy na nakadungaw din sa pinto. Bakit ba ayaw nilang buksan yung pinto?

"Kay Sir Lorenzo Agustin po," tumayo si Lorenzo mula sa pagkakaupo at pinuntahan ang delivery boy. Nakanganga naman ako sa kanya.

Sa wakas ay binuksan nila ang pinto at pumasok silang lahat. Laking gulat ko nang makita kung gaano kadaming supot ang bitbit nila. Inilatag nila iyon sa lamesa.

There's the Kane's logo on the bags kaya alam kong galing ang isang katutak na pagkain sa restaurant ni Melissa.

"What is this for?" madiin ang pagkakasabi ko. I eyed Lorenzo attentively.

"You said you're hungry..." he trailed off while taking all the bags of food.

"Kaya naisipan mong magpahanda na daig pa ang fiesta?!" I probably looked like I was about to eat him alive. Pero sobrang dami kasi talaga na kinailangan ko pang ilagay sa mismong table ko ang mga pagkain na hindi kasya.

"I didn't know what you would like..." he looked guilty over what he had done. Hindi makatingin ng diretso.

"So you decided to order everything?!" I can't believe him.

"Pwede ko namang ibalik," mahina pa rin n'yang sabi.

Mukha s'yang mortal na nagkasala sa harap ng isang magandang anghel.

"Don't!" I said to quickly. I composed myself by clearing my throat. "I mean, don't. Sayang naman kakainin ko nalang."

I saw the corner of his lips twitch, forming a little smile. So it's true when they said that the way to a woman's heart is through her stomach. But he won't get there, again.

I pulled the lever at the side of the table for it to be higher. Nakita ko naman ang pagkamangha kay Lorenzo. The table is one of my prominent designs, inspired by adjustable stuffs.

Reclaiming the Stars (Agustin Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang