Kabanata 10

915 41 54
                                    

Kabanata 10

Attack

"Balita ko naligo kayo ng pool ah?" si Lolo Joaquin.

"Opo! Nag-transform pa po kami nina Kuya Sid pero wala pong nanalo kasi parehas po kaming natumba," Kael narrated.

"Pasensya na po kayo sa mga bata," paghingi ng paumanhin ni Papa.

"Ano ka ba Ronald. Mas gusto ko nga 'yong maraming tao dito sa bahay para may buhay," Lolo Joaquin sincerely said. Gusto n'ya rin palaging dito kami kumakain at kulang nalang ay dito n'ya na kami patirahin.

'Wag kang mag-alala Lolo Joaquin, dito na rin ako nakatira mamaya.

Nagpaalam na kami sa kanila. I thanked all of them especially Melissa. Up until now, I'm still not over the fact that I've been hating her in my head for nothing.

I'll just make it up to her by making her my bridesmaid. Charot.

"Priya..." I looked back to see Lorenzo standing at the entrance of their mansion, with hands inside his pockets.

"Hmm?" I turned to him.

"Pupunta ba ulit kayo bukas?" he asked hesitantly. Pinigil ko naman ang ngiting nagbabadyang lumabas. I didn't know he was the clingy type.

"Oo," he only nodded so I continued walking. Nauna nang maglakad si Papa kasama ang dalawang bata pati ang mga sisiw.

"Priya," hindi pa ako nakakalayo ay tinawag n'ya ulit ako.

"Ingat," I saw him scratching the back of his head. He bit his lower lip before looking down.

"Thank you. Good night!" sabi ko bago ngumiti ng malaki.

He was everything I need and more. It's crazy how one person can make me feel the whole universe with just the little things.

I have nothing in me but he never made me feel that we're oceans apart. Humabol ako kayna Papa. Nagpasalamat si Lola nang ibalik namin si Yñigo sa kanila.

"Priya! Anak!" noses iyon ni Papa, bakas ang takot. Nilapatan ng kaba ang aking dibdib kaya tumakbo ako papunta sa loob.

"Papa, a-anong nangyayari?" hingal kong sabi habang hawak ang dibdib. Ang pigura sa aking harap ang sumagot sa aking katanungan.

Kael is lying on the floor, his head is on my father's lap. Kita ko kung paano tumaas baba ang kaniyang dibdib tila naghahabol ng hininga. Hindi rin nakatakas sa akin ang mga luha n'ya.

"K-Kael... P-Papa..." my mind is then filled with bad thoughts. Hindi ko malaman kung sinong una kong tatawagin.

Hinawakan ko ang kamay ni Kael at lalong nadagdagan ang kaba ko nang maramdaman kung gaano kalamig iyon. Maputlang maputla ang mga labi niya maging ang kutis niya.

"Kael... a-andito lang s-si Ate..." I massaged his palms and pinched his armpits.

Iyon ang naalala kong bilin ng mga doktor noong huli namin siyang dinala sa ospital. It was terror. Seeing your brother fight for whatever pain he's suffering with. Napakabata pa niya.

Simula nang ipanganak ay may sakit na s'ya sa puso kaya naman hindi namin hinahayaan ni Papa na masyadong magpagod o kaya makarinig ng kung ano-ano. Natatakot kami na baka maistress ito at lalong sumama ang pakiramdam.

This was also the reason why my father's striving extra hard, doing extra work, not only to sustain our daily needs, but to find the best treatment which will heal my brother's poor heart.

"A-Ate... N-natatakot ako..." nanghihinang wika ng kapatid ko. Pilit n'yang binubuksan ang kanyang mata. Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang luha.

Reclaiming the Stars (Agustin Series #1)Where stories live. Discover now