Kahit medyo mahirap para kay Charles na magmoved on sa isang taong hindi naman naging sila. Kahit papaano, hindi naman nawala sa kanya ang pagiging positibo niya.

Nagwalwal nalang siya. Nagpakalasing sa panonood ng K-drama sa buong araw ng walang pasok niya. Mugto ang mata niya dahil sa halong pag-iyak at pagkabangag para tapusin ang 16 episodes ng serye na sinimulan niya ng umaga ng Sabado na natapos niya ng Linggo ng gabi.

"Feeling ko, naibuhos ko ang lungkot ko sa pagsabay sa pag-iyak ng bida sa drama. Hays. " Hindi pa rin siya makaget-over sa kung paano nagtapos ang kwento. Pero hindi dapat siya mapahinto nito. Naghanap ulit siya ng panibago.

"Chaaarles! Kumain ka na muna." Sigaw ng lalaki sa labas ng kwarto niya.

"Oo! Pababa na." Kuya Chad niya ang kausap niya, pero hindi talaga siya sanay mango-po kahit nakakatanda ito sa kanya.

Hindi naman siya sa walang respeto, masyado lang din talagang close siya sa Kuya niya. Lalo na't saktong isang taon ang pagitan ng kapanganakan nilang dalawa. Parehong pareho ang date ng kaarawan nila. Kaya parang kambal na rin silang maituturing. Nauna lang lumabas ng eksaktong labindalawang buwan si Chad sa tiyan na Mommy nila.

Silang dalawa lang sa bahay dahil tatlong taon na sa Taiwan ang Mommy nila. Nagtrabaho doon para matustusan sila. Maagang kasing nawala ang kanilang Padre de Familia.

Buti nalang at may Skype kaya nakakapag-usap pa rin sila gabi-gabi. Dito binubuko ni Chad ang mga kakulitan ng kapatid sa bahay, at ang di matapos tapos nitong panonood ng mga Koreanovela. Sinusumbong naman ni Charles na may bago na namang girlfriend ang Kuya niya.

Ganoon ang mga araw ni Charles kapag walang pasok. Hindi kagaya ni Jarmcel na puro text, at panliligaw na ang pinagkakaabalahan. Bihira niyang mahawakan ang phone niya pag nasa bahay siya.

Kinagabihan ng Linggo, binisita niya ang phone niya na tahimik na nagpapahinga sa bag. May tatlong text na pala, kaso number lang .. walang pangalan.


*** Text Message from Unknown Number ***

Unknown Number: Hi Charles! Pwede ka sa Tuesday?

Unknown Number: Wala naman tayong pasok nun eh.

Unknown Number: Textback ka ha. Thanks!

*** End of Text Message from Unknown Number ***


"Sino kaya 'to?" Nakatingin siya sa bintana ng kwarto niya. Bukas ito kaya malayang nakakapasok ang malamig na hangin mula sa labas.

Nagbalik sa memorya niya na itetext nga pala ni Franco ang Team nila para makapagpractice man lang bago ang Last Game bago ang Friday.

Sakto naman may load pa siyang pang-reply, kaya nagreply na rin agad siya. Di inaasahan, mabilis din sumagot ang binata sa kabilang dulo ng linya.


*** Text Conversation ***

Charles: Franco?

Unknown Number: Hi Charles! Hahaha. Ako nga to. Hindi pala ako nakapagpakilala.

Charles: Buti tama ang instinct ko. Haha. Sige, push ako sa Tue.

*** Conversation Continues ***


Nagreply ulit si Franco. Ganun din ang ginawa ni Charles. Hanggang sa paulit-ulit na silang magpalitan ng messages na napunta sa iba't ibang paksa. Hindi rin nila namalayan ang oras ng usapan at ngalay sa kamay.

Para kay Charles, kaklase niya lang naman si Franco. Pero parang may ibang pakiramdam siya sa biglaang paglapit nito. Hindi niya rin mawari kung ano ang tunay na intensyon ng binata, kaya sinasamantala niya na mas kilalanin ito.

Nagpatuloy ang salitan ng mga mensahe kahit kalaban ni Charles ang di kalakasang signal sa loob ng bahay nila. Hindi naman kada minuto may text na nadating. Paminsan oras din ang pagitan. Halatang may pinagkakaabalahan din si Franco kaya paputul-putol ang kanilang kwentuhan. Hindi rin naman ganoong pinagkakaabalahan ni Charles ang sumagot agad, dahil kung may tao man siyang gustong kausap, hindi pa si Franco ang kanyang hinahanap.

Bandang gabi ng Lunes, matatapos na ang unlitext ni Charles. Nagpaalam na rin agad siya kay Franco para di na ito maghintay sa mga susunod pang text nito.


*** Text Conversation ***

Charles: 10 minutes nalang pa-expire na Unli ko, Franco.

Franco: Ganun ba? Loadan na ba kita?

Charles: Hahaha. Alam kong RK ka, wag mo na ipagyabang.

Franco: Seryoso ako. Hahaha.

Charles: Lols. Next time nalang yang load mo. Magsisimula na rin kasi ako magreview para sa Finals eh.

Franco: Nice one! Sige, next time na yung load. Hahaha. Kita nalang tayo on Tuesday for our Practice Game ha.

Charles: Hahahaha. Laftrip sa'yo Franco. Sige, kitakits!

*** Conversation Continues ***


Natapos ang usapan nila kasabay ang huling segundo ng Unlitext na load ni Charles. Pero alam niya na kahit papano, may extension naman ito na nasa limang minuto rin naman. Kung hindi siya nagkakamali. Kaya bago pa matapos yun, may isa pa siyang dapat gawin.

Bumalik siya sa conversation nila ni Franco. Pinindot ng matagal ang huling message niya at saka pinili ang "Select All" at "Copy".

Mabilis niyang inilipat ang screen sa ibang conversation sa loob ng Inbox, sa thread na may pangalang 'Crush'. Dito niya isinagawa ang plano niya.

"Paste" ang huli niyang pinindot at malalim na paghinga ang binitawan niya bago niya na tuluyan tinamaan ang "Send" gamit ang hinlalaki nito.

Nagbilang din muna siya ng ilang segundo.

"10 .. 9 .. 8 .. 7.. 6 .. 5 .. 4-3-2-1!"

Bago siya nagtype ng ganito. "Sorry, wrongsent."


*** End of Chapter 6 ***

I hope you enjoy this chapter 😅

If you do, please remember to comment and vote -- it really means a lot for me! 🤩🤗

Crush LifeWhere stories live. Discover now