Kabanata 56 - Donya Catalina at Luciana

Start from the beginning
                                    

"Gutom, lamig at walang masisilungan ang halos naranasan naming ang buong akala namin ay mamatay na kami sa kagubatan, nasubukan din naming matulog sa loob ng kweb a upnag makapagtago at kumain ng prutas na maiibibigay sa amin ng kagubatan, nagtagal kami ng tatlong araw hanggang sa isang araw habang nangangalap ako ng aming kakainin para sa tanghalian ay hindi ko namalayan na mnay nagmamanman nap ala sa aming mga guardia sibil at ng ako'y kanilang sundan, walang habas nila kaming pinagdadampot na tatlo" maluha luhang paliwanag ni Veronica at hindi naman maiwasan ni Catherine na makaramdam ng galit ng dahiul sa ginawa sa kanila.

"Napakasama nila! Wala silang awa, gusto talaga nila na walang haharang sa mga marurumi nilang hangarin kaya iniisa isa nila ang mga ito" may galit na tono na banggit ni Catherina.

"Dinala nila kmai sa isang liblib na lugar kung saan walang ni isa ang nakaalam kung nasaan kami, gutom at takot ang bumalot sa amin habang para kaming mga hayop na kinadena sa lugar na iyon, isang beses nila kami kung pakainin at kaunting tubig na pinaghahatian pa naming" ani pa niya at bumagsak na ng tuluyan ang luha niya.

"Isang araw ay biglang may dumalaw sa amin at bigla na lang nilang kinuha si Donya Catalina at Luciana at tanging sigaw nilang dalawa ang huli kong narinig" nanlaki ang mata ni Catherine sa narinig niya.

"Saan nila dinala sila Ina at Luciana!?" tanong ni Catherine ngunit umiling lang siya at napahawak na lamang siya sa ulo niya.

"Diyos ko paano natin malalaman kung saan nla dinala si Ina at ang kapatid ko?" naiinis na sambit niya at napasabunot pa siya sa sarilki niya, hindi alam kun anong gagawin.

"Hindi ko po alam Senyorita Catherine, ngunit naniniwala ako na kagaya niyo ay buhay pa siya wala nga lang po tayong kasiguraduhan kung nasa mabuting palad ba sila o hindi, hiling ko lang lagi sa maykapal na nawa ay huwag silang pababayaan at iligtas sa anumang karahasan" dagdag pa ni Veronica.

Walang ideya ang dalawa kung nasaan na si Donya Catalina at Luciana kaya naman ipinasadiyos muna nila ang kalagayan ng dalawa na huwag silang pababayaan dahil gagawa sila ng paraan upang mahanap ang ina at kapatid niya.

-----------------

Sa kabilang banda naman sa Hacienda Montecillo, muling binuhay ng gobernador Facundo ang isinarang negosyo ng nasabing pamilya, gobyerno na ni facundo ngayon ang nagmamayari ng nasabing negosyo, sinabi rin nila na dagdag salapi rin ang perang kikitain mula ditto na airing gamitin sa pagpapatayo ng mga istraktura sa bayan ng santa clara, ngunit ang toto ay sa mga bulsa lang nila ito napupunta at pansariling interes.

Marami ang nagalit sa pagbubukas ng dating negosyong hawak ng pamilya montecillo, ang hacienda montecillo ay pinalitan nila ng pangalan na Hacienda Santa Clara dahil gobyerno na ang nagmamay ari dito.

Kaagad na kumalat ang balita na ito sa buong bayan at nagging usapusapan, kinagalit naman ito ng pamilya Santibanez ngunit wala naman silang magagawa kundiang manahimik muna at huwag munang lumaban sa ngayon.

Nakasaky ngayon sa kalesa ang pamilya Avellanada at sila ay tutungo sa datring hacienda Montecillo dahil nais ipagmayabang ng gobernador sa mga kaibigan nila ang mga nagawa nila sa bayan na ito upang mapalago.

"Donya Hilaria" wika ni Donya Crecensia ng makarating sila sa nasabing Hacienda.

"Donya Crecensia, mabuti naman at pinaunlakan niyo ang aking pag-aya na ilibot kayo ditto sa Hacienda Santa Clara" sambit ni Donya Hilaria at bumeso naman sa kanya si Donya Crecensia.

"Kay ganda naman ng mansion Hilaria" sambit ni Donya Crecensia habang tumitingin sa paligid niya at manghang mangha siya sa itsura nito " sino ang may ari ng hacienda at mansion na ito?" ani pa niya.

The Unexpected 19th Century JourneyWhere stories live. Discover now