Chapter 10: Weyla

Start from the beginning
                                    

"Sinong Lady Shiya ang tinutukoy niyo?" tanong ni Disha.

"Siya po ang ikatlong babae ng mahal na Hari. Galing po siya sa isang mataas na pamilya. Parehas lang po sila ni Lady Violet. Parehas po silang masasama. Pero 'wag po kayong mag-aalala dahil sanay naman po ako eh. Hayaan na lang po natin sila." sagot ng bata.

"Hindi. Samahan mo ko mamaya, Haya. Gamutin mo muna ang sugat ni Weyla." utos ni Disha na siyang sinang-ayunan agad ni Haya.

"Kamahalan, 'wag na po. Mapapahamak lang po kayo ulit, Kamahalan. Tsaka hindi pa po kayo lubusang gumagaling. Hayaan na lamang po natin sila, Kamahalan." pagmamakaawa ng bata. Natatakot siyang maulit muli ang mga nangyari noon. Dahil sa kaniya namatay ang mahal na Reyna. Wala na ang dating Reynang nakilala niya dahil sa kaniya. Sinisisi pa rin niya ang sarili nito sa pagkamatay ng Reyna. Alam niya. Matagal na. Alam niyang hindi ito ang totoong Reyna. Gusto man niyang ipagsabi ito sa kapatid nitong si Haya pero hindi pwede, para sa hustisiya ng mahal na Reyna handa siyang manahimik at itikom ang bibig para sa katotohanang ibang tao na ang kaharap nila.

"Hindi ako papayag na humaba pa ang sungay ng mga babaeng 'yon. Lagot sila sa akin." mapanghamong saad ng dalaga, na halatang nanggagalaiti sa galit.

Nang matapos nilang lapatan ng gamot ang mga sugat ng batang si Weyla agad din silang lumisan at nagtungo sa kinaroroonan ng dalawang babae ng Hari. Galit na umalis si Disha kasama si Haya. Hindi na nila sinama si Weyla dahil sa kalagayan nito.

Hindi di rin nagtagal at nakarating na nga ang dalawa sa bahay ni Lady Shiya, naroon ang dalawa masayang nagtatawanan na parang wala silang sinaktan.

"Kayong dalawa!" sigaw ni Disha sa dalawa kaya nagulat ang mga ito. Napatayo sila dahil sa gulat.

"K-Kamahalan? A-Anong ginagawa mo rito?" nauutal na tanong ni Lady Violet dulot na rin ng takot mula ng masaktan siya ni Disha.

"Hindi ko inaasahan ang pagdating niyo, Kamahalan. Ahh, alam ko na kung anong pinunta niyo. Mukhang nagsumbong ang walang kwentang tagasilbi mo sayo, tama ba? Kaya ka galit na galit na nagtungo rito ay dahil sa batang iyon, hindi ba? Kamahalan, maghunusdili po sana kayo. Ang batang 'yon binsag lang naman ang mga plorera ko na bigay sa akin ng mahal na Hari. Ano satingin mo ang sasabihin ng Hari sa akin, ha?!" dahil sa galit sumugod si Lady Shiya kay Disha at sinunggaban ito sa buhok. Hinila niya ng pagkasobra-sobra ang buhok ng kanilang Reyna. Pilit namang tinatanggal ni Haya ang kamay ni Lady Shiya sa buhok ni Disha kaso masyadong kapit kaya nahihirapan itong tanggalin.

"Tama na po, Lady Shiya. Reyna ang sinasaktan mo." awat ni Haya. Pero hindi pa rin nagpapaawat ang babae.

"Ano ngayon kung Reyna siya ng bansang 'to?! Wala akong pakialam! Binigay 'yon ng mahal na Hari sa akin at ang lakas ng loob niyong sumugod dito para bumawi sa batang 'yon?! Mga wala kayong kwenta!" sigaw ng babae. Hindi naman maiwasang mapangisi si Lady Violet sa mga nasasaksihan niya. Inaasahan niya ng mangyayari ang mga bagay na ito. Sa haba ng sungay ni Lady Shiya sinong tao naman ang makakapigil sa kaniya? Lalo pa't siya ang dahilan kung bakit nabasag ang mga vase ni Lady Shiya.

"Ah! Lagot ka sa akin kapag nakawala ako!" sigaw ni Disha na galit na galit na talaga. Habang inaawat ni Haya ang dalawa lumapit naman sa kaniya si Lady Violet para pigilan na maawat ang dalawa. Hinila niya palayo at pinahawak niya sa kaniyang mga tagapagsilbi si Haya.

"Bitawan niyo ako! Kamahalan!" tawag pansin nito kaya nakita siya ng Reyna.

"Hawakan niyo ang babaeng 'to!" sigaw na utos ni Lady Violet sa mga tagapagsilbi ni Lady Shiya. Agad din naman nilang sinunod ito.

"Lady Shiya, tama na. May nais pa akong gawin sa babaeng 'to, maaari ba?" saad niya. Agad din namang pinakawalan ni Lady Shiya ang Reyna at hinayaan niyang hawakan ito ng kaniyang mga tagapagsilbi. Walang nagawa ang dalawa kung hindi ang magpumiglas sa higpit ng hawak nila.

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now