BEHIND HIS ANGELIC MASK - 4

Start from the beginning
                                    

Binalik ko ulit ang tingin kay Xyril na ganoon parin, nakatitig sakin.

Hinipan ko ang mata niya kaya napalayo ng konti ang muka niya sakin at napakurap. Napangiti naman ako, ang cute eh muka talaga siyang bata.

"Mag jogging na nga tayo, nasasayang yung oras" natatawa kong sabi, kinusot kasi niya ng isang kamay niya yung mata niya. Ang cute lang talaga.

"Xy bitawan mo na yung kamay ko"

Hindi niya ako pinansin at naramdaman ko na mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Xy, let go of my hands, kailangan na natin mag jogging"

Hindi parin niya ako pinansin.

"Ang kulit mo narin" sabi ko sa kaniya at pinilit na alisin yung kamay ko sa pagkakahawak niya. Ayaw pa talaga niyang bitawan pero nagpumilit ako kaya wala na siyang nagawa at binitawan na ang kamay ko.

Parang ayaw pa niya akong pakawalan, ang kulit talaga.

"We need to do some stretching first para mahanda ang katawan natin. Gayahin mo nalang ang gagawin ko Xy" sabi ko sa kaniya at nag-umpisa ng mag stretching.

Hindi ulit siya sumagot at walang imik na ginaya ang ginagawa ko.

Napailing nalang ako, unti-unti na talaga akong nasasanay sa ugali at pakikitungo niya.

"Give some energy Xy para ma strech talaga ang katawan mo" sabi ko sa kaniya.

Ang lamya Kasi niyang mag stretching eh halatang walang gana.

Hindi ulit siya sumagot at sinunod ang sinabi ko.

Lihim akong napangiti, medyo malamya parin siyang mag stretching pero may konti naman na siyang energy.

°°°°°

Nakailang ikot narin kami ni Xyril sa buong subdivision. May mga nakakasalubong din kaming mga nag jojoging. Binabati ko ang iba na binabati kami. Si Xyril naman hindi pinapansin ang mga bumabati samin.

Pinagsabihan ko na siya na bumati din pero hindi nakinig at insnob lang ako.

Typical Xyril

"Xy, lagyan mo naman ng energy ang pag jojogging mo. Mukang pagod kana agad tignan dahil sa walang gana kang nag jojogging. Paano ka maeexercise niyan kung ganiyan ka. Dapat may energy ka staka enjoyin mo nalang. Ang saya kaya mag jogging" sermon ko sa kaniya.

Nakakawalo na kaming ikot sa buong subdivision at wala talaga siyang gana habang nag jojogging. Ilang beses ko na nga siyang sinita dahil ilang beses na naglalakad lang siya at hindi naman nag jojogging. Buti pa si Xysa may mas energy pa kaysa sa kaniya.

"I told you I don't want to jogging" walang emosyong sagot niya sakin pero pansin at ramdam ko ang inis niya.

"Para rin naman sayo ito eh, it will benefit you"

Hindi na siya sumagot at nagpatuloy na ulit sa pag jojogging.

"So tell me about yourself Xy" umpisa ko ng usapan.

"There's nothing else I should tell about myself" sagot niya.

"Magsabi ka na kahit na maliit na detalye lang basta tungkol sayo para mas lalo pa kitang makilala. Magsasabi din ako sayo ng tungkol sakin" pagpilit ko sa kaniya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at parang walang narinig.

Lihim akong napabuntong hininga, kaya ko nga siya inaya para magkakilala pa kami. Gusto ko lang naman siyang makilala pa para matulungan at mas maintindihan ko siya. Nag-aalala lang naman ako sa kaniya. He's my friend and I cared for him.

Behind His Angelic MaskWhere stories live. Discover now