BEHIND HIS ANGELIC MASK - 4

1.3K 115 4
                                    

GETTING TO KNOW EACH OTHER

SHY EVANGELISTA

Nandito na ako sa labas ng bahay namin at hinihintay nalang si Xyril na lumabas. Maaga pa naman, it's 4:53 in the morning. Masiyado lang talaga akong excited kaya maaga talaga  akong gumising at naghanda.

Ayoko kasi paghihtayin si Xyril nakakahiya naman. Ako na nga yung nag-aya at sinabi ang oras ng meet up namin tapos malalate pa ako.

Napaaga naman masiyado gising ko kaya ako ang naghihintay kay Xyril pero ayos lang. Hindi naman ako naiinip dahil excited talaga ako. Staka maaga pa naman hindi pa siya huli sa usapan namin.

Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil narinig ko na ang pagtahol ni Xysa.

Binitawan ni Xyril ang tali ni Xysa staka sinarado ang gate ng bahay nila. Tumakbo naman papunta sakin si Xysa at bigla akong dinamba.

Natatawa naman akong sinalo siya kaya napahiga ako sa semento. Dinidilaan niya ang muka ko habang winawagayway ang buntot niya.

Medyo mabigat din si Xysa dahil ang laki niya ding aso pero keri naman. Nakakatuwa naman kasi siya. Umagang-umaga ang sigla at kulit na. Mas excited pa ata siya kaysa sa akin haha.

"Good morning Xysa, ang hyper muna agad umagang-umaga ah" natatawa kong kausap kay Xysa. Tumahol siya at dinilian muli ang muka ko.

Hinihimas ko naman ang katawan niya. Sarap din yakapin ni Xysa, ang lago ng balahibo parang teddy bear lang.

"Xysa come here" rinig kong tawag ni Xyril kay Xysa. Hindi siya pinansin ni Xysa at nagpatuloy lang sa pagdila sa muka ko.

"Tsk, you like her more than me now huh" rinig ko ulit na sabi pa ni Xyril.

Tinapik ko naman ng mahina si Xysa at sinenyasan na umalis muna sa ibabaw ko. Naintindihan naman niya yon at agad na umalis sa ibabaw ko at lumapit kay Xyril. Si Xyril naman ngayon ang kinukulit niya na wala paring reaksyon.

Tatayo na sana ako ng biglang nilahad ni Xyril ang kamay niya sa harap ko. Inabot ko naman yon at tinulungan niya akong makatayo. Ramdam ko pa ang higpit ng paghawak niya sa kamay ko. Pero hindi naman masakit.

"Good morning Xy" nakangiti kong bati sa kaniya ng makatayo na ako.

Medyo malapit ang muka namin sa isa't-isa kaya nagawa ko pang pagmasdan ang maamo niyang muka. Napansin ko ang itim na kulay sa ibaba ng mata niya. Hindi mo siya mapapansin agad pero kapag tinitigan mo ng malapitan makikita mo.

Parang hindi siya nakatulog.

"Hindi ka ba nakatulog?" Tanong ko sa kaniya at sinalubong ang walang emosyon niyang mga titig muli sakin.

Hindi niya ako sinagot at hindi parin niya binibitawan ang kamay ko. Nanatili lang ulit siyang nakatitig sakin.

Nasasanay na talaga ako sa mga titig niya.

"Siguro excited ka kaya hindi ka nakatulog. Kunwari ka pang ayaw mo pero excited naman pala" pang-aasar ko sa kaniya.

Hindi parin siya nagsasalita at tinititigan lang ako. Parang pinag-aaralan niya ang buong muka ko.

Kinurot ko naman ang kaliwang pisngi niya gamit ang isa kong kamay na hindi niya hawak.

"Tigilan mo nga yang kakatitig mo masiyado sakin Xy. Iniisip ko tuloy na nagagandahan ka sakin kaya lagi mo nalang akong tinititigan" biro ko sa kaniya.

Walang parin siyang reaksyon

Tumahol naman si Xysa kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ko.

Nakaupo siya sa tabi namin at tinitigan kami. Ang cute.

Behind His Angelic MaskWhere stories live. Discover now