BEHIND HIS ANGELIC MASK - 1

2.9K 133 6
                                    

I dedicated this story to my best friend and my number one supporter and believer. Thank you for always supporting me and for always believing in me. Love lots 😘💛


So here's the chapter 1, enjoy reading readers...

°°°°°

NEIGHBOR

SHY EVANGELISTA

Nakangiti kong pinagmamasdan ang bagong naming bahay. Nakakatuwa lang makita ang naging bunga ng paghihirap ng mga magulang ko. Dahil sa pagsusumikap nila ay nagawa narin namin na makapagpundar ng sarili naming bahay.

Matagal ng pinag-ipunan at pinagplanuhan nila mama at papa ang pagbili ng bago naming bahay.

Ayos naman sa dati naming bahay, medyo maliit pero ayos naman samin. Gusto lang talaga nila mama makabili ng sarili naming bahay. Nangungupahan lang kasi kami noon.

Hindi kami mahirap at hindi din kami mayaman. Sa ngayon ay medyo nakakaasenso na kami sa buhay. Napromote kasi si papa sa mataas na posisyon sa kompanyang pinagtratrabahuhan niya. Si mama naman ay may sarili at maliit na business. Sikat ang pastry shop niya dahil sa sarap ng mga bake ni mama kaya binabalikbalikan at tinatangkilik ng mga costumers niya.

Ngayon nga ay nagbunga na ang pinaghirapan nila. Mayroon na kami ngayong sariling bahay.

Sa isang sikat na subdivision kami nakabili ng bahay. Maganda naman dito at pakiramdam ko naman ay mukang mababait ang mga tao dito. Tahimik din at sariwa ang hangin, napakalinis pa ng paligid.

Malaki ang bahay na nabili nila papa. Sakto  na saming tatlo yon at baka nga madagdagan pa kami. Pinagbubutihan ko nalang ang pag-aaral ko bilang tulong ko sa mga magulang ko.

Ayokong masayang ang mga pinaghirapan nila. Kaya pinagbubutihan ko talaga ang pag-aaral ko ng sa gayon ay makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho para makatulong na ako sa mga magulang ko.

Konting panahon nalang at matatapos narin ako sa senior high. Malapit na akong mag kolehiyo at malapit ko narin matupad ang mga pangarap at plano ko sa buhay.

"Shy anak halika na rito sa loob. Ano pa bang ginagawa mo diyan sa labas?"

Natigil ako sa pagtingin sa aming bagong bahay ng tawagin ako ni mama.

"Tinitignan ko lang po ang bago nating bahay. Masaya lang po ako makita ang pinaghirapan ninyo ni papa" nakangiti kong sabi kay mama.

Ngumiti din sakin si mama.

"Para sayo talaga ito anak regalo narin namin dahil sa pagiging mabuti mong anak at pagiging masipag sa pag-aaral"

"Ma, hindi niyo na po ako kailangan regaluhan. Ang makasama po kayo ni papa ay isa ng magandang regalo sakin"

Ngumiti lang sakin si mama at ginulo ang buhok ko.

"Ikaw talagang bata ka, pumasok ka na sa loob para makakain ka. Nakapaghanda na ako ng meryenda. Pagkatapos ay ayusin mo na ang mga gamit mo sa kwarto mo"

Nakangiti akong tumango kay mama at nauna na siyang pumasok sa bahay.

Pinagmasdan ko pang muli ang bago naming bahay. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Mas lalo akong napangiti at tuluyan ng pumasok sa loob ng bago naming bahay.

Behind His Angelic MaskΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα