"When Ingrow up mommy, I swear i'll kill him"

Nanlaki ang mga mata ko sa nga salitang binitiwan ng anak ko. Ramdam ko ang galit sa boses niya at ang itsura niya, parang anumang oras ay kaya niyang makapanakit.

"Whoever hurts you mommy, i'll kill them"

Hindi ko alam kung saan nakuha ni Treyton yung salitang 'kill' pero wala na akong nagawa kundi ang yakapin na lamang siya ng mahigpit at halikan sa tuktok ng kanyang ulo.

Matapos lumabas ni Ferno kanina, walang sawa akong nagdasal para hilingin na sana ay dumating na si Brant. Hindi ko na ata kakayanin pa kung sakaling bumalik si Ferno at gawin niya ulit ang pangmomolestiya niya sa akin kanina

Lumipas pa ang ilang minuto nang makarinig kami ng kalabog sa labas.

"Mommy what's that?"

"Treyton!" isinigaw ko ang pangalan ng anak ko nang tumakbo siya papunta sa pinto. Kahit na nanlalambot pa ako sa pangmomolestiya ni Ferno sa upper part ng body ko kanina, tumayo ako para habulin ang anak ko.

"Mommy mukhang nagkakagulo sa labas" sabi niya habang nakatapat ang tenga sa pinto. Gaya niya ay ginawa ko rin ang ginagawa niya.

Itinapat ko ang aking tenga sa pinto para pakiramdaman kung ano ang nangyayari sa labas.

Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng putukan ng baril kaya agad kong hinila si Treyton palayo sa pinto dahil nakaramdam na naman ako ng takot. At kasabay nun na nakikita kong may parang usok na bumabalot dito sa loob ng kwarto ko. Shit! Ano yun?

Napayakap ako ng wala sa oras sa sarili ko dahil unti-unting lumalamig ang paligid. Letse. Wala akong damit pang-itaas!

"Mommy it's getting cold" napatingin ako sa anak ko na niyayakap na rin ang kanyang sarili.

Dinala ko si Treyton sa isang sulok. Naupo kaming dalawa at niyakap ko siya para mabawasan ang kanyang pagkalamig. He needs body heat. Kahit papaano ay makakatulong ito.

Siya ang nasa sulok talaga at ako ang nasa bungad para hindi siya malamigan. Lintik kasi. Nasaan ba kami? Ano itong kwarto ito? Freezer? Bakit biglang nalamig? Wala naman akong nakikitang aircon.

Sinundan ko ng tingin kung saan nanggagaling yung parang usok. Sa may kisame. May parang screen doon na medyo may kalakihan at doon lumalabas yung usok at lamig.

Lumipas ang ilang minuto at mas lalong lumalamig. At parang unti-unting naninigas ang katawan ko dahil sa lamig na dumadapo sa likuran ko.

"Nilalamig ka pa ba anak ko?" tumango siya kaya mas lalo ko siyang niyakap.

"Mommy kayo po ba? Nilalamig po kayo? Wala pa po kayong damit" kahit gusto kong sabihing nilalamig ako, pinilit kong ngumiti at umiling.

"H-hindi nilalamig si mommy. Malaki na si mommy kaya hindi na ako nilalamig"

Pero sa totoo lang, halos namamanhid na ang likod ko dahil sa dumadapong lamig doon.

Brant nasaan ka na ba?

Bakit nagkakagulo sa labas? Posible kayang nandito na sila Brant? Tila parang nabuhayan ako dahil sa naisip ko. Sana nga. Sana nga nandito na sila.

"M-mommy are you fine?"

Sinubukan kong imulat yung mata ko kahit nahihirapan ako. Nakahiga na ako ngayon sa sahig habang nakabaluktot. Unti-unti na akong nanghihina. Hindi na kaya ng katawan ko ang lamig. Sobra na ito.

"T-treyton come here. M-mommy's going to hug you"

Pero imbis na ako ang yumakap sa kanya, siya ang yumakap sa akin kaya hindi ko napigilang mapaiyak. I should be the one who's protecting him but it turns out different.

"I'm going to call for a help mommy"

"T-treyton.."

Hindi ko na napigilan ang anak ko nang umalis siya sa tabi ko. Ni hindi ko nga magawang tumayo.

"Treyton!" pinilit kong sumigaw para bumalik siya sa tabi ko pero hindi niya ako pinakinggan.

"Help! Help us!" makapal na ang usok dito sa kwartong ito at hindi ko na makita si Treyton. Pero sigurado akong nandoon siya sa pinto dahil naririnig ko ang pagkalabog niyon.

"Help us! Help my mommy! Please open the door!" sobrang lakas ng sigaw ng anak ko at umaalingawngaw yun sa buong kuwarto.

Pero hindi ako sigurado na may nakakarinig sa kanya o kung rinig ba sa labas ang boses niya. Natatakot ako na baka maubos lang ang lakas niya sa kasisigaw niya.

"T-treyton come b-back here!"

Sinubukan kong tumayo pero hindi talaga kaya ng katawan ko. Para na akong maninigas. Ni hindi ko maalis ang pagkakayakap ko sa aking sarili. Binalot na talaga ng lamig ang katawan ko at maging ang paghinga ko ay naaapektuhan na. Bumabagal na ito.

"T-treyton a-anak..."

Ilang sandali ay napamulat ako ulit dahil wala na akong naririnig na kalabog mula sa pinto.

"T-treyton!"

Kinabahan ako lalo nang walang sumasagot. Shit! Nasaan si Treyton? Nasaan na ang anak ko!?

Sinubukan kong gumapang. Para lang akong pagong sa pag-usad ko. Hindi kasi ko makagalaw ng maayos. Idagdag mo pa na mabagal na rin ang paghinga ko. A-ano to? M-mamamatay na ba ako? May namamatay ba sa lamig? Ako yata.

Pero shit lang, hindi pa ako pwedeng mamatay. Kailangan ko pang mahanap ang anak ko. Gusto ko pang makasama ang mag-ama ko.

Kahit sobrang hirap na hirap ang katawan ko sa paggalaw, ginawa ko pa rin. Kailangan kong mahanap si Treyton. Ilang minuto na ata ang nakakalipas simula nung gumapang ako pero wala pa mang isang metro ang naaabot ko.

"T-treyton anak..."

Mas lalo akong nanlambot nang magsibagsakan na naman ang mga luha ko. Gago kasing Ferno yun. Sino nagsabing tangayin niya ang damit ko!? Binaboy na nga ako tapos kinuha pa yung damit ko?

Natigil ako sa paggapang nang may nakita akong pares ng sapatos sa harapan ko. Umaasa ako na si Brant na ang makikita ko pero mas lalo lang akong napaiyak nang hindi siya ang nakita ko nang mag-angat ako ng tingin.

Kumabog na naman ng malakas ang dibdib ko. Pinangunahan na naman ako ng takot. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na mapahagulgol nang makita ko ang lalaking walang habas na nangbaboy sa akin.

"F-ferno"

The Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now