PART 26

231 6 0
                                    

CHAPTER XXVI.

(A/N: Picture ni Mayor sa opppiiisss sa multimedia )

    UNANG bumihag sa mga mata ni Sasa pagkapasok sa opisina ni Giu ay ang malaki nitong topless portrait.

"Nasaan na kaya iyon?" Bulong niya sa sarili.

Umaga na pero gaya noon ay madilim pa rin dito sa Norte. Ngayon kasi niya napiling bisitahin ang opisina ng lalaki na kahit wala namang araw ay nakatakip ang mga bintana ng makakapal na kurtina. Tuloy ay nagmukhang abandonado at madilim na madilim ang paligid.

"Giu?!" Tawag niya pero wala namang sumagot kaya baka nasa kwarto pa iyon. Ano bang oras kasi pumapasok ang binata?

Lumabas na lang siya sa opisina nito at nagpasyang magliwaliw. Wala si Tristan sa tabi niya ngayon dahil kasama ni Beanca na manood ng cartoons sa MALAKING MALAKI na T.V na nasa suite nila. Surely Giu did make the kid and the 'feeling- kid' enjoy living in A.A Hotel.

"Five years ago, four, one." Bulong niya sa mga petsa na nasa ilalim ng mga paintings na nakasabit sa dingding.

Bawat madaanan ng kamay niya ay tiyak niyang mga mamahalin na paintings pero wala namang nakasulat na gumawa.

"Sasa?" Napalingon siya sa tumawag sa kanya. Hindi niya alam kung mangingiti ba siya o ano but there it is . Giu so fresh in a black cotton long sleeve and jeans. Ganito ba araw- araw pumorma ang Mayor?

"H-hi " Nag-aalalangang bati niya. Ngumiti lang ito at humakbang palapit sa kanya kaya tuloy ay hindi na naman siya mapakali. Kanina ay hinahanap niya ang lalaki pero ngayon naman na nandito na ito ay gusto nalang niyang magtago dahil sa dulot nito sa dibdib niya. Kailan ba kasi kakalma ang puso niya?

"Hey! Where are you going?" Tanong nito habang nakangiti. He looks really refreshing habang siya? Never mind. Maganda pa naman siguro siya.

"Pinuntahan kita sa opisina mo kaso wala ka. Anong oras ka pala nagsisimulang magtrabaho?" Kuryuso niyang tanong.

"Pagkagising ko pa lang ay nagsisimula na akong magtrabaho." Sabi nito habang nakatitig sa mga mata niya. " Hindi naman kailangan na nasa opisina ako para magsimula na akong magtrabaho. The hotel and being a Mayor of this city is my business. "

Iginiya siya ng lalaki sa lobby sa Fifth floor kung saan tanaw mo sa ibaba nito ang mga nilalang na labas masok sa Hotel.

"Bakit mo napiling dito mag- opisina Giu? It seems--" Hindi niya maituloy ang sasabihin dahil bakit naman siya makikialam sa gusto ng lalaki? Kaso gusto talagang sumingit ng pakialamera niyang opinyon.

"Inappropriate?" She nodded shyly.

" I thought that if my office will be here it'll very accessible. Ang mga nilalang kasi ng halos kabubuuan ng Norte ay nandito sa hotel. They're living and renting here. At mas kumportable ako dito kasi I can feel that I'm not alone in the dark kaysa sa isang opisina somewhere na iilan lang ang kasama ko. Besides I can still do what I want dito." Itinango nalang niya ang kanyang ulo.

"Kung sabagay mas maaaliw ka nga dito " Tumatangong sabi niya. "Madali mo rin lang din maitatago ang mga babae mo."

Teka, bakit kusang lumabas iyon sa bibig niya? What the!

"What?" Nanlalaki ang nga mata habang tutop ang bibig na sinalubong niya ang tingin ng Mayor na parang nagulat sa kanyang sinabi.

"W- wala. Kalimutan mo na." Tinalikuran niya si Giu habang kinukurot ang sariling braso ng pino.

"Sasa wait." Binilisan niya ang lakad pero naunahan siya ng lalaki at sa isang iglap lang ay namalayan niya na naman ang katawan na nakasandal sa pader. Ilang inches ang layo ng mga paa sa lupa dahil buhat na naman siya ni Giu.

Gentleman Series: The Vampire MayorWhere stories live. Discover now