PART 1

877 24 0
                                    

CHAPTER I.

PANIBAGONG araw na naman para kay Sasa. Tamad na bumangon siya sa kanyang kinahihigaan sa kanyang barong barong. Dumungaw siya sa kanyang bintana. Walang araw na makikita sa North Territory dahil parating nahaharangan ng malalaking ulap. Tuloy ay napakalamig pa rin ng hangin mapa- umaga man o gabi sa isang Normalite na kagaya niya.

"Sasa?!" Napatingin siya sa boses na iyon.

"Alba." Ngumiti siya ng tipid. Alberto Norman Almodovar o mas tinatawag na Alba dahil pusong babae , ay ang kaibigan niya.

He or rather she is a vampire.

"Ang tagal mong gumising." Reklamo nito sa kanya at tinalon ang kanyang bintana.

" Hindi kaya. Hindi ka lang talaga natutulog." Nakangiting sabi ko.

"Magdamag akong naghintay sayo diyan." Sabay turo nito sa puno na nasa gilid ng bahay niya.

" Nakuuu, sinasabi ko na nga ba Alberto may gusto ka sa akin." Pabiro niyang sabi at hinampas ito. "Kung makabakod ka kasi wagas."

"Kilabutan ka oy! Kahit ako pa ang taguriang blacksheep sa lahi ng mga bampira na akala ng iba ay mga hottie at straight , hindi ako papatol sa babae ever ." Nandidiring sabi nito.

"Hindi ka talaga papatol. Berde ang dugo mo remember?" Saad niya. Ngumisi din ito at nakipag- apir sa kanya.

"Mismo!" At pakendeng- kendeng itong nagpunta sa kanyang kusina.

Ito na ang routine nila simula noong makilala niya ang kaibigan. Hihintayin siya nitong magising at hahainan ng pagkain upang mas mabilis silang makapunta sa paaralan matapos niyang maghanda.

Nakapag- ayos na siya at naisuot niya na rin ang uniform niya Hearth Central University.

"Taray girl! Ngayon lang nakahanda ang uniform mo ng ganito." Puri nito sa kanyang uniporme.

"Hindi ko inihanda iyan. Ibinigay yan kahapon ng skwelahan." She's in her last month in Seniors kaya bakit pa siya bibili ng uniform diba? At iyong mga past niya namang uniporme ay may mga punit na kaya medyo naiintindihan niya ang ibig sabihin nito ng sabihin na maayos ang suot niya ngayon. Hindi kaya nagiging ganito kaganda ang uniform niya except kapag unang araw ng klase.

"Ano yan gift nila sa iyo?" She scoffed.

"More like donation." Kumain na siya sa nakahandang pagkain. Ayaw ng mga Admin sa school na may mukhang manlilimos sa kanilang paaralan.

"Donation? Bakit naghihikaos ka na ba?" She look at him flatly at idinipa ang kamay.

"Nakatira ako sa maliit na barong barong sa bundok, walang magulang, walang trabaho , maswerte nga at libre ang mag- aral at ipinagkakasya lang ang pagkain sa mga tinanim niya sa bakuran." Humigop muna siya ng hangin bago nagpatuloy. "Sabihin mo nga kung mayaman ba ako?"

She's a Normalite. Kakaunti lang ang populasyon nila and they are always discriminated sa Hearth dahil sila lang ang walang natatanging lakas at kapangyarihan.

"Fine. Kalma sister. Huwag sirain ang mood. First day sa last month na natin ito sa paaralan." She smiles. Tama. Last year na nila pero ano na ang gagawin niya pagkatapos?

"Ano nga pala ang plano mo?" She ask her bestfriend.

"Magtatayo ako ng Jewelry Shop." Kumikinang ang matang sabi nito. Tumango siya.

"Hmm. You want to be a Merchant." Sabi niya.

"Gaga!" Isang malakas na batok ang inabot niya. Malakas iyon sapagkat magkaiba ang lakas nila ng bampirang kaibigan.

Gentleman Series: The Vampire MayorWhere stories live. Discover now