"G- giu?!" Nagugulat niyang malakas na sambit pero nakalimutan niya ata na nasa teritoryo sila ng lalaki and his name is powerful. Lahat ng mata ay nakatutok na ngayon sa kanila.

"Don't hold him." Utos nito sa kanya.

"At sino ka para sundin ko?" Tanong niya ng nakataas ang kilay. Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya pero hindi nito binitawan. Napasuko nalang siya at hindi na nagpumiglas.

"I'm yours." Sabi ng lalaki at marahan na binitawan ang kanyang kamay. Mabilis naman siyang umatras at lumayo sa lalaki habang magkatinginan pa rin sila. Mas mabuti siguro na lumayo muna siya dito dahil kung ano- ano ang pinagsasabi ng lalaki sa kanya.

"W- why are you here?" Ikinapit niya ang kanyang nanginginig na kamay sa braso ni Beanca habang diretsong nakatingin sa lalaking bampira but then his eyes landed there.

"Its my town." Balewalang sabi nito at isinuksok ang mga kamay sa bulsa. His eyes are dark pero may ngisi naman sa labi. Naiinis ba ang lalaki?

"Tama nga naman Sasa. At salamat sa pagtanggap Mayor Giu." Sabi ni Beanca oblivious of the dark aura of the man infront of him.

" It's my pleasure to welcome you." Sobrang init nga ng pagtanggap ni Mayor Giu dahil nagliliyab ang mga mata nito sa kamay ni Sasa na nasa braso pa rin ni Beanca.

"Kung okay lang Mayor maari na ba kaming umakyat sa silid? Pagod na kasi kami." Nakangiwing singit ni Sasa. Naaalala niya na naman ang nangyari kagabi. Nakasama niya ba talaga ang lalaki sa silid niya o pinaglalaruan lang siya ng kanyang mga mata? Wala naman kasi ito doon nang siya'y magising.

"Of course but ..." Kinuha nito si Tristan na tulog sa balikat ni Beanca at siya na ang nagkarga. Hinaplos- haplos pa nito ang ulo ng bata na para bang normal na gawain na ito ng lalaki. "I'll be the one to escort you to your room while Bernardo will be assisted by Monde."

Nagtataka niya itong tinignan. Napasulyap pa siya kay Beanca na iiling- iling lang at napairap sa hangin. Nagpameywang din ito at tumingin kay Monde.

Naku! Mukhang alam na niya ang nasa isip ng bakla. Kawawang lalaki, gwapo pa naman si Monde.

Pero nabalik ang tingin niya kay Giu.

"B- bakit ikaw? At hindi kami magkasama ni Bean- Bernardo sa iisang kwarto?" Nakita niyang naningkit ang ng Mayor kaya napaatras tuloy siya.

"Hindi ko hahayaan na magkasama kayo sa iisang kwarto gaya sa inn niyo Sasa. Not on my watch and not on my property. D*mn it." Binulong nito ang huling mga salita. "I'll be the one to escort you dahil kaya ko."

Iyon lang?

" P- pero may mga trabahante naman ang Hotel na ito. Tiyak na kung nandito ang may- ari ay hindi rin niya hahayaan na ang Mayor mismo ang maabala namin." She tried to reason out but the man infront of her smirked.

"Ang may- ari?" Tila natatawa nitong tanong. "Tiyak kung hahayaan lang ako ng may- ari Sasa."

Nilingon niya ang kabuuan ng Hotel. Maganda at engrande ito. Naghahalo ang kulay itim, gold, pilak at puti sa bawat bahagi at may mga mamahalin pang mga pinta na nakasabit sa dingding. Pero wala siyang makitang nilalang na parang may tutol sa ginagawa ng Mayor at wala rin itong kasama. Like bodyguards and kaalyado perhaps?

"At bakit naman?" Tanong niya habang nakapameywang. Hindi nga niya pinansin ang pagtusok ni Beanca sa kanyang likuran na waring wina- warningan siya. "Ikaw ba ang may- ari?"

Hindi niya siguro dapat tinanong iyon dahil mas lumaki ang ngisi ng lalaki.

"As of today yes. But my future wife owned this." Nalaglag ang kanyang panga.

Gentleman Series: The Vampire MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon