📷 11: Thelma and Isidro

Start from the beginning
                                    

"Kuya, dalhan mo kaya siya ng tubig?" alok ko para naman magtagpo na ang mga landas nila at makilala na siya ni Thelma. Ganon kasi 'yon sa mga libro.

Nawala naman ang ngiti ni kuya at napalitan ng panic. "Ano? Bakit?"

"Para makita mo siya sa malapitan. Magpakalalake ka nga." I simply said na parang expert na ako pagdating sa mga ganitong bagay. Well, I am actually not. Wala akong alam sa mga ganito.

"Ayoko nga."

Pinaningkitan ko siya ng mata  kaya nagsukatan kami ng tingin ng ilang segundo. Mukhang hindi siya magpapatalo sa ngayon kaya kinailangan ng konting manipulation.

Mabilis lang ang pag-iling ni kuya Isidro.

Tss. Torpe. Inirapan ko siya bago ako kumuha ng panibagong tubig. Inilapag ko 'yon sa maliit na mesa na nasa gilid. "Ma-uuna na ako doon." ngumisi ako sa kaniya. "Kapag hindi mo binigay 'yan, sasabihin ko kay Nanang na gusto mo ang anak ng amo niya." tinuro ko ang baso ng tubig at mapang-asar na kumendeng palabas.

Ngumiti ako nang malapit na ako kina Nanang. Naagaw ko ang atensyon nilang dalawa. "Thelma, heto pala si Amalia. Isang kaibigan." pakilala sa akin ni Nanang. "Hindi siya masyadong nakakapagsalita ng bisaya dahil galing pa siya sa Maynila."

Napatingin ako sa babaeng katabi niya. Their distance from each other tells me na close at comfortable na sila sa isa't  isa. Kinilatis ko naman si Thelma. The typical rich girl defition, maganda, maputi, makinis. I already met her several times dahil close sila ni Lola Milagros. Maganda siya kahit noong matanda na pero maladyosa pala ang mukha nito noong dalaga.

Kulot ang buhok nito na umaabot lang hanggang leeg. Mas maiksi pa riyan ang buhok niya no'ng nagka-edad na.

Nag-usap kaming tatlo nina Nanang Vima tungkol sa mga bagay-bagay at naging magaan din ang loob ko kay Thelma dahil gaya ng matanda version nito ay napakadaldal niya at masayang kausap.

And I was right, close si Thelma kay Nanang Vima at parang ina na rin ang turing niya dito. That was actually a great news to hear. Wala na itong proproblemahin sa manugang pagdating ng panahon.

Nakalimutan ko na nga na nasa kusina pa rin pala si kuya at hindi pa nakakalabas. Madadaanan niya pa kasi ang sala bago ang labasan kaya sigurado akong hindi pa siya nakakatakas. Sinulyapan ko ang deriksyon ng kusina at nakita ko ang mga matang nakasilip sa amin.

Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit inilabas lang nito ang ulo at binonggahan ang pag-iling. Nag-aalala ako na baka makalas ang ulo niya.

"Nang, nakita niyo ba si kuya Isidro?" patay malisya kong tanong at sinadya ko pang lakasan ang boses para madinig mula sa kusina.

"Isidro? 'Yong anak niyo po na palaging niyong kinukwento sa akin?" inosenteng tanong ni Thelma. Walang kaalam-alam na ibinubugaw ko na pala ang kuya ko sa kaniya. It's a good thing na alam nito ang existence ng lalaki dahil nagkukwento pala si Nanang sa kaniya.

Masaya namang tumango si Nanang. "Oo. Sandali, hahanapin ko siya."

Tumayo ang ginang at naglakad papunta sa labas ngunit pinigilan ko siya. "Try niyo ho sa kusina." I bit the insides of my cheek to prevent myself from laughing. Na-iimagine ko na ang pamumutla ni kuya.

Nag-iba naman ng deriksyon si Nanang at tinungo na ang kusina kaya naiwan kaming dalawa ni Thelma sa sala. Ang ibang mga bisita ay nagsasalo-salo doon sa malaking papag na ginawa ni Tatang sa labas.

"Isa ka din bang eletista sa Maynila?" napabaling ang atensyon ko kay Thelma dahil humahaba na ang leeg ko kanina kakatingin sa kusina.

Eletista na naman. Alam kong ito ang tawag sa mga maimpluwensyang tao sa panahong ito at kung sasabihin kong oo, baka tanungin niya kung saang pamilya ako galing.

"Hindi." ngumiti ako sa kaniya.

Napatagilid naman ang ulo ng kausap ko. "Ah hindi ba? Nasa itsura mo kasi na para kang anak ng isang don at doña. Makikita iyon sa mga galaw mo. Elegante. Maybe you are a long lost daughter of some powerful families or something like that. Nabanggit kasi sa akin ni Aling Vima na may selective amnesia ka daw. So maybe you are an elite after all. You know? 'Yong gaya sa mga libro?" at dumaldal na ulit ito at nagtawanan kaming dalawa. I actually liked her simula nang dalhin ako ni Lola Milagros sa mansyon nila noon and I also like her now. She's very nice and kind.

Naputol ang tawanan namin nang dumating si Nanang Vima at sa likod nito ay si Kuya Isidro na nakayuko, may hawak na isang basong tubig. Good.

"Magandang araw sa iyo binibini." bati ni Kuya kay Thelma sabay lahad ng dinadala.

Napapikit na lang ako at pilit pinigilan ang tawa dahil halatang kabado si kuya. Nanginginig ang kamay nito kaya natatapon ang tubig. Sana hindi ko pinuno kanina.

"Pasmado kasi siya." singit kong paliwanag  at ngumiti ng peke dahil sa kapalpakan ni kuya. Pinanlakihan ko siya ng mata at pinagbantaang ayusin niya ang ginagawa.

Ngumiti na lang din si Thelma at tinanggap na ang baso ng tubig. "Salamat, Isidro." sabi nito kaya nanlaki ang mga mata ni kuya.

"W-walang a-anuman. S-a labas lang a-ako." na-uutal nitong sabi habang namumula ang tenga.

Napa-face palm na lang ako dahil mukha siyang tanga, honestly.

*****

Masayang natapos ang araw na iyon at hindi ko mapigilang tumawa dahil sa mga ikinikilos ni Kuya.

Matapos kumain, ay umalis din naman agad si Thelma dahil may handaan din daw sila sa kanilang mansyon. Inimbita niya pa nga kami kaso tumanggi si Nanang dahil magliligpit pa kami.

Kaya heto si Kuya, natutulala sa hangin at parang tangang nakangiti mag-isa. "Hay. Wag ka kasing torpe Kuya." panunukso ko.

Naghuhugas kami ngayong dalawa ng mga pinagkainan ng mga bisita kanina. Sabi nga ni Nanang hayaan ko na lang daw si Kuya ngunit nagpumilit akong tumulong.

"Sinabi niya ang pangalan ko." hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Kuya na para bang nanalo siya ng isang milyon with house and lot and brand new car sa loto.

Tumawa na lang ulit ako dahil mukhang patay na patay si Kuya kay Thelma. Naiipon na nga ang mga plato na kailangan niyang banlawan dahil bigla-bigla na lang itong natutulala. "Uy Kuya. Galaw ka na." pinahidan ko siya ng sabon sa mukha pero dedma lang. "Huy." sinabuyan ko siya ng tubig kaya nagulat ito. Tumawa ako sa naging reaksiyon niya. "Sabi ko magbanlaw ka na. Mamaya mo na pagpantasyahan si Thelma."

Nagbanlaw na ulit si kuya at sumandal lang ako sa lababo dahil tapos na akong magsabon. Naalala ko naman na tuturuan ko pala si kuya ng english para dagdag pogi points. "Kuya, gusto mo turuan kita ng english?"

"Para saan?"

"Alam ko kasing matalino ka. Nakakapagsalita ka nga ng tuwid na tagalog e." napansin ko kase na walang mababakas na tonong bisaya sa pananalita niya. Na para bang isa itong anak mayaman na may pinag-aralan kung magsalita ng tagalog.

"Ahh 'yon ba? Tinuruan kasi ako ni Marco. Pinapahiram niya sa'kin 'yong mga libro niyang luma na. 'Yong lalaki kahapon sa palengke." isa-isa nitong binalik ang mga plato sa lalagyan kaya tinulungan ko na siya.

"Magkaibigan kayo?"

"Magkaklase kasi kami no'ng elementary. Hindi nga lang ako nakapag high school kasi kailangan pang pumunta ng siyudad."

Napatigil naman ako sa ginagawa at pinagmasdan na lang si kuya. Masasabi kong maswerte pa rin talaga ang mga kabataan sa modernong panahon dahil hindi balakid ang kahirapan para makapag-aral sila. Each town have their own public schools kaya hindi na mahirap sa mga estudyanteng pumunta sa paaralan.

Ngayon kasi, sa lungsod lamang ang mayroong mga high school kaya walang magawa ang mga mag-aaral dito kun'di ang tumigil na lang sa pag-aaral. Wala kasi silang masasakyan papuntang siyudad at kapos rin sa pera.

"Bibisita na lang ako rito kapag bakante tayong dalawa. Tuturuan kita ng tamang english grammar Kuya. Susungkitin mo ang puso ni Thelma. Tutulungan kita." sabi ko sabay kindat sa kaniya.

====================
mwa.

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now