Chapter 5

0 0 0
                                    

Maagang umalis ang mga kaibigan ko dahil maghahanda pa raw sila para sa practice, ayaw nilang ma late dahil masungit daw ang manager. Habang kumakain akong mag-isa ay hindi ko maiwasang mapangiti sa pag-uusap namin ni Zayn kagabi. Hindi pa ako handa para sa commitment, landian lang okay na sakin.

Bata pa naman kami, charot, ayaw ko lang masaktan ulit. Iba kasi ako magmahal, sabi ng mga kaibigan ko napaka selfish type ko raw, dahil gusto ko lagi na nasa akin lahat ng oras ng boyfriend ko, kaya naghiwalay
kami nung ex ko, nasakal ko ata ng sobra, sana tinuluyan ko na.

Nang makarating ako sa studio ay nag practice na kami. Habang papalapit ng papalapit yung date ng show ay mas pinag iigihan pa namin. Everytime we have our break time I can't help but to look at the choosen models from Philippians. From their different shades of hair, the size of their eyes, their perfectly-made faces, halatang pinagpaguran. Di ko maiwasang matawa sa iniisip ko, they have different features but I'm telling you it suit perfectly on them, walang daplis, kapag mag kwekwento ka ay lahat maganda walang salita na 'pero' 'kaso nga lang', cause they posses the beauty of being a man that can make girls drool over and over again.

Tinawag ulit kami kaya bumalik ako sa pwesto namin. Pinakita saamin ang mga susuotin namin, the designs we're unique and if has a different pattern, you can't really identify if the cloth was from coconut, hemps, or from pineapple fabrics. Nang maibigay saakin ang tatlong susuotin ko ay agad ko itong tinignan. It was a tube style, yung isa naman ay asymmetric, at yung sobrang naka agaw ng atensiyon ko ay ang gown-type na peplum. Idinikit ko ito sa katawan ko at lumapit sa salamin saka umikot-ikot.

"You like it?" Tumigil ako sa pag-ikot at tinignan si Zayn na nakatingin saakin. I nodded while smiling, "it's nice" sabi ko pa.

"You're beautiful. Can't wait to see you wearing those three," seryosong sabi niya. Napaamang ako at sinukbit sa braso ko ang damit at tumawa,

"Ikaw ha, baka mahulog ako niyan tas bigla mo akong iwan. Uso pa naman yan ngayon." Mahulog, hulog na nga ako e nung unang kita palang natin. Haysss

"Huy kayo sama kayo mamaya, sa restau na tayo mag lunch." Singit ni Frei. Tumango naman ako,

"Sama ka?" Baling ko kay Zayn.

"Kung sasama ka, sasama ako." Gago to. Kanina pa bumabanat,

"Sasama ako." Niligpit ko na ang damit at inilagay sa cabinet na naka assign saakin. Hinanger ko ito saka pumunta kina Eli. Nakasunod naman saakin si Zayn na nakapamulsa kasama si Aaron.

Nang matapos ang practice namin ay nagkayayaan na kumain sa pinakamalapit na restaurant. I'm with my friends and then some model of the Philippians. Hindi naman sobrang mahal ang mga pagkain rito, well, five hundred is enough. Nalaman ko na lahat ng kasama namin ay sobrang yaman nang lahat sila ay naglabas ng credit card.

"Gago, mukhang tayo pa ata ang magbabayad." Bulong ni Eli, agad naman siyang siniko ni Celine kaya tumawa si Frei.

"Sagot na ni Eunice yung akin, kaya wala akong babayaran." Natatawang sabi ni Freida. I pouted.

"Why are you guys are laughing?" Agad tumigil si Frei nang nagsalita yung Australian na pair ni Celine. Hindi ata kami maintindihan sa pinagsasabi namin dahil tagalog yung lengguwahe, o baka hindi lang talaga niya narinig?

"Nothing," sagot ko kahit hindi naman ako ang tumawa.

"May dala kayong pera?" Celine asked them. Then they raised their credit cards. Gusto kong matawa, pikon na ang buhay prinsesa. Sumama na ang mukha e,

"I mean pera, yung papel." Sagot ni Celine. Napasapo si Eli sa noo niya habang nakayuko na si Frei para pigilan ang malakas niyang tawa.

"Do money was made of paper? I mean, really? Like intermediate?" Yung kasama ng Australian naman ngayon ang nagtanong.

"Putangina niyo," naiinis na sabi ni Celine. Sabay naman kaming natawa lahat.

Ang ending ay nilibre kami ni Celine, nung nasa studio kami ay hindi namin nakakausap masyado ang ibang models ng Philippians pero ngayong nakasama namin sila ay mas naging malapit kami sa isa't-isa. In this simple restaurant maraming kumakain and this guys gets too much attention, na pati may edad na ay napapalingon sakanila lalo na yung mga ka edad namin, ang iba ay hindi mapigilan ang pagtili.

"Okay lang ba 'to? We're exposed." Lahat kami ay napatingin kay Aaron. Gumala ang tingin ko sa malawak na restaurant, alot of girls were secretly taking pictures of them.

"Let's go." Zed said, yung Australian.

"Anong let's go ha? Kakain tayo dito, uubusin natin ang mga na order natin, sayang yung binayad ko sainyo." Naiinis na sabi ni Celine. Kaya niyang gumastos ng kahit milyones pa para sa isang tao basta lang alam niyang mapapakinabangan ito at hindi aabusuhin ng kanyang pinagbigyan.

"Kung bakit ba kasi dito tayo kumain? Marami namang private restaurant sa Manila,"

"Ito ang pinakamalapit, gutom na kami." Sagot ni Eli.

Nagkatinginan kami ni Zayn, nag ngitian saka tahimik na kumain habang sila ay nagdadaldalan tungkol sa crush nila.

My phone beeped, it was mom who text me that they already arrived. I can't wait to go home to see what she buys for me, at syempre hindi nawala ang sinabi niya na may bago siyang dalang painting. Uminom ako ng juice na inorder pa ni Frei sa labas dahil walang available na mango juice rito.

"Ikaw Eunice? May crush ka rin ba sa Philippians?" I slightly tap the can when Aaron asked. Ang una kong tinignan ay si Celine para pigilan siya sa pagsasalita pero ang gaga ay inosenteng kumakain at tumingin saakin.

"Wala akong gusto sa mga model ng Philippians, Aaron." Tumunog naman ang kubyertos ni Celine. Ang swerte ko na naging kaibigan ko siya dahil mabait siya, hyper, kahit na nasa kanya na ang lahat, pero syempre ayaw ko rin minsan sa pagiging madaldal niya,

"Sinungaling amp! Si Zayn ang crush niya!"

Please, Choose Me [Philippians Series #1]Where stories live. Discover now