Chapter 3

0 0 0
                                    

Nang dumating ang gabi ay nasa couch na kami ni Freida habang inaantay na magsidatingan ang mga kaibigan namin.

Nanood lang kami ng movies, nauna rin sa pag dating si Eli kasama ang dalawa naming kaibigan na si Fayre at Reign na may dalang take-out.

"Kamusta practice niyo? Sabi ni Eli gwapo daw lahat ang mga na recruit galing sa Philippians ah"

"Ang gwapo talaga nila! Sana sumama nalang kayo saamin!" Kinikilig na sabi ni Freida. Kinuwento ko na rin ang crush ko nang matapos si Freida sa pakikipagdaldalan niya. From the way he walks, his eyes, his warm smile to his gentle voice at syempre ay di ko matanggal sa pagkwento ang ginawa ni Celine kanina sa studio. Pagkatapos ay nanood nalang kami ng movie hanggang sa naumay kami.

"Asan na ba si Celine? Pupunta pa ba 'yun?" Naiinis na si Eli dahil kanina pa niya ito tinatawagan at ayaw namang sumagot. Nag riring lang daw ang phone kaya tinadtad niya ng message pero hindi naman nag rereply. We we're planning to watch horror movies, pero hindi namin masimulan kasi kulang pa kami. She said she'll come early but it's almost late.

"Baka busy pa?" Sambit ni Reign na kumakain ngayon ng popcorn at naka dapa sa red carpet na pinalibutan ng sofa.

"Busy saan? Sa pakikipag landian? Hindi naman natin masasabi na may ginawa siya o ano, dahil alam naman nating lahat na unika hija si Celina at pinagsisilbihan na kulang nalang ay pati pagkain niya ay susubuan siya at pati pag punta sa C.R niya ay ang mga katulong ang maglilinis sakanya." Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang pagtawa. Si Eli ang laging namumuna sa pinag gagawa ni Celina at kapag ganiyan na siya ay naiinis na talaga siya at sa oras na tumawa ka ay mas lalo siyang maaasar.

"Mag kape nalang muna tayo, or juice? Gagawa ako from fresh fruits." Suhestiyon ni Frei. Tumango ako,

"That's good. Mas maganda yan habang nag aantay tayo kay Celine. I'll go for juice muna. My favorite Frei." Ngiti ko sakanya. I only drink juice kapag ito ay mango flavor. Kapag hindi ay mas pinipili ko nalang ang tubig. Maubos na lahat ng stock ng prutas dito sa bahay wag lang ang mangga.

"Sure Couzy, sainyo mga kambal?" Baling niya kay Reign at Fayre.

Fayre raised her hands, "Hot Coffee please,"

"Any kind of Juices." The more na nakakasama ko si Fayre at Reign ay mas nakikita ko ang pagkakapareha nila. Fayre and Reign is a friend of Eli kaya nakilala ko sila, minsan lang din kami magkita dahil lagi silang abala sa hindi ko malamang dahilan, but Eli told me about their diferences at humanga ako roon ng sobra. Reign was named by her grandfather which is Rain, that rain will reign their empire soon. Si Reign mahilig sa malamig, just like when it rains, cold breeze apprears. Si Fayre naman ay pinangalanan ng kanyang Lola, you know it means Fire. She will be the one who'll burn those traitors in their empire. She loves everything in hot temperature. Yun lang, yung empire? business lang 'yun, mga groceries kamo. Ano kala niyo? Wala tayo sa libro na uso yung mag hari-harian at secret identities. Though, I'm amazed on them.

"Your juice ma'am, fresh from mango's" Naputol ang pag-iisip ko ng senerve ni Frei ang juice sa harapan, I thank her after.

Nakakalahati na ako sa juice ko ng may sumigaw mula sa pintuan kaya lumingon kaming lahat.

"I'm hereeeee!" Celine spread her arms upward like she is representing a country.

"San ka galing?" Tanong ko sakanya at tumayo para salubungin siya pero bago pa ako nakalapit ay may lumipad na throw pillow at tumama sa mukha niya, sayang yung make up niya, sana naman malakas yung kapit ng brand niya para hindi matanggal. Lumingon ako kung sino ang may gawa nun at nakita ko ang tatlo na nagtatawanan. Si Fayre ata ang may gawa? Or si Eli siguro.

"Bruha ang tagal mo." Naiinis na sabi ni Frei sakanya.

"Sobrang tagal mo," ganun rin si Reign.

"Ano? May nabingwit ka ba ha?" Tanong ko sakanya. Pero tumawa lang siya, "I have a surprise on you Eun,"

"Grabe naman atang sorpresa yan Celina? Na late ka pa. Baka walang silbi yan, itatapon ko talaga sa labas kapag walang kwenta yang——"

"Good evening?" Napaamang ako sa boses na 'yun. Agad ring dumapo ang mga mata ko sa lalaking nasa pintuan.

"Uy Zayn! Andito ka pala? Sino kasama mo?" Malakas na sigaw ni Frei sa di kalayuan. Did he hear what I've said a while ago?

"My friends, sinama kami ni Ce, she said we have nothing to worry about because Eunice is a kind girl." Zayn was smiling when he said it. Sandali pa itong sumulyap saakin saka bumalik ang tingin kay Frei.
Sumunod naman nito ang dalawang kararating lang, yung isa ay yung partner ni Eli, at hindi ko kilala yung isa.

"By the way, this is Aaron kasama ko siya sa Demi Fashion Show," yun ang sinalihan namin. "And this is Ciatu,"

"Welcome, have a seat. Celina samahan mo nga ako magluluto tayo." Akmang hihilahin ko na si Celina, babatukan ko talaga 'to, hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya, nakakunot ang noo. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtataka ni Zayn, ilang segundo pa akong napakurap at inisip ulit ang sinabi ko.

"Are you out of your mind? I don't know how to cook, freaking freak." Napapikit ako, kulang nalang pala subuan ito sa ganda ng buhay niya tas gagawin kong taga luto ngayon. Pinanlakihan ko siya ng mata, "Sasamahan mo nalang ako, our friends is tired. Kukunin lang natin yung pagkain sa kusina." Diniinan ko ang sinabi ko tsaka lumingon sa tatlong kasama niya at ngumiti ng pilit.

"Ah! HAHAHA Guys, talk to our friends muna ha, sasamahan ko lang si Eunice."

Pagkarating namin sa kusina ay gusto ko na siyang hambalusin ng gasul, "What was that Celina?" Tinuro ko pa ang labasan ng kusina.

"Uh, Surprise!" She said awkwardly. Huminga ako ng malalim.

"What a surprise Celina."

Please, Choose Me [Philippians Series #1]Where stories live. Discover now