Chapter 2

0 0 0
                                    

"I'm so glad to meet you Eunice." He is  still smiling. Tumango ako at lihim na napangiti,

"Uh, my hands." Agad nanlaki ang mga mata ko binitiwan agad ito. Nakakahiya! Hindi ko man lang napansin na kanina pa ako nakahawak.

Hiyang-hiya ako sakanya, kahit pa sa paglalakad namin sa runway ay kinakabahan ako. Hindi na rin kami nag usap mula pa kanina, kung may sinasabi man ang nag hahandle sa fashion show na dapat naming gawin ay tumatango lamang kaming dalawa. I don't want to talk to him first, at baka sabihing FC ako. Bahala siya jan.

Natapos ang practice namin kaya nag usap na naman kami.

"Grabeh! Buti nalang at maganda ako dahil type ako nung Australian!" Pinapaypayan ni Celine ang kanyang sarili dahil kanina pa raw siya hindi maka get over sa ka gwapuhang taglay ng kanyang partner. Lahat naman ata kami ay hindi maka get-over.

"Mas gwapo si Zayn," biglang sabi ko at inalala ang kanyang ngiti sakin. Agad namang hinampas ni Frei ang balikat ko, ayan na naman siya.

"Oo nga! Sa nakikita ko ay siya lang yung blue-eyes sa lahat ng model kanina! Ang swerte mo Eun." Kinikilig niyang sabi. "Bakuran mo na!" Dagdag niya kaya agad ko siyang binatukan.

"Gaga ka!" Tawa ko, kaya ganun rin ang ginawa ng mga kaibigan ko.

"Huy wag kayong ano! Yung sakin nga niyaya ako ng date!" Agad naman tumaas ang kilay naming lahat sa sinabi ni Celine,

"Speed" sabay-sabay naming sabi at agad nagtawanan. Hindi naman namin proproblemahin kung papatulan ni Celine ang bago palang niyang nakilala, dahil kung mapaglaro yung Australian na 'yun ay ganon rin naman siya.

Dumako ang mga mata ko sa mangilan-ngilan na lalaki na natitira. Umalis na 'yung iba, andun pa rin naman si Zayn at ngayon ay nakikipag-usap sa ibang kasama niya. Tumatawa siya kaya ang gwapo niyang tignan.

"Huy tara na, baka nakakalimutan niyong may sleep over pa tayo kasama yung mga kaibigan natin. Tatawagan ko pa sila mamaya." Narinig kong sabi ni Eli. Imbis na sumagot ay unti-unting nanlaki ang mata ko ng makitang patungo rito si Zayn.

"Oh my god…" umiwas ako ng tingin at hindi maipapaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Kakausapin niya ba ako? Yayayain? Jusko hindi pa ako handa!

"Eunice sagot mo na yung pagkain ha? Mayaman naman kayo," gusto ko sanang umangal sa sinabi ni Celine pero mas nanaig ang kaba ko sa bultong patungo rito. Gusto ko sanang bungangaan siya na mayaman rin naman sila at ang iba naming kaibigan pero bat ako lagi ang nanlilibre. Nanahimik na lang ako baka marinig pa ni Zayn at sabihing ang sama ko.

Handa na ako sa pagtayo at salubungin si Zayn ng narinig ko ang sinabi niya,

"Hey Ce," he said greeting the girl behind me. Agad akong nanlumo,

"Zaynnnnn!"masayang sigaw ni Celine saka dali-daling tumayo at niyakap ang kanyang dalawang kamay sa leeg nito, bumaba ang tingin ko sa kamay ni Zayn na nasa bewang ni Celine saka inikot niya ito habang yakap ang kaibigan namin.

"Husana anong nangyayari?" Bulong ni Frei sa tabi ko.

"Pair mo yan diba? Yung crush mo? Siya yun? Ano sila ni Celine?" Siniko ako ni Eli. Mukha kaming chismosa na nagbubulong-bulongan rito.

Rinig ko ang awtomatikong pag taas ng hinga ni Frei, tinignan niya ako sa mata ko, her eyes widened "Don't tell me……mag fling sila? Or worse mag…jowa?" Sinamaan ko siya ng tingin. I remember that Celine diverted the topic a while ago nung pinag-uusapan na namin si Zayn.

Napainom ako ng tubig, nang matapos ako ay lumapit naman silang dalawang rito. Naka akbay si Zayn kay Celine, ang tangkad niya.

"Hey guys, Zayn this is Elina, Freida and Eunice." Tinuro niya kami.

"Hi everyone," he waved. His lips pressed when we look into each other's eyes "Ce, she's my pair. Magkaibigan pala kayo." Turo sakin ni Zayn.

Tumawa si Celine, "Yah, she's beautiful right?" Sambit niya.

"And guys this is Zayn Philips Hudson my baby."

"Baby?!" Sabay na sigaw ng dalawa kong katabi. Ibig sabihin sila nga. Mag jowa nga.

Tinignan ko si Celine, ang sama, di man lang sinabi kanina na sila pala ni Zayn at kinilig pa talaga sa Australian na 'yun.

"Baby boy best friend. He is my childhood friend." Then she winked at me. Tangnang babae 'to. Mapaglaro talaga!

Kanina pa tawa ng tawa si Celine. Mula sa pag alis ni Zayn ay nagsimula na siyang tumawa hanggang sa nasa labas na kami ng studio at nag aantay ng sundo namin ay hindi pa rin siya tumigil.

"HAHAHAHA Eunice reaction is so epic! Parang na Columbia! HAHAHA" Hindi ko talaga siya maintindihan, kanina pa talaga siya.

"Hindi mo man lang sinabi na kilala mo pala si Zayn at may pa Ce pa siyang tawag sayo. Akala ko talaga bokya na yung future namin ng new crush ko." Sumimangot ako.

"Ano ka ba! E di nasira na 'yung plano ko na gulatin kayong tatlo." Tawa pa niya.

Abala si Eli sa paglalagay ng make up sa mukha niya, ewan ko ba nanggaling na kami kanina sa cubicle pero hindi niya naman ginawa. Sabi niya ay sayang daw sa oras, dadaanan pa niya yung parents niya sa isang hotel dahil may family dinner daw sila saka siya makakapunta sa bahay.

"Una na ako. Bye guys!" Nagpaalam agad si Celine ng dumating ang kanyang sundo. Nauna na rin si Eli saamin kaya kaming dalawa nalang kami ni Frei ang naiwan sa labas ng studio.

"Kamusta kayo nung Fil-Am?" Tanong ko sakanya nung papasok na kami sa kotse.

"We're fine. Ang jolly niya Eunice. Madaling pakisamahan, bagay na bagay kami." Napangisi ako. Kahit anong sugar coating pa ni Frei ay hindi naman magkakaroon ng relasyon ang dalawa. Sa aming magkakaibigan ay si Celine ang playgirl, maraming lalaki pero berhin pa. Si Eli naman ang serious type, may limang ex, maraming nahulog sa pagiging seryoso niya, and me? Syempre I only have one ex, while Frei lagpas isang libo na ang crush pero wala pang naging jowa. NBSB yan, feel ko nga ay hindi siya nagkaroon ng pure Filipino na crush, puro ata may lahing foreigner. 

Please, Choose Me [Philippians Series #1]Where stories live. Discover now