Chapter 6

303 12 0
                                    


Chapter 6

Para akong zombie na naglalakad sa hallway. halos kaunti nga lang ang tulog ko e. kasi naman hindi ko in-expect na susugurin ako nila Clyde sa Condo. akala ko ay nakalimutan na nila yung about sa party keme daw sa Condo ko! psh, napuyat ako dahil sa kanila. anong oras ko na rin natapos yung ipapasa kong design kay Mrs. Lara.

at ngayon nga ay naglalakad ako papunta ulit ng faculty dahil may kukunin akong topic for our reporting.
hinanap ko si Mrs De Leon pagkatapos ay nakakuha na ako ng topic saka bumalik ng classroom.

kulang ako sa tulog beh! gusto kong matulog kaso may last subject pa kami, then after class ay dederetso pa ako sa Impact entertainment. huhu! hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako!

“para kang panda” natatawang sabi pa ni Sere

masama ko itong nilingon! kasalanan nila ito, gosh “kung hindi niyo ako sinugod kagabi, edi sana hindi ako napuyat sa kaingayan niyo”

at ang loka tumawa lamang.

sanay kasi sa puyat kaya balewala lang iyon sa kanya. nakakaloka! daig ko pa ang bangag!

“we have long quiz, tomorrow” paalala pa nito pagkalabas namin ng classroom.

kakatapos lang kasi ng last subject.

“I know” nakasimangot kong sabi

“pinapaalala ko lang, baka makalimutan mo *laugh* dont worry hindi kami susugod sa Condo mo later, so you can have a good sleep”

good sleep, good sleep! e ngayon pa nga lang gusto ko na umuwi at matulog agad, kaso nga kailangan ko pang dumeretso sa Impact building. gosh! so saan ang good sleep doon?

hindi ko din alam kung anong oras ako makakauwi mamaya!

“girl, ayos mukha haha! Manang ka na nga magmumukha ka pang Manang na nag-aalaga ng anak”

lakas talaga mang-asar!

I glared at her, dahil sa inis ko ay hinampas ko ang balikat niya. hindi naman yun masakit kaya okay lang! saka bahala siya dyan, kasalanan niya din naman dahil inaasar niya ako.

“wait! hindi ka magpapalit ng damit? girl, naka-uniform ka pa” bigay pansin nito sa suot ko

lahat na lang ay pinapansin niya, psh

“ano naman ngayon?”

wala ako sa mood ngayon dahil nga kulang ang tulog ko!

nakita kong tumaas ang kilay nito saka napameywang akong tinitingnan!

ano na naman bang problema nito?! huhu. jusmiyo marimar!

“what?” iritable kong turan

kasi naman e, ayaw akong tantanan!

“seriously? magpalit ka nga, gosh!” utos pa nito sa akin

para akong bata na nagdadabog habang nalakad. lahat na lang e huhu!

“stop tantrums! hindi ka na bata *laugh*” tumatawa nitong sabi

“tantrums ka dyan! nakakainis ka na e!” nakasimangot kong sabi “lubayan mo ako, parang awa mo na!” frustrated kong dag-dag habang napapasabunot sa aking ulo

tawa lang ito ng tawa habang pinapanuod ako. gaga talaga!

“you're funny”

psh! tawa ng tawa, gusto na atang mag-asawa!

“may nilagay akong damit sa loob ng bag mo. before tayo pumasok kanina!”

napatingin ako sa bag ko, saka kinalkal yun! o? meron nga.

Beautiful Strangers : Morgan Series #2 ✅Donde viven las historias. Descúbrelo ahora