Chapter 5

327 12 2
                                    

Chapter 5


“yan! kahit simple lang yan at least mukha ka ng tao”

ang harsh talaga, psh

“bakit? hindi ba ako tao sa mga suot ko?”

“hindi! mukhang Manang lang” nakairap nitong turan

kahit kailan talaga! okay naman yung mga suot ko e, siya lang talaga yung maarte!

“Buti na lang at binilhan ka ni Ate Dionne ng mga bagong damit... buti na lang talaga” she said saka ibinalik ang ibang damit sa walk in closet ng kwarto ko! “araw arawin mo ang pag-suot ng mga ito hah? mas bagay ito compare sa dati mong damit” she added

tiningnan ko ang sarili sa whole body mirror, I wear a simple White CK Logo t-shirt Calvin Klein partnered with a High Waist black shorts stretchable and a pair of Kylie Jenner x Adidas Falcon black pink shoes. kumuha din ng Gucci Queen Margaret sling bag si Serenity at yun daw ang gamitin kong bag.

gosh, ang hilig talaga ni Ate sa branded! puro branded kasi pinagbibili sa akin.

“hindi kaya magtaka sila? P.A lang ako tapos puro branded yung suot ko?”

kasi naman e, pwede naman yung mga luma kong damit keysa dito sa pinagbibili ni Ate, mas komportable pa nga ako doon e.

umiling ito saka iniabot ang sling bag sa akin “May mga P.A din akong nakikita na naka-branded kaya okay lang yan- i told you huwag mong hihilahin yang shorts mo pababa!!! gosh”

napa-aray tuloy ako ng hampasin nito ang kamay ko! ang ikli naman kasi nitong short na pinasuot sa akin, hindi ako sanay huhu

“ang ikli, Sere!”

“Natural, short yan. psh! ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na i-tuck in mo yang t-shirt mo? hah?” sermon niya pa sa akin ng makitang tinanggal ko sa pagka-tuck in ang t-shirt

naiiyak na ako dito huhu, tinotorture ako putek!

masama itong tumingin kaya naman ay itinuck in ko ito agad bago pa siya magalit. inayusan niya din pala ako ng buhok, naka-big curl ito saka niya pinony.

“edi ang ayos mong tingnan! panira nga lang yung glasses mo, tanggalin mo kaya yan at mag-lenses ka na lang?” sahesyon niya

tatanggalin niya sana ang glasses ko pero agad akong umatras dito saka napahawak doon. ayokong mag-lenses hindi ako sanay!

“Pwede na 'to. ayoko ng lenses makati sa mata yun”

she raised her brow saka napameywang sa harapan ko. “seriously? ang ganda na kaya ng ayos mo kung tataggalin mo pa yang glasses.”

“hindi na hindi na! okay na to. saka anong oras na din kailangan ko na umalis” i said to her saka nagmamadaling kinuha ang ibang gamit na importante at inilagay yun sa sling bag.

“mag-dahilan ka pa! ayaw mo lang talaga kamo” she said

sabado ngayon at wala kaming pasok! tapos pumunta dito si Sere para daw ayusan ako at para hindi magmukhang Manang!

“hindi kaya! sige na mauuna na ako, baka nasa baba na si Kuya Russel”

tumango na lang siya saka ako lumabas at nagmamadaling bumaba! baka kasi maghintay si kuya Russel, yung driver ng Illustrious. nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa! kapal na ng mukha ko no'n day!

pumasok na ako sa loob ng van, naupo ako banda sa harapan kung saan ay nasa likuran ako ni Kuya Russel. nandito na din pala sila Kenzo, Sceven at Yuki!

Beautiful Strangers : Morgan Series #2 ✅Where stories live. Discover now