Chapter 1

1.3K 23 0
                                    


Chapter 1

Tulala akong nakatingin sa kawalan habang hawak ang flyers, iniabot ito sa akin nung babaeng nagbibigay ng flyers ng mapadaan ako kanina! sakto at naghahanap ulit ako ng part time para matustusan ang gastusin ko, napakarami pa naman ng babayarin ngayon sa iskwelahan idagdag mo pa yung pang-1 month kong upa sa apartment na pinagtutuluyan ko, kailangan ko na pa lang magbigay kay Aling Nena ng panibagong bayad para sa buwan na 'to. watalayp?!! hays.

mas masarap sa pakiramdam ang matulala, wala kang pinoproblema at wala kang iniisip na gastusin! sana ay ganito na lang ng hindi na ako napapakamot sa ulo tuwing inaalala ko ang mga babayarin!
kailangan ko na uling maghanap ng pangalawang trabaho, hindi kasi sapat yung kinikita ko na sahod. kuripot naman kasi nung amo ko na nagmamay-ari ng 7/11. hindi niya pa dagdagan ng kaunti, mahigit kalahating buwan na din akong nagseserbisyo sa kanya! napakakuripot talaga nun, psh!

Napatingin ako sa flyers na hawak ko, hiring sila ng waitress, pwede na ito. dali dali kong kinuha ang cellphone mula sa sling bag ko pagkatapos ay tinext ang number na nakalagay sa flyers. sana naman ay makuha ako, sayang din kasi ito, pandagdag din sa pambayad ng gastusin.

pumunta na muna ako ng grocery para mamili ng mga Stock na kakainin yung good for 1 month. mabuti na lang at sinwelduhan na ako kanina nung amo ko. baka bukas ko na lang bayaran si Aling Nena! sakto lang kasi itong pera na mayroon ako. panggrocery at baon ko sa araw araw, manghihiram na lang ako mamaya kay Rica... yung katrabaho ko sa 7/11, mabait naman yun at talagang pinapahiram ako tuwing nangangailangan talaga.

“Kaka, maghuhulog ka ba ng upa mo ngayong buwan? kailangan ko kasi, dahil sinugod sa hospital yung apo ko” bungad sa akin ni Aling Nena

napakamot ako sa aking ulo!

“Eh! bukas pa po ako makakabayad Aling Nena, inuna ko po kasi yung makakain ko. pasensya na po, pangako po magbabayad ako bukas ng umaga”

bumuntong hininga siya “Oh sige, katukin mo na lang ako bukas ng umaga para makapagbayad din ako sa hospital”

“Sige po, salamat po” nakangiti kong sabi

tumango lamang siya saka pumasok na sa loob ng bahay niya. mabuti na lang at mabait si Aling Nena, hindi siya katulad ng mga Landlord na mataray at masungit. kapag nagkataon baka sa lansangan na ako pupulutin, buti na lang talaga.

umakyat ako papuntang second floor kung saan ay doon ako nakatira. ibinaba ko ang ibang supot na dala saka hinanap ang susi sa sling bag ko, pagkatapos ay binuhat ko muli saka pumasok sa loob ng mahanap ko ang susi, inilapag ko lamang sa dining table ang mga ito!

Oo nga pala, naalala kong tinawagan na ako kanina nung Restaurant na pag-aapply'n ko. sinabi ding kailangan kong pumunta doon bukas ng hapon. wala naman akong night class kaya okay lang, after class na lang ako dederetso doon! kaya nga laking tuwa ko ng tawagan ako kanina eh, finally...

simple lamang ang apartment na meron ako, maliit lang ito dahil mag-isa lang naman ako at hindi ko na kailangan ng malaki! basta may salas, kusina, kwarto, bathroom at laundry room. maliit lamang iyon pero sapat na para sa akin.

Inilagay ko ang mga pinamili sa ref kong second hand! wala naman kasi akong pera para makabili ng brand new, pagtyagaan na lang. parehas lang din naman na ref, daming arte!




Kinaumagahan ay maaga akong nagising at mabilis na kumilos para iwas traffic, nagko-commute lang kasi ako tuwing papasok dahil wala naman akong sasakyan! wala naman kasi akong pera para magkaroon nun, gosh!

hindi ako nahilig sa kape kaya naman ay Milo ang iniinom ko tuwing almusal. nagbaon din ako ng pangtanghalian para mamaya, hindi na kasi ako umuuwi dito ng tanghali. hassle kasi yun! baka malate lang ako kapag umuwi pa!

Beautiful Strangers : Morgan Series #2 ✅Where stories live. Discover now