Chapter 3

450 17 0
                                    


Chapter 3


“hindi ka talaga sasabay sa akin?” Sere said

hapon na at kakatapos lang din ng klase namin. sabi ko kasi sa kanya ay di ako sasabay ngayon, dahil may dadaanan pa ako bago umuwi.

“sige na, sumabay ka na kasi” pagpupumilit niya pa

“May pupuntahan pa ako eh!”

tinext na kasi ako ni Manager Rachel kanina, sa Agency daw nila kami magkikita. hindi kasi siya makakapunta sa coffee shop dahil hindi kakayanin ng oras niya at may inaasikaso pa daw siya, kaya nga doon na lang kami magkikita. sa Impact Entertainment. kung saan naroon ang ibang Celebrity na sikat, gaya na lang nila Yuki at Claude. parehas sila ng entertainment pero magkaiba naman ng Grupo.

si Yuki kasi ay member ng Illustrious, which is yung grupo'ng ino-offer sa akin ni Manager Rachel as their P.A! then si Claude naman ay Actor at member ng Valkyrie group, tapos hindi ko na gaanong kilala yung iba dahil hindi nga ako nahilig sa mga ganyan! pero kapag Actor at Actress diyan ako maraming kilala.

“where are you going?”

nasa tapat na pala kami ng sasakyan niya!

“Impact entertainment” I simply said

agad na nangunot ang noo nito.

“Seriously? anong gagawin mo doon, mag-aaudition?” sabi pa nito habang nakapameywang!

psh! porket pupunta lang doon ay maga-audition na?! napanguso tuloy ako saka umiling sa kanya.

“then, what?”

“May nag-offer kasi sa akin ng work/job.”

this time ay magkasalubong na ang kilay nitong tinitingnan ako! ano na naman bang ginawa ko? “Job? sa Impact entertainment? seriously?”

napakamot ako sa aking ulo!

“Oo nga!”

“Anong job naman yan? hindi naman siguro pag-aartista right? wala kang sense of fashion kaya napaka-impossible no'n, so anong job ang in-offer sayo?”

nang realtalk pa nga!

“P.A” tipid kong sabi

“WHAT-”

tinakpan ko ang bunganga nito! napaka-ingay, pinagtitinginan tuloy kami ng ibang istudyante. kaloka!

“Hinaan mo nga, ang ingay mo” i said saka tinanggal din ang kamay na ipinangtakip sa bunganga niya.

“is it true? P.A talaga? wait! paano yung sched mo? ang hectic no'n, saka fulltime ang pagiging P.A” nagpa-panic nitong sabi.

“dont worry hindi siya pang-fulltime, nakausap ko na din kasi si Manager Rachel about sa school. kaya nga pupunta ako doon ngayon para ibigay yung schedule ko”

“Sure kang hindi maaapektuhan yung mga subjects natin hah? last sem na lang ga-graduate na tayo” concern niyang sabi

ayaw na ayaw niya talagang napapabayaan ang pag-aaral namin! kasi naman napaka-importante din ng pag-aaral, kaya nga ganyan siya kung maka-react eh! pero syempre bago ko pasukin ang trabaho na in-offer sa akin ay sinigurado ko ng hindi maaapektuhan ang pag-aaral ko.

“Oo naman, alam ko naman yun” i said to her

“sumabay ka pa rin sa akin, para hindi ka na mahirapang maghintay nung pang-commute na sinasakyan-” i cut her

“Jeep... jeep kasi ang tawag doon”

“edi jeep kung jeep.”
“tara na, hatid na kita. baka hinihintay ka na ni Manager Rachel” pag-aaya nito sa akin.

Beautiful Strangers : Morgan Series #2 ✅Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz