Chapter 29

309 11 0
                                    

Chapter 29


“After ng Mysthic next na kayo.” masiglang sabi nung babaeng staff sa amin

Nag-okay sign si Misae bago umalis yung babaeng staff. Nawawalang gana kong inilapag yung phone sa vanity table saka tiningnan ang sarili sa Vanity mirror. wala ako sa mood ngayon dahil naiinis ako!

Ilang days na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. after nung treat ni Ate, sabi niya mag-uusap kami… naghintay pa naman ako that time tapos malaman-laman ko na nauna na siyang umuwi! tapos hanggang ngayon hindi niya ako tinetext or tinatawagan, hindi nga din nagpapakita e… nakakainis talaga!

Napapaisip tuloy ako kung may nasabi o nagawa ba akong masama! bigla-bigla na lang kasi siyang gumanun e.

Someones snapping a finger in front of me kaya napunta sa kanya ang attention ko. “What?” nakapout kong wika

“Comeback stage natin nakasimangot ka agad.” Anika said without looking at me, she's busy fixing herself.

Ibinalik ko muli ang tingin sa Vanity mirror habang tinitingnan ang sariling reflection sa salamin. ngayon lang ako hindi na-excite sa comeback stage namin, nakakainis kasi e- nakakainis si Saint, psh

“Huhulaan ko… lalaki yan noh? si Saint ba?” she added

Agad akong natahimik, mabilis talaga siyang makaramdam kapag sa ganitong bagay. kabisado niya na kasi kaming lahat na ka-grupo niya, no wonder kung bakit siya ang pinili namin na Leader imbes na si Misae. sa ilang taon na magkakasama kami halos kabisado niya na kaming lahat.

Gulat itong napalingon sa akin. “Wait! ano bang meron sa inyo? bakit pinoproblema mo ata siya?”

I let out a small sigh “Kinwento ko na sayo kagabi diba!” naka-pout kong sabi

Ilang araw niya din kasi akong kinukulit na i-kwento ko sa kanya kung paano ko nakilala yung buong Illustrious, naku-curious daw kasi siya. kagabi ko lang kinwento sa kanila ni Misae, buo yun simula nung nag-apply ako ng P.A hanggang sa sumulpot yung babaeng Clown.

Tumingin ito sa itaas na para bang may iniisip. namimilog ang mga mata nitong ibinalik sa akin ang tingin, nagulat pa ako ng hampasin niya yung hita ko. shems! ang hilig nilang manghampas.

“Oo nga! i almost forgot, puro excitement about sa comeback stage natin ang iniisip ko e, ano ba kasing nangyari sa inyo-”

“Ate, look oh! si Kuya Saint saka si Hillary yung MC.” ani Mikay

Lumingon kami upang tingnan yung sinasabi ni Mikay.

“Hillary? diba yun yung babaeng Clown?” nakakunot noo'ng sabi ni Sae saka ito naupo sa sofa

“Siya nga.” sagot sa kanya ni Anika

“babaeng Clown?” confused naman na singit ni Mj

Hindi ko na sila pinakinggan pa at busy akong pinapanuod sila Saint at Hillary, hindi man lang sinabi sa amin na sila pala yung MC!

my brows furrowed, nakuha pa talaga nilang maglandian na dalawa hah! ang sweet pa nila!

MC couple hah! psh.

“Guys, pumunta na tayong backstage, dalian niyo.”

Uminom na muna ako ng tubig bago tumayo. literal na nawala ako sa mood ngayon.

Habang hinihintay na matapos yung MC couple kunoh magdaldalan- nakakarindi yung boses nung babaeng Clown, psh! iniabot sa amin yung kanya-kanyang Headworn Vocal Mic, tinulungan din ako ng P.A ko na ilagay iyon sa akin. i ask her kung may dinala ba siyang bottled water, medyo nauuhaw kasi ako.

Beautiful Strangers : Morgan Series #2 ✅حيث تعيش القصص. اكتشف الآن