Kabanata 23

12.4K 723 74
                                    

Message

Nagising ako na masama ang pakiramdam. Wala na akong katabi. Agad akong tumakbo sa comfort room at nagsuka kahit wala ako halos ilabas. Hinang-hina akong humawak sa sink at pinagmasdan ang sarili sa salamin. My physical appearance is getting worse. Pero maganda pa rin ako.

Hinaplos ko ang tiyan at bumaba ang tingin doon. Impis pa rin. Napangiti ako.

"Huwag mo masyado pahirapan ang Mama, baby, ha?" bulong ko.

Hinang-hina ako dahil sa morning sickness at malamang ay dahil na rin sa epekto ng cancer. Pero kakayanin ko 'to. Determinado ako na kakayanin ko ang lahat ng 'to. Pero kung pwede lang matupad ang hiling ko ay gugustuhin ko na pwedeng mabuhay ang baby ko kahit wala siya sa katawan ko. Lalo na sa sitwasyon na mayroon ako. Ang hirap dahil baka hindi ko kayanin tapos maaga ako mamatay. Madadamay ang anak ko.

Nag-asikaso na ako ng sarili. Longsleeve na pang-itaas ang suot ko at pajama para matakpan ang mga pasa ko at pagkaputla. Though it is evident on my lips. Mapungay din ang mga mata ko dahil masama ang pakiramdam. I blowdried my hair before going out the room. Narinig ko ang ingay mula sa dining table.

I glanced on the wall clock and it is already seven in the morning.

My heart warmed seeing my mother looking so domestic. Nakasuot siya ng daster tapos katulong siya ni Mama Jesusa sa paglalapag ng mga pagkain sa mesa. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita siya na ginagawa ang mga dapat naman talaga niyang gawin. Hindi ang makulong sa isang lugar.

Almost two decades ago, I would wake up seeing her like this. Ngayon ay gano'n muli, kaso may iilang puting hibla ang mahaba niyang buhok. It was fixed into bun. Ina aged beautifully. Malusog siya at napakasigla. I need to thank Angeline. Siya talaga ang nag-alaga kay Ina habang wala ako. Halos araw-araw niya dinadalaw para masiguro na kumakain siya nang maayos. Ang saya ko para kay Ina.

"Hija, gising ka na!" bati ni Mama Jesusa.

I smiled and walk towards them. Humalik ako sa kanilang dalawa at akmang tutulong pero pinigilan na nila ako. Lumabas na rin sa kaniya-kaniyang kwarto sina kuya Holy, Santa Maria at Papa Emman. Luminga ako, hinahanap si Rigor. Ina noticed it. She smiled at me.

"Maaga umalis si Rigor, anak. May kailangan daw siya asikasuhin," marahan niyang saad.

Napatango ako. Si Mama Jesusa ay napasulyap sa akin.

"Laging abala ang nobyo mo, Lumi," aniya.

I nodded. Umupo na kami at natakam ako nang makita ang beef tapa. Magkatabi kami ni Ina.

"Marami pong inaasikaso," saad ko.

Maaaring ang issue sa presidente ang inaasikaso niya o 'di kaya tungkol kay Hellion.

Santa Maria lead the prayer. Masaya kaming kumain. Halos maluha ako nang pinagmasdan ang pag-asikaso ni Ina sa pagkain ko. Siya ang naglalagay ng kanin at ulam sa akin. Matagal na ito nang huling mangyari. Tapos naaalala ko pa na ang madalas naming pagkain ay saging na nilaga tapos isasawsaw sa bagoong.

I suddenly remembered our land on our province. Kumikita iyon at diretso sa bangko na para kay Ina. Pareho na kaming may insurance kung sakali. We are both secured for the future. Hindi ko lang din akalain na ako pala ang mauuna sa aming dalawa. Pero siguro okay na 'yon. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin.

"Summa cum laude dapat si Lucieta. Hindi ko alam kung bakit napunta siya sa cum laude," kwento ni Mama Jesusa.

Nagkatinginan kami ni Santa. Napangisi ako at napailing nang maalala si Suzzane. Iyon ang may kasalanan eh. Pero pinatawad ko na siya. Hindi naman super halaga sa akin ang latin honor.

The Vampire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon