Kabanata 19

13.6K 755 116
                                    

Behind the mask

Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko siyang abala sa pagbabasa ng libro. He aged beautifully. Pumikit ako nang mariin nang makaramdam ng halong galit at lungkot pero kinalma ko ang sarili. Pagmulat ko ay nauna pumasok si Angeline.

"Dad, you have a visitor," she softly said.

Nag-angat siya ng tingin at nang nakita ako ay nanlaki ang mata niya. Then his eyes turned bloodshot. Nanubig agad ang mga mata niya. Tumikhim ako at naglakad palapit.

"Preston."

"Amelie..." he whispered with his wide eyes, hindi makapaniwala na narito ako.

Ang tagal kong nagtanim ng galit sa ama ko at nakakainis na habang tinitignan ko siya ngayon ay lumalambot ako. Nakakainis din ang katotohanan na ang dami naming pagkakapareho. Sa aming apat yata na magkakapatid, ako iyong nagmana nang maraming features niya. Morena ako, may freckles and my neck down to my chest was dotted with small moles. Kitang-kita sa akin ang foreign features na katulad ng kay Preston.

"Kumusta?" mahinahon kong tanong.

Despite of my anger for him, I am happy to see him looking well. Tumayo siya at nakita ko ang matikas pa rin niyang katawan kahit may edad na. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin at namamangha. Napaismid ako at hinawi ang buhok.

"Pwede ba, Preston? Huwag mo naman ipahalata na namamangha ka sa kagandahan ko!" mariin kong saad.

He chuckled with his teary eyes then finally hugged me. It was emotional. Matapos ang sampung taon, ngayon lang kami ulit nakapagyakap nang ganito. He hugged me tightly as he sobbed silently. Naiyak na rin si Angeline pati na rin ang kadarating lang na si Angelique. Patago kong pinalis ang luha at dinamdam ang yakap ng isang ama.

Umuwi si Angelo at Angel na parehong abala sa mga tinahak nilang landas. They are so happy to see me. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na tinanggap nila ako nang ganito dahil anak lang naman ako sa labas ni Preston. Maiintindihan ko kung si Preston at Angelique lang ang tatanggap sa akin dahil nga baka guilty sila. Pero ang mga kapatid ko, naiisip ko na ayaw nila sa akin, gano'n. Ngunit iba ang nangyari. Heto at masayang-masaya sila.

"Noong nakaraan bigla mo akong tinakbuhan!" natatawang saad ni Angelo. I smirked then chuckled afterwards.

Nagkwentuhan kami sa hapag. Ako naman ay kinalimutan ko muna ang sama ng loob kay Preston. Gusto ko rin itatak sa isip ko na kailangan ko na magpatawad dahil ang pangit na mamamatay ako tapos galit pa rin ako sa kaniya. Pero nahihirapan ako i-justify ang ginawa niya sa utak ko. Sabi ni Ina ay acceptance, pero paano ko matatanggap iyon? I sighed and laughed with Angelo's jokes.

"Kumusta pala kayo ni Daniel?" mahinahon na tanong ni Preston.

Natigil ako sa pagkain at tumikhim.

"We are fine... friends," saad ko.

"Kailan ba ako magkakaapo sayo? Itong si Angeline at Angel may mga anak na. Si Angelo magpapakasal na, ikaw Amelie?" Preston chuckled.

"Preston..." saway ni Angelique sa asawa niya.

"Dad, alam mo naman ang sitwasyon ni Amelie, 'di ba?" mahinahon na saad ni Angeline.

Napawi ang naka-display ko na ngiti. Napatingin ako kay Angeline at kumunot ang noo.

"Huh?"

Napailing si Angeline at malungkot na ngumiti.

"Nakalimutan mo na ba? Iyong accident mo no'ng eighteen years old ka at napuruhan ka sa..."

Tila nabingi ako at natulala. Naaksidente ako noon matapos ko maglayas. Nabangga ako ng malaking kotse. Iyon 'yung nabagok ang ulo ko tapos paggising ko na lang ay matalas na ang memory ko. And I was operated—

The Vampire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon