Kabanata 5

21.7K 1.3K 338
                                    

Flowers

"Anak, kailan ka bibisita?"

Natigilan ako sa ginagawa at napasulyap sa screen ng cellphone ko. Nagvideo call kami ni Angeline kasi binisita niya si Ina. Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang hitsura ng nanay ko. Tumatanda na siya. May halo ng puti ang buhok niya pero ang maganda lang ay maganda pa rin ang lagay ng katawan niya. Malusog pa rin dahil hindi pinapabayaan ni Angeline katulad ng bilin ko.

Tumikhim ako at nagpatuloy sa pagpindot sa calculator.

"Uuwi ako riyan next week para bisitahin ka po," saad ko.

"Dadaan ka sa mansion, Amelie?" rinig ko ang boses ni Angeline.

"Hindi, Angeline. Mananatili ako ng ilang araw sa hotel diyan para sunod-sunod kong araw mabibisita si Ina," mahinahon kong saad.

"Hinihintay ka ni Daddy at Mommy, Amelie," may lungkot sa boses niya.

"Alam mo na ang sagot ko riyan, Angeline," mariin kong saad.

"Tapos na po ang oras ng dalaw, Maam Angeline."

Tinignan ko ang screen at naroon ang mukha ni Ina. Nagtitigan kami at hindi ko mapigilan makaramdam na naman ng lungkot at galit. Lumunok ako at hinaplos ang screen tapos nginitian ko siya. Ganoon din ang ginawa ni Ina.

"Magkikita tayo next week, Ina. Mahal na mahal kita."

Tumango siya at sandaling pumikit bago ngumiti sa akin.

"Mahal na mahal din kita, Lucieta, anak ko. Nasasabik na ako na makita ka. Mag-iingat ka lagi riyan, ha?" marahan na saad niya bago naputol ang tawag.

Mariin akong napapikit at sumandal sa upuan. Halos dalawang dekada na mula nang makulong siya. Umikli ang sintensya sa kaniya pero masyado pa rin iyong mahaba para sa inosente na katulad niya. Samantalang ang hayop kong ama, isa ng senador.

Kinuyom ko ang kamao. Ganoon ba talaga? Para sa mayaman lamang ang hustisya rito sa Pilipinas? Preston raped her. Pinagtakpan iyon ng pamilya niya. Inilaban ni Ina noon ngunit pinagbantaan siya ng pamilya ni Preston. At kahit inilaban ko 'yon noong nalaman ko, wala na akong magawa dahil takip na takip na siya ng pamilya ni Angelique na halos puro abogado at may sinabi sa buhay. Kahit si Ina ay ayaw ng ilaban dahil matagal na panahon na raw iyon at madudungisan lang ang pangalan ko! Walang laban dahil mahirap lang siya at ang pamilya ni Preston saka ni Angelique ay puro mayayaman.

Kaya nga nag-iipon ako at nagpapayaman. Umaasa ako na may magagawa pa ako pero sabi nga ng kaibigan ko na may alam-alam sa law, wala akong matibay na ebidensya. Ako lang ang ebidensya pero ang magiging laban doon ay nagkaroon ng affair si Preston at ang Ina ko. Madali lang gawan ng paraan para idiin ang issue na 'yon. Tapos baka mabaliktad pa dahil nga kasal si Preston at Angelique, tapos si Ina pa lalo ang maagrabyado. Ang hirap-hirap!

Pero ayoko sumuko. Kaso nanghihina rin ako kasi kahit si Ina na siya mismong biktima ay mahina ang loob. Sinasabi niya sa akin na biyaya naman ako sa kaniya. Bullshit. Baka ako nga. Pero ang nangyari na kahayupan na 'yon na halos sumira sa relasyon nila ni Itay at kahit mismo ng utak niya ay hindi biyaya. Rape is rape!

I remember how I learned about the truth. It was my debut. Ang saya ko pa noon kasi para akong prinsesa. Pinaghandaan nila iyon. Tapos narinig ko ang usapan ni Preston at ng Tatay niya.

"Amelie was a wonderful gift to me, Papa. Mahal na mahal ko ang anak ko," aniya.

Ako naman ay halos mapangiti. May tampo pa rin ako sa kaniya, sa kanila ni Ina dahil gumawa sila nang masama pero medyo nawawala iyon dahil sa katotohanan na natatanggap ako ni Angelique. Binibigay rin niya ang lahat sa akin.

The Vampire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon