Kabanata 22

12.4K 677 44
                                    

Near

Tulala ako nang dinala ni Rigor sa kwarto na para sa akin. Umupo kami sa kama habang nakasubsob siya sa aking leeg. I shut my eyes tightly and smiled a bit. Pagmulat ko ay hinaplos ko ang braso niya.

"Rigor, buntis ako..." masayang bulong ko.

I heard his tired sigh. Naglayo kami at tinignan ko siya. The emotions on his dark eyes are unfathomable. Pero ramdam ko na negatibo iyon kaya nakaramdam ako ng kaba. Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kaniya.

"Anong problema?" kabado kong tanong.

He clenched his jaw and closed his eyes tightly. Pagmulat niya ay halata na ang pagod sa kaniya. He sighed again.

"I think it's not right for you to be pregnant..." aniya.

"What!?" I almost shouted.

Lalong kumunot ang noo ko sa pagkalito sa kaniya. Noong nakaraan lang ay puro baby ang nasa isip niya. Bukambibig niya na buntis na ako and now... parang ayaw niya!

"Lucieta-"

"Ano, Rigor?" iritado kong tanong at iniwasan siya ng tingin.

This is miracle! O baka may paliwanag din sa siyensa. Ano man iyon, parang himala pa rin dahil halos labing-isang taon na ang nakalipas nang sabihin na hindi na ako pwede mabuntis, and now I am pregnant! Tapos ngayon ganito?

"Babe, don't get me wrong..."

Pinagkrus ko ang braso at sumimangot.

"Ayusin mo paliwanag mo! Nanggigigil ako Rigor, ha?"

"I am a vampire, Lucieta. Ang anak ko ay magiging gano'n din. And you're a human. Baka hindi mo kayanin ang pagdala sa kaniya lalo na may sakit ka," he said, almost a whisper.

Natigilan ako at natulala. Ibinaba ko ang mga braso ko at hinaplos ang aking tiyan. Tangina, oo nga 'no?

"This is too late for me to realize... Fuck, if only I could just turn you into vampire."

Nakagat ko ang labi at tinitigan ang impis kong tiyan. Malamang ay hindi ko nga kakayanin at baka mapaaga pa ako mamatay.

But then, our baby is already here. Ano pa ang magagawa? Hindi naman ako nagsisisi at sobrang saya ko nga dahil hindi ko maiiwan mag-isa si Rigor. The baby will grow without me, but still, he or she has Rigor. Hindi sila mag-iisa.

What should I do?

Hinarap ko si Rigor. He looks so problematic. Nalungkot ako nang mapagtanto ang bigat na dinadala niya. Pareho kaming namomroblema pero mas lamang sa kaniya dahil siya ang gumagawa ng mga solusyon para harapin ang mga 'yon.

Hinaplos ko ang pisngi niya. He closed his eyes tightly. Lalong nahalata ang pagod at problema sa kaniya. Hinalikan ko siya sa noo at tinitigan muli.

"Hayaan mo na ako Rigor sa suliranin na 'to. Our baby will live. Huwag ka mag-alala," mahinahon kong saad.

He opened his eyes and now, he looks mad. Umigting ang kaniyang panga.

"At paano ka?" mariin niyang tanong.

I just smiled at him and hugged him tightly. Lahat ay kaya kong gawin para kay Rigor at sa magiging anak namin. I am willing to sacrifice myself for them. Ang buhay ko para sa kaluluwa ni Rigor at ang natitira kong panahon para sa anak namin. Sila ang priority ko.

"Lucieta, please always remember that I love you so much. Sa dami ng problema ay halos nawawalan na tayo ng oras..." bigo niyang bulong.

I nodded. Alam ko ang pagmamahal niya sa akin. Ramdam ko iyon. Kung hindi niya ako mahal ay hindi niya magiging problema ang mga problema ko. Hindi niya iyon hahanapan ng solusyon.

The Vampire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon