Kabanata 21

12.8K 752 95
                                    

Lines

Hindi pa nakuha ang pinal na resulta ay kinuha na ako ni kuya Holy sa hospital upang isama sa pinagdalhan niya sa kaniyang pamilya. Ayokong sumama pero sa ngayon ay wala akong magawa kung 'di ay magpatianod. He brought me to Bulacan. Mayroon silang bahay doon at ngayon ay naroon sila Santa Maria.

I bit my lips as I send my message to Rigor, telling him where we are going. Hindi ako mapalagay sa dami ng mga nangyayari. Ang dami kong inaalala at para akong mababaliw. I can't help but to be stressed. Iyong kalagayan ko, sina Hellion at Suzzane at ang nangyayari sa Pilipinas. Lalo akong nastress nang maalala sina Preston. Damn it!

Marami silang guard pero okay ba sila kung sakali? Oh, right. Venom is Piedro who happened to be my grandfather. Does it means that he wouldn't harm my family?

Napapikit ako nang mariin nang maalala si Ina. Mababaliw na ako! I hope she's fine. Sana hindi siya sinasaktan. Hindi ko na alam ang gagawin kapag may mangyari na masama sa kaniya.

"Lucieta, calm down..."

Sinulyapan ko si kuya Holy na siyang nagdrive. I sighed and tried to calm myself.

"Paano ka nasali kay Venom?" tanong ko.

He sighed. "I was a freshman that time. Naging trip ako ng isang fraternity. Binugbog ako at halos mamatay. Kinuha niya ako at pinagamot without my parents knowing. Hindi ko alam paano nangyari pero hindi nagtakha ang parents ko na ang tagal kong nawala. He trained me then I became one of them," aniya.

"Hindi mo ba ginusto na makawala sa kaniya?" tanong ko at tinignan ang dinaraanan. Papasok na kami sa isang subdivision.

"I did, a lot of times. I remember my first kill... I almost lose my sanity. Nagback-out ako but then, pag-uwi ko ay nakita ko na may mga lalake na nagbabantay sa bahay namin. I knew they were Venom's man. He's—"

"Blackmailing you. Manipulative din talaga si Piedro," saad ko at bumuntong-hininga.

"Iyon ang alas niya sa akin. Alam mo kung gaano ko kamahal ang pamilya ko, wala akong choice."

"Simula noon, pinagkatiwalaan mo pa rin ba siya?" tanong ko.

He sighed.

"Since then, I feared him. Alam ko ang kakayahan niya. Pero maliban sa pananakot niyang 'yon na dahil sa tangka kong pagtiwalag, wala na siyang ginawa na masama sa akin. Kaya hindi gaano nawala ang tiwala ko," aniya.

Naintindihan ko naman ang side niya. Venom saved him and trained him. Hindi siya nito pinakealaman kaya hindi agad nawala ang tiwala niya. Ang naiisip ko na lang na pinakakawawa ay si Suzzane. Piedro used his power over her to rape and violate her. Naalala ko rin si Zen na siyang pinakabata.

"But when I learned what he did to Hellion, nabura na 'yon. Nagawa niya kay H iyon na mas matagal niyang alaga, ibig sabihin, walang hangganan ang kaniyang kasamaan. Kahit kanino sa atin ay gagawin niya iyon."

I clenched my jaw and glanced at him.

"He is a devil, kuya Holy. He raped Suzzane a lot of times," saad ko.

Bigla ay tumigil ang kotse sa harap ng bahay. Hinampas niya ang manibela at nanlalaki ang mata. I nodded at him when I saw on his eyes the disbelief.

"So iyon ang alas niya kay Hellion?" hindi makapaniwalang saad niya. Nagsalubong ang kilay ko.

"Ano?"

"Walang pamilya si Hellion. Laki siya sa ampunan at kinuha lang ni Venom. He's fearless, walang kahinaan at handang mamatay kahit kailan. But then, Suzzane came. Sa amin ay si Hellion ang pinakapasaway. Pero bigla iyon natigil nang malaman ni Venom ang namamagitan sa kanila ni Suzzane. Simula noon ay masunurin na siya kay Venom at masekreto sa amin. And that only means, Venom blackmailed him using Suzzane."

The Vampire's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon