CHARTER 1: First Day

1 0 0
                                    

Cling......cling.....cling..... Tunog ng aking alarm clock.

Agad akong bumangon at pumunta sa banyo para maligo.

"This is the moment! My final take.....
Tededet...tedededet...det...dededet
..." Pakanta kong lumabas ng banyo.

Nagsuot na ako ng aking paboritong blue na long sleeves, kaki pants, black tie at nagblower ng buhok.

Habang nakarap sa salamin, tinitigan ko ang aking sarili.

"Jake, it's your first day sa work ngayon. You have to look good and do your best. Kaya mo to!" nakangiting sabi ko.

"Jake...... Anak! Baba kana dito. Mag almusal kana at babiyahe kapa pa puntang trabaho. Lunes ngayon, traffic." Sigaw ni mama.

Haysssss... Kahit kailan, maingay talaga tong si mama. Umagang umaga nagsisigaw. Pero kahit ganun yun, mahal na mahal ko yun. 😊

"Bababa na po." sagot ko.

Sinuot ko na ang aking black shoes at dali daling pumanik sa baba para mag agahan.

"Ano ma, ayos ba?" 😁

"Naku! Ang pogi naman ng anak ko. Kung andito lang ang papa mo......." di na natapos ni mama sasabihin niya
at maluha luha na siya.

Agad kung inakbayan si mama.

"Ma naman. First day ko sa trabaho.
Ohhhhh.... Magiiyakan pa ba tayo? Dabat positive lang tayo. Masaya lang!. Tama na yang drama. Alam ko naman na proud na proud sakin si papa." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ohhhh siya. Sige na. Kumain ka na diyan. Baka malate ka pa. At akoy pupunta na sa likod bahay para tingnan yung mga labahin." Sabay punas sa kanyang maluha-luhang mata.

Oo. Ulila na ako sa ama. Anim na taong gulang palang ako nung inatake sa puso si papa. At dahil only child lang ako, kami lang dalawa ni mama ang magkatuwang sa bahay.

"Ma alis na po ako!....."

"Sige nak. Mag ingat ka sa biyahe"

"Yes ma."

"This is it! Pancit!" nakangiting sabi ko habang nakatingala sa langit.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -(Sa company building)

"JKC Foods Corp."

Nasilayan ko agad ang napakalaking karatola mula sa labas ng lobby.

Pagpasok ko sa lobby, tiningnan ko ang aking relo.

"Ang aga ko pala masyado. 7:05 pa. Wala pa masyadong tao. Makapaglibot nga muna."

"Woww..... Ang laki pala talaga ng building nato. Salamat talaga at nakapasok ako dito kahit fresh grad ako. Salamat talaga Lord!"

Sa aking paglilibot, di ko napansin ang oras. At parang nawawala na rin ako.

"Sheyt! Parang nawawala na ata ako. Saan na ba to banda?" Sabi ko sa isip ko.

Buti na lang at may nakasalubong akong lalaki.

"Ahhh... Excuse me po sir. Saan po ulit dito yung Accounting Department? Nawawala kasi ako. Company orientation ko kasi ngayon."

"Accounting Department? Nasa fourth floor. Dun din ako papunta. Sabay ka na lang sakin." Sabi nung lalaki.

"Sige po. Maraming salamat."

Sumakay kami ng elevator at kami na nga ay tumungo na sa Accounting Dept.

Habang kami ay nasa elevator, pansin ko sa medyo bata pa pala siya. Siguro, magkasing edad lang kami. Yun nga lang may pagka suplado. Nakasalamin, napakapormal at masyadong up right tingnan. Kaya di narin ako nag iimik.

Pagdating namin sa fourth floor.

"Yun yung Accounting Dept. Magtanong ka na lang dun sa front desk." sabi nung lalaki sabay pasok sa mens room.

"Thank..yy.."

Magpapasalamat pa sana ako pero di na natuloy. Pumasok na kasi siya agad sa mens room. Taeng tae na siguro. Haha 😂

"Good morning po maam. I'm Jake, bagong Accounting Associate. I'm looking for Ms. Galacho? I'm scheduled for company orientation today." Sabi ko dun sa babae.

"Ohhhh, hi. Ikaw pala yung sinasabi ni maam Galacho na bago. Actually, kanina pa siya nag aantay sayo. Opo ka na lang muna dito at sasabihan ko siyang andito kana."

"Thank you po."

- - - - - -- - - - - (ITUTULOY)- - - - - - - - - - - -

"The best thing I ever did"Where stories live. Discover now