Chapter 2

7 2 1
                                    


Chapter 2

Ryna Alexis Lopez

I woke up feeling okay, hindi kagaya ng mga nakaraang araw ay maayos ang pakiramdam ko. Madalas kasi akong nagpupuyat ngayon dahil sa mga school works at iba oang papers na kailangangipasa kaya tuwing gigising ako ay masakit ang ulo ko. Its been a week since that day Nash brought me home at sa loob ng isang linggong iyon ay hindi lang iisang beses ko siyang tinanong kung muli tungkol sa kanila ni Sena ang kaso sa tuwing gagawin ko iyon ay ngingitian lang niya ako. He will smile and pat my head kagaya ng gabing iyon. Sumabay pa sa pag iisip ko ang special project ni Sir Sandagan, kahapon ay naglabas siya ng listahan sa online bulletin discussion at hindi ko pa nakakausap ang kung sino man ang nakalagay roon bilang partner ko.


I looked at my window. Maulap ngayon, siguro ay uulan mamaya. Madalas na kasi ang pag ulan ngayon dahil itinalaga nan g PAGASA na opisyal nang nagsisimula ang panahon ng tag-ulan. Wala naman aong naisip na gawin, mas mabuti pang mahiga nalang ako maghapon. Maaga pa naman, its only 8 in the morning, mamaya na ako babangon.


I felt my bed move. "Yna... alam kong gising ka na"


"Calvin ano ba!" Ngayon ay sira na ang tahimik kong umaga. Hinila niya ang quilt na kanina ang nakabalot sa katawan ko. I glared at him. "Ano bang ginagawa mo dito? Ang aga-aga Calvin wala ka bang ibang gagawin?"


"Wala. Umalis sila mommy. Day off ng maid ngayon kasi weekend kaya pinuntahan kita, makikikain ako" sinabayan pa niya iyon ng pag tawa "sabi ni tita puntahan na raw kita para sabay na tayo kumain, kaya tumayo ka na diyan dahil nagugutom na ako" wala naman akong nagawa kung hindi sundin ang sinabi niya.


I went to the bathroom to take a quick bath. I wore a spaghetti strap sando with my favorite knitted open-hoodie and paired it with shorts. Pagbaba ko ay narinig ko na agad ang boses ni Calvin, sigurado ako na binobola nanaman niya si mama.


"Masarap talaga itong luto mo tita, pwede ba akong mag-uwi? Walang kakainin si Nash, tulog pa kasi kaya hindi ko na sinama dito"


Bago pa sumagod si Ma ay nagsalita na ako "Wag na ma, ako nalang ang pupunta doon sa kanila. Magluluto ako" I sat beside him. Nakita ko naman ang pag ngisi sa akin ni Calvin.


"Para-paraan ka ah" bulong pa niya.


""Shh wag kang maingay diyan chance ko na ito" I put some bacons on his plate"Ayan. Kumain ka!" tatawa-tawa naman niyang isinubo ang bacon na binigay ko.


Natapos ang almusal. Sila mama ay tuwang-tuwa dahil maganang kumain si Calvin. I always imagine if Nash could be this close to my parents, hindi kasi talaga sila magkatulad ng kapatid niya. My parents loves Calvin, lagi kasi siyang nagpupunta ditto at nagpapabibo na minsan ay nakakainis na dahil kapag nandito siya ay nawawalan ako ng dahilan para bumisita sa kanila. Hello! Paano ako aalis kung ang tanging alibi ko ay nandito at nakikichika sa mga magulang ko.


I went to my room to get my phone. Nang bumaba ako ay nakita ko si Calvin sa sala na kumakain na ngayon ng ice cream.


"Ano tara?" tumayo siya at nagtuloy palabas ng front door. Nagpalaam naman ako kila mama at sumunod na rin sa kanya, malapit lang naman ang bahay nila sa amin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ChancesWhere stories live. Discover now