PROLOUGE

12 3 0
                                    


Sabi ni mama "I can be whatever I want to be". Malapit na akong mag graduate ng Highschool at noon tinanong ko siya kung anong gusto niyang kunin kong kurso ay iyon ang isinagot niya sa akin. Mahal na mahal ko ang mama ko sobrang bait niya, hindi kagaya ng ibang mga magulang ay hindi niya ako binibigyan ng pressure sa buhay, kagaya ng madalas niyang sinasabi sa akin dapat ienjoy ko lagn daw ang pagkabata ko ­­­– to live with no regrets na talaga naman ginagawa ko.


Kahit na ganoon alam ko na kung ano ang gusto ko. Gusto kong mahanap ang prince charming ko, makakatawa man para sa iba pero naniniwala ako na lahat tayo ay nakatakda pa sa isang tao. Oo – naniniwala ako sa forever pero naniniwala din ako na tayo lang din ang makakapag sabi kung nakita na natin ang forever natin, kaya pag nakita ko na ang forever ko gagawin ko ang lahat para hindi na niya ako iwan ang maghanp pa ng iba.


Bukod sa pag hahanap ko ng prince charming ay gusto kong maging designer, Interior designer. Gusto ko ang amoy ng pintura na inilalagay sa mga bahay bago pa ito lupatan ng titira ditto, gusto ko ang nag aayos ng mga kagamitan at gusto kong ang pag pili kung anong kulay o alin sa mga desenyo ng lamesa ang nababagay para sa kitchen. Madals akong isama noon ni mama sa trabaho kung saan nagbebenta siya ng mga condo unit o kaya naman ay bahay at lupa, mula doon ay natutunan kong mahalin ang kahit na anong may kinalaman sa pag dedesenyo ng lugar. Nagsimula ang lahat ng iyo sa pagkahilig ko sa pagtingin tingin ng mga floor plan ng mga bagong bahay at condo unit na nakukuha ni mama mula sa opisina.


"Yna tapos ka na ba?" Narinig ko na ang pagtawag ni mama mula sa labas. Ngayon naming pupuntahan ang bahay na lilipatan namin. Ang sabi ni mam kapag nakagraduate na ako ng highschool ay lilipat kami ng bahay na mas malapit sa metro para hindi ko na kailanganin pang kumuha ng dorm kapag nagsimula na akong mag aral ng kolehiyo.


"Opo ma nandyan na" Agad ko naman kinuha ang bag ko at lumabas ng silid, nakita ko siyang naka abang sa pintuan ng munti naming bahay. "Ma kapag lumipat tayo pwedeng ako ang mag design ng magiging kwarto ko?" ecited ako, gusto kong makita kung anong itsura ng bago naming lilipatan, gusto ko ang pag di-desenyo ng bahay at gusto kong simulant iyon sa bagong bahay na lilipatan namin.


"Oo naman anak kung ano ang gusto mo" My mother smiled at me as she reached for my hand "Malaki na ang baby ko" she cupped my face.


"Ma hindi na ako baby pwede ko na nga hanapin ang prince charming ko" sabi ko naman. My mother laughed. "Hanggang ngayon ba prince charming pa rin ang hinahanap ng baby ko?"


"Syempre naniniwala ako na ang prince charming ay para kay Ryna we will start our own fairytale." I dreamingly look at her. She open the car seat and went inside.


"Oh sige pumasok ka na at nang makaalis na tayo baka abutan pa tayo ng traffic." Sinunod ko naman ang sinabi niya at sumunod na rin.


It was an hour and a half ride before we reach a certain village. Napansin ko na may nadaanan kaming mangilan-ngilang schools and malls bago kami huminto, siguro ay iyon ang dahilan ni mama kaya kami lumipat.


Huminto kami sa tapat ng isang simpleng bahay. Pag baba namin ay may nag aabang na sa aming lalaking nakasuot ng coat and tie. He reached his hand for shanking. Siya siguro ang kausap ni mama tungkol sa pag lipat. "Hi Ma'am, Im Jeroll, nasabi nap o ni ma'am Cinthia ang tunkol sa house case ninyo, Sumunod nalang po kayo sa akin para sa house tour."


Pumasok kami sa loob, maganda ang bahay simple at hindi gaano kalakihan, may tatlong kwarto sa itaas sa ibaba naman ay makikita mo na agad ang salas pagpasok mo sa pintuan malapit dito ang kitchen malaki ang maganda din ang ayos niyon. Sumunod ni mama sa lalaking kumausap sa amin siguro ay may pag uusapan pa silang dalawa. Pinag patuloy ko naman ang pag iikot, naisipan kong lumabas sandal gusto kong makita ang kabuuan ng village, Kalalakad ko ay nakarating ako sa park. May mga batang naglalaro doon, napansin ko din ang isang babaeng may kasamang bata babae. Hawak niya ang bata sa isang kamay niya habang sa kabila naman ay ang leash ng isang golden retriever. Huminto sila sa isang sand box at hinayaan niyang maglaro ang bata doon. Napakacute ng batang iyon mapupula ang mga pisngi at kulot ang dulo ng buhok nito. Hindi naman nagtagal ay may lumapit sa kanila kinausap iyon ng babae kaya hindi niya namalayan ang pag alis ng bata sa loob ng sand box.


Patuloy kong tinitignan ang bata, mukang natutuwa ito sa pag habol sa mga bula na pinapalobo ng katabi niyang bata. Sinundan niya iyon hanggang makarting siya sa kalsada. Nanlaki ang mga mata ko, tinignan ko ang kasama niyang ngunit abala ito sa kung ano mang pinag uusapan nila ng kasama niya.


"Hala!" My instinct kicked in. Tumakbo ako para maabutan ang batang babae bago pa man may dumating sa sasakyan. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya ngunit kasabay niyon ang narinig kong malakas na pagbusina na galing sa kung saan. I turn to my left only to find a car approaching. Hindi ako makagalaw hindi ko alam kung anong gagawin ko. I just hug the kid tightly jusko hindi ko pa nahahanap ang prince charming ko. Ito na ata ang huling araw ko sa mundo.


I waited for something to bump into me pero walang kotse ang dumating. Mali ba ang kita at rinig ko?


"Hey! Are you okay? Im sorry I did not see you coming" I open my eyes when I heard that voice narinig ko rin ang pagsigaw ng babaeng kasama ng batang yakap yakap ko. Hindi nagtagal ay kinaha niya sa akin ang batang ngayon ay umiiyak na.


"Hey!" tawag niyang muli. Ang bilis ng nangyari, akala ko mamamatay na ako, minsan na nga lang ako tutulong mamamatay pa ako. Hindi ako makagalaw, nanlalambot ang mga tuhog ko.


Hindi naman nagtagal ay may tumulong sa akin para tumayo. "Hey are you okay? Do you need to go to the hospital?" tanong niyang muli. Sa pagkakataon na iyon ay tumingin ako sa kanya, nakakunot ang kanyang noo habang seryosong nagtatanong kung ayos ang kalagayan ko. Ang gwapo niya, mahaba ang pilik and matangos ang ilong.


"Okay ka lang?" Tanong niyang muli pero sa halip na sagutin ang tanong niya ay isa lang ang nasabi ko.


"Prince charming..."

ChancesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora