Saktong wala kaming pasok ngayong Biyernes. Nagkaroon kami nang isang araw para maghanap kay Papa. Umaga pa lang naman kaya naghiwalay kami papunta doon sa mga destinasyon namin.

"Ang sabi sa akin ni Mama, malapit sa simbahan ang isang tagpuan nila"

"Anong gagawin natin doon?"

"Kukuhanan natin nang litrato ang inukit nila sa isang puno, sakaling makita natin si Papa ipapakita ko sakanya iyon bilang patunay na anak niya ako at Nanay ko si Lourina" baka isipin pa nito na sinasabi kong anak niya ako dahil mayaman siya. Kadalasan ganoon ang nangyayari.

"Pwede din! Tara na?"

"Let's go" I said in my dulcet tone

Sumakay kami sa kotse ko. Si Manong Cards ang nagmamaneho dahil hindi ako papayagan ni Kuya kung hindi siya kasama para raw masiguro niya na ligtas kami.

"Okay pa ba kayo?" I asked them. Kanina pa kasi kaming alas siete lumilibot dito sa Naga, baka pagod na sila.

"Oo naman. Medyo gutom lang" nagrereklamo na ang kalamnan ni Iza.

Bago kami umalis pinagluto kami ni Mama na babaunin namin, ayaw niya kasing bumili pa kami. Mas masarap nga naman luto ni Mama.

"Eto, kumain muna kayo nang cake" iniabot ko sa kanila. Nasa passenger seat kasi ako.

"Yay! Buti nalang meron pa" masigla nilang kinain ito.

Kumain na rin ako, inalok ko rin si Kuya Cards kahit na nagmamaneho siya, ayokong magmukhang bastos no.

"Kumain na ako. Salamat"

Tumango ako, ginawaran ko nalang siya nang ngiti.

Nagtext akong muli kay Vaughn na pupunta kami sa isang lugar sa Naga na kung saan ang dating tagpuan nila Mama.

Kabisado naman ni Kuya Cards ang buong Naga kaya hindi na kami nagtatagal sa bawat biyahe.

Nang makarating kami roon, iniwan namin muli si Kuya Carding sa sasakyan. Siya kasi ang magbabantay doon, kaya naman namin ang aming sarili.

"May ganito palang lugar dito sa Naga" si Alja.

Ang ganda dito. May mga halaman na namumulaklak at malalaking puno. Maraming nagtitinda saka mga bata dahil may playground rin dito. Malamig rin ang simoy nang hangin ang presko.

"Siguro maganda rito tuwing gabi. Tignan ninyo ang mga ilaw" tumingala kami sa itinuro ni Iza.

May mga maliliit na ilaw doon, mukhang iba't-ibang klaseng ilaw ito pati na rin hugis at kulay.

Hinablot ko ang litrato sa mula sa maliit kong sling bag. Sina Mama at Papa iyon. Dito pala nila kinuha ang litrato nila. Ibang-iba ang lugar dito sa litratong ito dahil wala pang masyadong tao. Wala ring mga nagtitinda at mukhang payapa.

Nakita ni Iza iyon. "Ang gwapo pala ni Tito Faustino"

"Patingin ako" sinilip rin ni Alja. "Ay oo nga te! Kaya pala umaapaw sa ganda ito" inirapan niya ako.

"Kuhanan inyo ako rito. Pero hanapin muna natin ang nakaukit"

Nagsimula na kaming maglakad sa lugar na iyon. Hindi naman ganoon kadikit ang mga puno kaya may mga bench pa doon.

Bawat puno tinitignan namin kung may nakaukit. Marami rami na ang tinginan namin, kaso parang wala.

"Wag tayong mawalan nang pag-asa. Marami pa sa dulo doon at sa kaliwa't kanan" pinalakas ni Iza ang loob namin.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon