Like, what the heck?!

Walang anghel na lumalaklak ng gluta. Walang anghel ng mga silicone at walang anghel na parang mummy sa dami ng tape sa katawan. Ako ilang buwan naghanda para sa photoshoot tapos lalaitin lang nila ako.

As if there's a flaw in my body.

If you want to look good, you have to work hard to achieve it. Hindi iyong nandadaya.

Ang kakapal ng lang pagmumukha!

Those bitches flew away with a teary eye. I smile for victory.

I looked at myself in the mirror again. Totoong may balbas ako pero parte ito ng genes ko (not that bushy). Hindi ko kasalanan kung half-Arab, half-Filipino ako.

'Ano genes ko pa mag-aadjust?!

Bawal i-shave hanggang matapos ang photoshoot.

I looked at the people around and saw them mixed with shock and amazement on their faces. Pinandilatan ko sila ng mata.

"Show's over guys! Get back to your own business!"

---

Pinili kong manirahan sa isang condominium unit malapit sa work place ko-ng mag-isa. Nagsimula akong mabuhay mag-isa ng iwan kami ng tatay ko noong nasa high school palang ako noon. A few months later, my mother lost her life due to cancer. I was so devastated and I didn't know what to do that time.

Nang mamatay ang nanay ko, tinulungan ako ng tiyahin ko para maka-survive araw-araw lalo na't nag-aaral pa ako noon, kaming dalawa ng kuya ko.

Unti-unti ko nang natanggap na wala na parents ko, but still there is pain in my heart.

It was after I graduated from highschool that I learned that my aunt would be leaving, para makasama ang pinsan ko sa ibang bansa. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na matagal nang pinipestisyon ang tiyahin ko para kunin ng pinsan ko. Ayaw pa nga sanang pumayag ng tiyahin ko dahil wala raw akong makakasama-which is totoo naman.

But eventually, natuloy pa rin ang pag-alis niya. She even deposited money to my bank account for my daily expenses.

Maayos kaming naninirahan ng kuya ko nang dumating ang matanding delubyo sa aming dalawa. Habang naghahanap ako ng eskwelahan para sa papasukan kong kolehiyo ay unti-unting nauubos ang pera ko sa banko, nagkaroon ako ng hinala.

Mayroon din siyang access sa account ko, since I consider it as our money.

Nadurog ang puso nang malaman ko na nilulustay ng kapatid ko ang pera para sa bisyo niya.

May pagkakataon na hindi siya umuuwi ng ilang araw. Bigla na lang susulpot sa bahay at aalis ulit. Ni hindi ko alam kung kumakain ba siya ng maayos dahil sa biglang pagbagsak ng katawan niya. Nawala ang makisig nitong pangangatawan.

Everything changed when that night happened. He came home, with his drunk state and his eyes are quivering in anger.

Aligaga ang kapatid ko habang ginagalugad ang buong bahay at naghahanap ng pera. Napagtanto niya na wala sa loob ng bahay ang hinahanap niya.

Hindi ko malilimutan na sa unang pagkakataon ay sinaktan niya ako physically. Malayo sa dati kong superhero na kapatid.

He ran out of the house when he realized what he had done. And I never saw him again.

---

Mula sa kapitbahay namin noon, nalaman ko na nahuli si kuya ng mga otoridad dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Dinadalaw ko siya sa kulungan para kumustahin. Ang sakit lang sa puso dahil siya na lang ang kaisa-isang pamilya ko, tapos magkalayo pa kami.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing dadalawin ko siya ay hindi niya ako hinaharap. Nagulat ako nang malaman na kagustuhan ng kapatid ko na huwag ko siyang dalawin. How many times I had to force the police to see my brother.

I gave up when I realized, he wants to distance himself from me.

Ilang araw mula ng huling pagdalaw ko sa kapatid ko ay nakapanood ako ng isang news flash sa TV. Ipinakita ang lugar ng insidente na pamilyar sa 'kin.

Nagkaroon ng jail break. Naka-flash sa TV screen ang mga pangalan ng mga preso at kasama doon ang pangalan ng kuya ko.

Halong takot, inis, at pangamba na baka may masamang mangyari sa kanya. Ilang araw pagtapos ng insidente ay nabalitaan ko na maraming preso ang tinangkang manlaban sa mga pulis. May mga nahuli at sugatan pero meron ding ilang napatay dahil sa engkwentro-kasama si kuya Dexter.

Namatay siya dahil sa tama ng baril sa puso niya. Hindi ako sigurado kung aksidente ang pagkakabaril o sinadya. Dahil ayon sa mga usap-usapan, kasama si kuya sa mga armadong mga preso kaya tanging pagbaril sa puso ang naging aksyon ng mga pulis para mapatigil ang mga ito.

---

Napasinghap ako matapos tignan ang lumang family sa loob ng kwarto. Pina-restore ko ang picture saka nilagay sa magandang frame. Minabuti ko na lang na itago ulit sa loob ng drawer ko ang frame.

Napakalamig ng paligid pero pakiramdam ko nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Peste naman oh!

I was about to close my drawer when noticed a small box. I opened it and saw a ring-a wedding ring.

Naalala ko kung paano nito binago ang buhay ko.

Nagpadalos-dalos ako ng desisyon sa buhay.

Hindi ko alam kung bakit ako nagpakasal sa lalaking hindi ko naman sigurado kung mahal ko ba talaga.

The Gorgeous Man's MadnessWhere stories live. Discover now