Chapter 22

23 3 0
                                    

“Buy, una na ako. Basta sa Sabado ha. Huwag kayong mawawala.”


Natatawang tumango ako kay Vince kasi parang tanga. Lalakad pauna pero nakatingin sa likuran niya. Binalingan ko ang dalawang kasama ko nang tuluyan na itong makaalis.


“Sigurado ka bang wala kang feelings diyan?”mataray na tanong ni Anghelita. Hindi ko nga magets ‘tong babaeng ‘to. Isang buwan ng masungit. Araw-araw yatang may dalaw. Ewan ko ba. ‘Di naman siya nagkukuwento.


“Parang tanga ‘to. Duh, magkaibigan lang talaga kami,” natatawa kong sagot.


Nawala ang atensyon ko rito nang ilapit ni Jane ang mukha niya sa akin at walang habas na tinitigan ako sa mata. Bigla tuloy akong napalayo, “Kadiri Jane huh. ‘Di tayo talo.”


Tila naman wala itong pakialam sa sinabi ko dahil umayos ulit sa pagkakaupo pagkatapos.
Btw, nasa mall kami ngayon, sa loob ng Jollibee in exact. Girl’s day, though nadamay nga si Vince kanina kasi bigla namin siyang nakasalubong kanina sa entrance ng mall. Papaalis na nga sana kaso nakichika muna sa amin. And yes, kaibigan na rin ng dalawang ‘to si Vince.


“Infairness. I can see purity in your eyes,” napapalatak na sabi ni Jane.


Napasimangot ako.“Ang dugyot ha. Parang pinapalabas mo namang ang dumi dumi kong babae. Nakakaoffend Jane huh.”


Hindi muli ako nito pinansin at animoy imbestigador pa akong pinakatitigan mula ulo hanggang paa habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa baba, tila nag-iisip.


“Taena mo Jane. Ang creepy mo. Tumigil ka nga,” saway ko rito kasama ang pagkumpas ng kamay. Anghelita just made a bored look and continued to eat her spaghetti.


“Oh shut up Kasipagan. I’m just observing your body language kung talagang nagsasabi ka ng totoo.” Napairap ako.

“It’s been three months at matatapos na internship natin. So, siya pa rin ba ang laman niyan?” Tinuro nito ang puso ko.


Natigilan ako. For the past months, I’ve been trying my very best to not think of him. I busied myself with the thesis, OJT and other school-related activities. And thankful na rin ako na nandyan si Vince para alalayan ako kapag hindi ko maiwasang masaktan kapag naalala siya. I cut communications to all people connected to him, kaya wala na akong balita sa kanya. And I never intend to know any news about him. I even ask my friends na huwag ng banggitin ang pangalan niya ‘cause hearing his name will just wake the pain sleeping in my heart for months.

And Vince? Nagkalinawan na rin kami. Finally, he accepted na hindi ko na maibabalik pa ang feelings na meron ako sa kanya. In fact, we became closer than before. He’s like my boy bestfriend now.


Pilit kong pinagmukhang casual ang sarili ko bago siya sagutin, “He broke me. He doesn’t deserve me.”


Nakita kong napailing si Anghelita.
“You did not answer my question.” Natigilan ulit ako dahil kay Jane. “I repeat. Does he still reside there?”


Napabuntong hininga akong napatingin sa sahig lalo na nang makaramdam ako ng kaba, “I don’t know. What I just know is that I am trying to forget him.”


Jane snapped her fingers na dahilan para maibalik ko ang tuon ko sa kanya. “No. You still does.”


Napapabuntong hininga itong umiling-iling pagkatapos ay uminom ng tubig.


Chasing Wildness (Chase #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ