Chapter 5

61 6 0
                                    

"Oh nagbalik ka? Dun ka na lang tutal dyan ka naman magaling." Bungad sa akin ni Anghelita pagkabalik.




Puchanets. Bitin huhu. Limang hits lang kinanta. Pakaduga. Sobrang wild na ako kanina tapos biglang sinabing last song na raw.


Naalala ko naman ang sandaling pagkawala ng excitement ko kanina.


No. I will not let the past stop me from enjoying my life.




"Urur. Ginaya mo pa ako sa'yo." Natatawa kong sagot.




Tumabi na ako sa kanya kasi wala pa rin ang bruhang Jane. Taena baka mamaya malaman laman  ko, nakikipagchukchukan na 'yon. Kadiri, 'di ko maimagine ang super wild side ng bruha. 'Di nga marunong humalik 'yun eh, MOMOL pa kaya.




"Oh shot na agad. Ubusin mo 'yan," lapag sa akin ng shot glass ng anghel.




'Dun ko lang napansing, naka-limang bote na pala sila. Iba pa 'yung boteng nilalaklak nila ngayon. 'Di ko maaninag 'yung tatak 'nung bote dahil sa party lights.




"Mamaya na. 'Di pa ako nakakalandi," palusot ko at inilayo ang baso.




"Isa Danicka. Kaya nga ibinaso pa namin 'yang sa'yo kasi alam kong mahina ka sa inuman." She was glaring at me. 'Yung dalawa naman, natatawa lang sa'min at tahimik na umiinom.




"Fine fine. Pengeng chaser." Suko ko.




"Walang chaser chaser ngayon sis. Nakabeer tayo, 'di natin need 'yun." Sermon ng tiya mo habang lumalantak ng crackers. Mang Juan 'ata 'yun. Ewan. 'Yun naaamoy ng ilong ko eh.




"Taena mo. Lakas mo ah. Ilan bang alchohol content nito at kung makaasta ka 'kala mo 'di ka tatamaan mamaya?" 'Di ako pinansin ng gaga. Binalingan ko ang dalawa.




"'Di kayo magsasalita? 'Di ako nangangain pramis," ngiting aso ko sa kanila. Tinawanan lang nila ako sa an answer.




Psh. Siguro nahihiya pa. I just shrugged at my thought.



Bago ko inumin ang laman ng shot glass, kumuha muna ako ng bote para malaman kung anong klaseng beer ba 'tong binili ng gaga. Siyempre baka mamaya, Red Horse to, eh di suka ang aabutin ko. Though medyo mataas naman ang alchohol tolerance ko kung iaassess ko mga past performances ko sa inuman, 'di pa rin keri ng dila ko ang lasa ng RH.


Oo. Hindi talaga ako lasengga. Kapag napapasubo, talagang sinusulit ko lang haha.


I sighed in relief nang makitang SM lemon beer.  Tinungga ko na ang shot glass. Taena, 'di talaga ako sanay kapag walang chaser.


Nakaubos na ako ng isang bote, saka lang dumating ang Jane. Shuta, ang wasted niya agad tingnan. Feeling ko napashot 'to sa ibang mga table.


Kumuha agad 'to ng isang bote at walang prenong tumungga. My eyes widened because of her act. Scratch feeling napashot. Talagang nakarami na 'to.


Narinig ko namang pumapalakpak ang tatlo and ang mga nasa kabilang table.Napanganga ako nang makitang ubos ang laman pagkalapag niya ng bote. Tumalikod ito sa amin, at ngayon ko lang napansing may nakasunod pala sa kanya.




"I told you I can do it!" Sigaw ng Jane  dito.




Napatawa ako saglit. Medyo lasing na ata ang gaga. Nah, talagang lasing na.


Chasing Wildness (Chase #1)Where stories live. Discover now