Napatulala siya sakin at hindi makapagsalita. Hindi niya siguro inakala na ganto ang paguusapan namin. Ang akala niya siguro makikipag-away ako sakaniya. Duh. Ang tatanda na namin para sa ganun at ayoko ng patagalin pa tong away sa pagitan naming dalawa.

"Please, Eula. Binabaan ko na ang pride ko para lang dito. Ayoko ng may kaaway ako kaya sana magkaayos na tayo." Mahinahon kong sambit habang nakatingin sa mga mata niya. Nagulat ako ng bigla siyang maiyak sa harap ko. Lumapit agad ako sakaniya para daluhan siya.

"B-Bakit ka umiiyak?" Tanong ko.

"I'm so sorry..." Sambit nito habang patuloy sa paghagulhol sa harap ko. First time kong makitang ganto si Eula kasi kapag kaharap ko siya sobrang tapang niya at hindi mo makikitang mahina siya.

"I'm sorry for all mistake that I've done to you, Katrine. Kaya ko nagawa ang mga yun dahil gustong gusto ko si Kenrick. I love him, Katrine. At sobrang sakit nung nalaman kong ikaw ang gusto niya. Nagalit ako sayo ng sobra dahil dun. I'm sorry." Sabi nito habang patuloy sa pag-iyak. Hinagod ko ang likod niya at pinapatahan siya.

"It's okay... naiintindihan ko, Eula." Sabi ko at nginitian siya. Pero patuloy parin ito sa pag-iyak. "Tama na, Eula.. 'wag kana umiyak. Okay na tayo eh."

"Hindi, Katrine. May kasalanan pa akong nagawa sayo at alam kong hinding hindi mo ako mapapatawad kapag nalaman mo ito." Sabi niya habang patuloy sa pag-iyak. Kumunot ang noo ko at lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa mga sasabihin niya sakin. Parang nararamdaman ko na may maling mangyayari.

"A-Anong ibig mong sabihin, Eula?"

"I'm so sorry, sana mapatawad mo ako..."

"S-Sabihin mo sakin, ano pang kasalanan ang nagawa mo? Anong ibig mong sabihin dun, Eula?" Naguguluhang tanong ko. Umayos ng pagkakatayo si Eula at tinignan ako ng diretso sa mga mata.

"Buntis ako..." Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko, nanlaki ang mata ko ng malaman ang balitang 'yon kay Eula.

"A-Ano? B-Buntis?" Hindi makapaniwalang tugon ko at biglang napasapo ang aking kamay sa aking bibig. Napatingin ako bigla sakaniyang tyan. Hindi pa naman ito gaanong halata. Pero ang bata pa ni Eula para mabuntis.

"S-Sinong ama ng pinagbubuntis mo?" Bigla akong kinabahan sa sarili kong tanong.

"Si..." Napayuko siya at hindi masabi kung sino ang ama. Mas lalo akong kinabahan. Please sana hindi siya ang iniisip kong ama ng pinagbubuntis ni Eula. May tiwala ako sakaniya at alam kong hindi niya ako magagawang lokohin nung kami pa.

"I'm sorry, Katrine..." Napahagulhol ulit siyang iyak.

"S-Sabihin mo sakin, Eula. Sino ang ama niyang pinagbubuntis mo?"

"Si Kenrick..." Halos mabingi ako sa pangalang sinambit ni Eula. Sunod sunod na luha ang pumatak sa mga mata ko. Parang tumigil ang mundo ko ng malaman 'yon. Parang sinaksak din ng ilang beses ang puso ko sa nalaman.

"N-Nagbibiro ka lang diba? H-Hindi totoo yan, Eula... Nagbibiro ka lang." Mahinang sabi ko habang nakatulala sakaniya at umiiyak. Nanginig ang dalawang tuhod ko at napaupo na ako sa sahig. Napahagulhol narin ako ng iyak.

"I'm so sorry, Katrine... sana mapatawad mo ako." Sambit ni Eula at pati siya ay iyak narin ng iyak.

Hindi ko matanggap. Sobrang sakit. Paano nangyaring nabuntis ni Kenrick si Eula? Ibig sabihin ba nun habang kami pa ni Kenrick ay may nangyari na sakanilang dalawa? Ano bang totoong nangyari? Putangina. Ang sakit sobra.

Para akong pinapatay sa sakit.

Namamanhid yung dibdib ko. Hindi ko alam kung ano pang mararamdaman ko sa lahat ng sakit na dinanas ko.

Sinubukan kong ikalma ang sarili ko pero patuloy parin ako sa pag-iyak. Lumapit sakin si Eula at dinaluhan niya ako. Gusto ko sanang lumayo sakaniya pero nanghihina ako. Hindi na yata kaya ng katawan kong tumayo.

"A-Alam na ba niya ang tungkol dito?" Garalgal ang boses ko habang nagtatanong. Napasinghap si Eula kaya tinitigan ko siya sa kaniyang dalawang mata.

"A-Alam na ba niya, Eula?"

Napayuko siya bago sumagot, "Oo. Sinabi ko na sakaniya ang tungkol dito."

Nanlaki ang mata ko, "A-Anong sabi niya?"

"Papanagutan niya daw ito, uuwi siya dito sa araw ng moving up natin." Sagot ni Eula. Hindi na ako nakapagsalita pa. Hindi ko na din alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Masyadong magulo ang isip ko.

Magsasalita pa sana si Eula ng biglang may dumating. Si Catriona. Nang makita niyang umiiyak ako mabilis niyang tinulak si Eula palayo sakin. Nagulat ako ng gawin yon ni Catriona.

"Cat!" Bigla akong napasinghal. Naguguluhan akong tinignan ni Catriona. "Wag mo siyang saktan."

"Ano? Eh mukhang inaapi ka na naman nitong si Eula eh. Bakit ka umiiyak? Anong ginawa sayo nito?" Tanong ni Cat at tinuro si Eula na nakaupo sa sahig habang hawak hawak ang tyan niya.

"Tama na, wala siyang ginawa sakin, Cat." Sambit ko at pinilit na tumayo para lapitan si Eula. Kumunot ang noo sakin ni Catriona at nagtataka na.

"Maayos na kayo? Ganun ganun nalang 'yon, Katrine?" Sambit ni Cat.

"Maayos na kami..." Mahinang sambit ko.

"Hindi kita maintindihan, Katrine. Madami siyang nagawang kasalanan sayo!"

"Pero kailangan niya ng kadamay sa sitwasyon niya ngayon!" Sabi ko habang inaalalayan ang likod ni Eula.

Nagtataka akong tinitigan ni Cat, "What do you mean?"

"Katrine..." Pagtawag sakin ni Eula at mukhang pinipigilan akong sabihin kay Catriona ang totoo.

"Naging kaibigan mo din si Catriona, Eula. Kailangan niyang malaman ito." Sabi ko kay Eula at tinignan ulit si Catriona. Wala siyang alam sa sitwasyon ni Eula at dapat niya rin itong malaman dahil naging kaibigan niya rin naman ito.

"Anong kailangan kong malaman, Katrine? Please sabihin niyo sakin." Naguguluhang sabi ni Catriona at lumapit samin ni Eula.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita, "She's pregnant."

Nanlaki ang mata ni Catriona at nasapo niya ang kamay sakaniyang bibig habang nakatingin kay Eula.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now