Kabanata 16: I Love You

19 8 36
                                    

D&D

Nakarating na kami sa Cavite. Kahit na malapit lang ang pagitan ng Manila at Cavite ay parang nilibot na namin ang buong Pilipinas sa pagod.

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan dito sa kwarto na iniyakan ko noong dinala ako dito ni kuya. Inaayos ni Ate at Mama ngayon ang mga bitbit naming gamit habang ako naman ay lumalangoy na ngayon sa higaan dahil sa sobrang pagod.

"Hoy babaita! Napagod din kami sa byahe pero nag-ayos kami dito! Aba'y tumulong ka naman!" Reklamo ni Ate habang winawagayway ang mga pambahay kong mga damit.

"Oo na sabi ko nga eh." Tumayo na ako at hinila ang underwear ko kay Ate. Mamaya makita pa yun ni Jason!

"Hoy Rysler! Pakalat-kalat mga stuff toy mo dito!" Ibinato ko kay Rysler na naglalaro na ng video games ng mga stuff toy niya.

"Tita! Baka matalo ako!" Nalaglag ang controller niya kasabay ng pagsapul ng Patrick niyang stuff toy sa ulo niya.

Head shot! Napatumba siya dahil sa lakas ng pagtama ng stuff toy sa kanya. Nagsitawanan naman sina Kuya at Jason dahil sa reaksyon ni Rysler.

"Tama na nga 'yan! Ikaw talaga Dolores ang tanda-tanda mo na pumapatol ka padin sa bata." Inirapan ko lang si Rysler habang pinagbabati kami ni Mama.

"At ikaw namang bata ka napaka kalat mo! Bago ka maglaro ng Video Games dapat inaayos mo muna yung gamit mo." Sermon ni Ate.

"Haha! Tignan mo itong undies niya nakakalat! Patay ka pag nakita 'yan ni Catrisha!" Namula si Rysler sa sinabi ni Kuya.

"Who the hell is Catrisha?" Sabay naming tanong ni Ate dahilan para tumawa ulit sina kuya at Jason.

"Crush ni-" Tinakpan kaagad ni Rysler ang bibig ni Jason.

Akala ko ba si Joy ang crush nito from Manila? Hmm... Nakakaamoy ako ng third wheel.

"H-hindi ah! Si Joy kaya ang crush ko!" Nauutal si Rysler at hindi makatingin sa amin ni Ate ng diretso.

"Big boy ka na talaga!" Sinakal siya ni Ate.

Sumimangot lang ito at kumawala mula sa sakal ng Mommy niya. Bakit kaya lagi nalang walang reaction itong si Kuya Ryler? Napaka seryoso!

"Rysler." Seryosong tawag ng Daddy niya sa kanya dahilan para mapalunok siya. Oops.

Nang makalapit siya sa Daddy niya ay hinila agad siya nito palabas. Haha! Papagalitan si tanga! Crush crush ka pa dyan ah! Yari ka ngayon!

"Ryler!" Sumunod si Ate sa labas. Nagsitahimik ang mga boys. Siguradong malalagot din sila kay Ate!

"Ahm bili lang kami sa labas, Ma." Dali-daling tumayo sina Jason at Kuya at halos madapa na papunta sa gate.

"Mag ingat kayo." Tumango lang si Kuya at dumiretso na sa isang store sa tapat ng bahay.

Ilang minuto lang ay pumasok na ulit si Rysler. Nakangiti siya. Parang hindi pinagalitan.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bawal na ba ngumiti?" Inirapan niya ako.

"Ano nga?!" Tumaas na ang boses ko. Nakakainis kayang meron kang hindi alam! Hindi ko alam pero nakakainit ng ulo.

"Nakita daw ni Dad si-" Tinakpan ni Ate ang bibig ni Rysler kaya hindi nito naituloy ang sasabihin.

"Ano lang yun Dolores." Pinitik ni ate ang tenga ni Rysler kaya nagwala ito.

"Nakita daw ng Dad niya yung si Caurisha ba yun?"

Dolores and Dari (on-going) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz