Kabanata 9: Cheat

37 13 8
                                    

D&D

Tatlong buwan na kaming magboyfriend at girlfriend ni Dari. Ngayon ang enrollment ng school for upcoming seniorhighs. Ang kukuhanin ni Dari ay ABM(Accountancy, Business Management strand). Ayun daw kasi ang gusto ng Daddy niya. Ako naman dahil wala pa akong plano para sa kukuhaning course sa college ay GAS(General Academic Strand) ang kinuha ko.

Dumungaw ako sa phone ko na puro texts ni Ate. Siya daw kasi ang susundo sa'kin after. Busy si Dari sa pag eenroll kaya napagpasyahan kong 'wag muna siyang istorbohin.

Ate:

Are you finish? What took you so long?!

Malamang ay meron ngayon si Ate kaya ganyan. Nagtipa ako ng irereply kay Ate. Tapos na naman akong mag-enroll. Hinihintay ko lang si Dari na matapos kaso mukhang matatagalan pa siya kaya uuwi nalang ako.

Ako:

Nasa parking lot ka na ba?

Ate:

Oo kanina pa!

Natawa ako sa reply niya. Kawawa pala si Rysler kapag meron si Ate. Napagbubuntungan ng galit haha.

Ako:

K. Papunta na:>

Lumingon-lingon ako sa paligid sa pag-aakalang tapos na si Dari. Oh. Di pa yata. Dumiretso na ako sa parking lot para hindi na mainip si Ate.

"Ang tagal-tagal mong bruha ka! Kating-kati na 'ko mag mall!" Umirap ako sa kanya saka binuksan ang pintuan ng kotse sa front seat.

"Kamusta ang enrollment?" Tanong ni Ate habang pinapaandar ang kotse.

"Hmm.. Ayos lang." Cold ako sa kanya ngayon. Bahala siya diyan!

"Luh ano nanaman bang problema mo?" Bumaling siya sa'kin.

"Ikaw bata ka ah! Wag mo ibuntong sa'kin ang galit mo kung nagaway kayo ni Dari!"

"'Wag mo ibuntong sa'kin galit mo kung nagaway kayo ni Dari nyenye!" Panunuya ko.

Humalakhak ako nang lumipad ang middle finger niya sa hangin. Napatigil ako nang mahagip ko ng ang pamilyar na lalaking may kasamang babae na hindi ko makilala kung sino.


"Putangina." Mura ni Ate nang bumuhos ang luha sa mga mata ko.

Kitang-kita ko si Dari na yakap-yakap yung ex niya! Sinong hindi masasaktan 'don?! Itinigil ni Ate ang sasakyan at bumaling sa'kin.

"Bakit? Anong ginawa ko? Ba't ka naiyak?!" Inosenteng tanong ni Ate.

Umiling nalang ako at muling bumaling sa store kung saan nakita ko sila Dari at Angela kanina na magkayakap. Shit! Nandoon padin sila.

Lumingon si Ate kung saan ako nakatingin at napahagulgol din. Dali-dali ko siyang pinigilan dahil balak niya nang lumabas at sugurin si Dari.

"Ate, 'wag." Pagsusumamo ko.

"Anong 'wag Dolores? Naririnig mo ba ang sarili mo?! Kailan pa 'to? Kailan pa 'to!?" Sigaw ni Ate na nagwawala na.

"Dolores tatlong buwan palang kayo nagawa niya na 'to! Break up with him!" Utos ni Ate na nagpatigil ng mundo ko.

"No Ate! M-maybe we just misunderstand. B-baka kinocomfort--" Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang putulin niya ako.

"Sa tingin mo ba may mag-ex na ganyan kaclose?! Nagiisip ka ba Dolores? Comfort? Why did she need to? Why did Dari even need to give her that?!" Nanghina ako dahilan para mabitawan ko siya at masugod niya si Dari.

Dolores and Dari (on-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon