Kabanata 8: Mo Chuilse

21 12 6
                                    

D&D


"You're not." Hinila ako ni Dari paalis doon sa salas. Dinala niya ako sa balcony ng bahay nila.

"Hey! May masakit ba? Do you want to rest? Do you wanna go home? Anong nararamdaman mo tell me?" Inalog-alog niya ako samantalang ako ay patuloy na nahikbi.

Kahit ako ay hindi din alam kung anong nararamdaman ko. This is a big shit! Why am I so emotional?!

"Fuck Gifts! Fuck dissapointment! Fuck sulk! Fuck birthdays!" Tanging mga mura nalang ang lumalabas sa bibig ko.

Lalo akong humikbi ng yakapin niya ko. Now I feel comfort. This is what I need. Hinalikan niya ako sa noo. Parang humupa ang bagyo sa isip at puso ko. Parang naging mapayapa ang lahat.

"I love you." Lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa'kin. Napagod na ang mga mata ko sa pagluha. Inaantok ako.

"I want to sleep." Pumiglas na ako sa pagkakayakap. I'm really sleepy. Sobrang nakakapagod ang araw na ito.

"I'll drive you home. Kuya gave me chevy. Actually last month niya pa ako sinimulan turuan magmaneho. May student license na din ako. Hindi ko pala nasabi sa'yo." Ngumiti siya. Wala na akong pake sa pinagsasabi niya, I want to sleep.



Dumiretso na siya sa chevy. Pinatunog niya muna ito bago ako pagbuksan ng pintuan sa front seat. Inirapan ko siya.

"Ikaw ang unang ihahatid ko using my first car. That's how I love you." Kinindatan niya ako.

I. Don't. Care. Pumasok na ako sa loob. Halatang bago ang kotse. I pray that he can really drive a car.

Binuhay niya na ang makina ng kotse. Oh. My. God. Parang katapusan ko na yata. Hindi ako sure kung marunong ba talaga siyang mag drive. Parang isinaalang-alang ko ang buhay ko ngayon. Kahit naka seatbelt ako ay kinakabahan padin ako. Nakahawak ako sa magkabilang dulo ng upuan. Napalingon ako nang maramdaman na nakatingin siya sa'kin. Nakakunot ang noo.

"Wala ka bang tiwala sa'kin?" Natatawa niyang banggis. Oh gosh! Hindi ko nga sigurado kung totoo na nagaral siyang magmaneho eh!

"Okay ganito, kapag naihatid kita sa bahay niyo ng ligtas... Sasagutin mo na 'ko?"

"Asa." Tipid kong tugon.

Ngumuso lang siya at sinimulan nang magmaneho. Naging focus na siya sa pagmamaneho. Marunong nga siya.

"So, sasagutin mo na ako?" Biro niya sabay lingon sa'kin.

"Punyeta ka! Pag tayo nabangga!" Kabang-kaba na ako ngayon. Hindi ko na iniintindi ang mga sinasabi niya. Ayaw ko pang mamatay!

"Chill. Haha." Bumaling na ulit siya sa daan. Nakahinga ako ng maluwag.



"Ahmm.." Nagising ako nang maramdaman na lumalapit siya sa'kin.

"What the heck?!" Tinulak ko siya.

"Oh, nagising kita. Bubuhatin nalang sana kita papunta sa loob. Mahimbing ang tulog mo. Ayaw kitang gisingin. Kaso gising ka na. We're here." Natigilan ako sa sinabi niya. Kung anu-anong iniisip mo Dolores!

"S-sorry." Umayos ako ng upo at hinawi ang mga takas kong buhok. What can I look like? I just woke up!

"My bad." Mahinahon niyang banggit.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan mula sa loob. Tinanguan ko nalang siya at bumaba na. Bubuksan ko na sana ang gate kaso nagsalita siya.

"Do you think that you really dissapoint me because you don't have any gift for me?" Nilingon ko siya na nakahalukipkip. Lumikot ang mga mata ko. Hinanap niya ang mga ito.

"Masaya na ako na pumunta ka." Ngumiti siya. Bumagsak ang tingin ko sa mga kamay ko.

"Sorry.. I don't know why I felt like that. I don't really know."

"Dolores, do we feel the same way?" Napatitig ako sa kanya.

Oo. Gago!

"I-I don't know."

"You like me too. I guarantee that!" Para siyang nanalo sa lotto. Ano naman kung ganoon?

"So.. Kayo na?" Nagulat ako nang may nagsalita mula sa likuran ni Dari. Napalingon din si Dari kay ate sabay lingon ulit sa akin.

"Are we? Dolores?" Tanong ni Dari pabalik sa akin. Ang bilis! Pero ano pa nga ba ang magagawa

"Maybe.. " Napatalon siya sa sinabi ko. I wonder... Kailangan ba talaga nilang tumalon or sumigaw kapag sinasagot? Kindda Weirdo.

"So what's the callsign?" Excited na tanong ni Ate. Umirap lang ako samantalang si Dari naman ay gano'n din katulad ni ate.

"In fact I like to call her mo chuilse which is an Irish word means 'my pulse' or 'sweetheart' " Napalingon ako sa kanya.

"Really?! You're so jeje!" Panunuya ko.

"You idiot! Do you think that's jeje?! That callsign is so unique! Anong sa tingin mo ang hindi jeje? Babe? Baby? Honey bunch? Eww!" Sus! Eh ang tawagan nga nila ni Kuya Ryler ay Darling!

"Ano ba ang gusto mo?" Bumaling sa akin si Dari.

Well, I like to be called in a romantic way like what Dari wants. But for me it's better to have no particular call for each other. In that way you can tell your loved one how you really feel without that thing. Well... That's just for me.



Nakaalis na si Dari. I wonder if he's safe. Nasa bahay na kaya siya? Tulog na ba siya? Hindi din ba siya makatulog kagaya ko? What the heck!? Kung anu-ano nalang ang naiisip ko! Sinilip ko ang phone ko na walang kahit anong text. Ngumuso ako at nagtipa ng messages kay Dari.

Ako:

Nakauwi ka na?

Ako:

Sleepy?

Dumaan ang sampung-minuto hindi parin siya nagrereply. Ano ba sa tingin ko ang distansya patungo sa kanila? 2 hours! Tapos umaasa ako na sa thirty minutes ay magrereply siya?! Malamang ay nagdadrive yun!

Dumapa ako sa higaan at nginudngod ang sarili kong ulo sa unan. First night being a girlfriend, Dolores. Ayokong makaramdam siya na masyado ko siyang sinasakal for some reasons.

Biglang bumalik sa isip ko ang mga pangyayari kanina. I just answered him and we're in a relationship now! Huminga ako ng malalim. Calm down self!

Muli akong tumihaya at tumitig sa kisame. Napangiti ako nang maalala ang mga ngiti niya kanina noong sinagot ko na siya. Maybe that's a great gift.. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Mo Chuilse....

Kinuha kong muli ang cellphone ko para makapaglibang manlang at para makalimutan ang pagfaflashback sa mga nangyari kanina. I visited Dari's account. Scroll down, until.... BOOM!

Dari Jacob Ramos is in a relationship with Maria Dolores Fidelicio

3 minutes ago

Binuklat ko ito habang nang lalaki ang mga mata. What the fudge is this Dari Jacob?! Nag scroll ako sa comment section at nakita ang samu't saring reactions ng mga friends namin sa FB.

Kyle Raxuez:

Thumbs up dre! Sulit ang panghaharana! ;)

Dareshelle Wendy Panganiban:

Omg bes! Totoo ba 'to?!

Tumaas ang kilay ko sa isang comments na pinaka latest. Galing ito sa kaibigan ng ex-girlfriend ni Dari na si Angela.

Veronica Cruz:

@Angela Del Mundo look at this girl.

What Dolores?! Minention lang naman! Anong masama doon? Hindi ko alam pero parang naginit ang dugo ko. Is this a sign of something that is called selos? I don't know how deep is my Mo Chuilso's love for me. What if she's still inlove with him?



Dolores and Dari (on-going) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu