Kabanata 10: Goodbye

32 13 9
                                    

D&D

Time check, 2:36 AM...

Paalis na kami. Sinadya talaga ni Kuya na madaling araw ako umalis para hindi maabutan ni Dari. Nasa labas siya ngayon at inaayos ang mga bagaheng dadalhin ko.

Niyakap ko si Mama na kanina pa naiyak. Aww.. Di naman ako magaabroad.

"Dolores, visit us here after you graduate huh? Mamimiss kitang panget ka!" Niyakap ako pabalik ni Mama.



Tumingala ako para tignan ang buong bahay. Hayst, memories. Mamimiss ko si Mama, si Rysler, si Kuya Ryler, at si Ate na laging bad mood.

"Okay na ba lahat, Dolores? May nakalimutan ka pa ba?" Tanong ni kuya na hinahabol ang hininga dahil sa pagpapasan ng mabibigat kong bagahe sa Kotse niya.


"Uhm yup." Tumingin ako sa Cellphone ko. Should I call Dari? No! No self!

Pinagbuksan na ako ni kuya ng pintuan sa front seat. Isang hakbang ko pa patungo sa kotse niya ay kakalimutan ko na ang lahat ng namagitan at namamagitan sa amin ni Dari. This is a goodbye for us.

Humakbang na ako papasok. I feel so comfy here. Nilibot ko ang paningin ko sa buong sasakyan. Kaparehas ng kotse ni kuya ang kay Dari. Oh come on! Stop thinking about him!

"Ready?" Tumango ako bilang sagot. See you after 5 years, Manila.

Nagsimula na si kuya na paandarin ang sasakyan. Cavite, huh? After 5 years I'll be a successful Chef. Just like what Dari wants me to be.





Nakatulog ako buong byahe. Sa sobrang pagod ko kahapon ay puro tulog lang din ulit ang ginawa ko. Tumitigil kami paminsan-minsan sa mga fastfood chains para kumain o magpahinga manlang saglit. Nakakangalay kaya umupo ng sobrang tagal!


Nagising ako nang magvibrate ang cellphone ko na kanina ko pa hawak-hawak. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang 107 unread messages at 50 missed calls galing kay Dari. Isa-isa ko ilong binasa at natahimik nang makita ang limang messages na tungkol sa ginawa niya kahapon.

2:15 AM

Dari:

Kinausap ko lang si Angela tungkol sa subject na bumagsak siya.

Dari:

She need comfort, mo chuilse. I can't cheat. I love you.

Dari:

Please comeback. Please?

Dari:

I love you.

Dari:

Are you saying goodbye? No please? I can't.


Bumuhos nanaman ang luha kong tumila na. I have to go back.

"K-kuya, let's go back.."

"No, Dolores. Napag-usapan na natin ito kagabi. No turning back." Madiin na bigkas ni kuya.

Wala na akong nagawa pa. Hindi na din nag-text pa si Dari. I think he gave up. Para akong napag bagsakan ng langit at lupa. Did he give up?


Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa Cavite. Graduate na si kuya ng MedTech at itutuloy niya daw ito ng Doctor dito sa Cavite parang malapit lang sa gf niya. Malaki ang Cavite. Parang Manila lang din. Pero mas madaming buildings at mas maraming tao sa Manila.

"Dad bought this house."

"Where is he?" Sinuri ko ang chandelier habang nakikipagusap kay kuya.

Dolores and Dari (on-going) Where stories live. Discover now