Kabanata 11: Jason

26 11 3
                                    

D&D

Umiyak lang ako ng umiyak buong gabi. Pagod na pagod na akong umiyak. Pagod na pagod na akong masaktan. Paminsan-minsan ay kumakatok si kuya pero nagkukunwari lang akong tulog.

I can't understand. Bakit siya pupuntang New York? Bakit niya ako iiwan? Binalot ko ang sarili ko ngcomforter.

I feel so alone. Para bang gigising nalang ako bukas para sumuko, para masaktan, para madurog ng paulit-ulit. I'm really tired.. Really.

Ako:

Dari? Can we talk? Please, don't give up. Please? I love you...

Muling bumuhos ang luha ko pagkasend ko ng message kay Dari. Kung nung bata ako ay takot akong maubusan ng luha ngayon ay nagmamakaawa ako na sana ay maubos na ito. Nabuhayan ako ng loob nang magvibrate ang phone ko at makita na may text si Dari.

Dari:

Tomorrow is my flight. We can talk. But after that, please? Leave me alone.

Pumayag ako sa sinabi niya. Magkikita kami sa mall sa Manila kung saan kami unang nagkita noong grade school Bago siya umalis papuntang New York. I hope I can stop him.

Kinabukasan ay gumising ako ng maaga para maabutan ko siya sa Manila. Sinabi niya sa akin na hindi daw siya willing may hintay sakaling hindi ako makarating ng maaga kaya alas singko palang ay gumising na ako.

Hindi na ako kumain. Ayokong malate ng kahit isang minuto. Natatakot ako na baka umalis na siya.

"Hey, where are you going? 6 AM may lakad? Aga naman nyan." Inaantok na tanong ni Kuya.

"Uhh–huh. M-magiikot lang." I lied.

"Ah.. Sama ak—"

"No. Ahm, okay lang kuya. Me time." Nginitian ko siya ng pilit.

Tumango nalang siya at bumalik na sa kwarto niya para matulog. Whew! Akala ko madudulas na ako.

Agaran akong pumunta sa LRT 1 para makarating sa Maynila. Gosh, Kuya will hate me when he found out that I'm going to Manila.

Sa sobrang haba ng kinommute ko ay hinang-hina akong pumunta sa mall na sinabi ni Dari. Wala na akong pakialam kung mukha akong ginahasa basta ang mahalaga ay nakarating ako sa eksaktong oras.

Natanaw ko na si Dari sa di kalayuan. Napangiti ako nang makitang okay lang siya. Mukhang nakakatulog ng maayos, mukhang masaya ngayon. Pero hindi ako ang dahilan no'n. Nakita ko si Angela na nasa gilid at nakakapit sa braso niya.

Nagpakahirap akong bumalik dito sa pag-aakalang mapipigilan ko siya. Sa pag-aakalang hinihintay niya ako at hindi pa siya sumusuko. Nanghina ang mga tuhod ko at napasubsob ako sa sahig.

No! No way! Bakit dito pa?! Walang tutulong sa akin! Saka saan ako pupulutin?! Hindi alam nila Mama na bumalik ako ng Manila.

Kahit na naikot na ang paningin ko ay pinilit kong tumayo para makalapit kina Dari pero nang humakbang na ako palapit ay humakbang na din sila paalis. Hindi ko na kinaya at tuluyan na akong nawalan ng balanse at sumubsob sa malamig na tiles ng mall.

"Miss? Are you okay?" Kahit malabo ay pilit kong inaaninag ang mukha ng lalaking sumalo sa akin noong bumagsak ako.

"I was a student in a well-known school of doctors.  I'm also studying so I can check you out." Sabay pakita niya ng ID na hindi ko na naaninag dahil nawalan na ako ng malay.


Nagising nalang ako na nasa isang clinic na hindi ko alam kung saan. Nakita ko ang isang matangkad na lalaki na may kausap na doktor. Pinakinggan ko ang usapan nila.

Dolores and Dari (on-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon