Kabanata 3: Selos

40 14 23
                                    

D&D

Nagising ako sa ingay ng pagbagsak ng kawali mula sa labas. Gising na si Dari, wala na siya dito eh. Bumangon ako at dali-daling lumabas ng kwarto.

Nakita ko si Dari na nagluluto. Kumunot ang noo ko. Sinilip ko ang kwarto nila Mama at nakita kong tulog pa silang pareho ni Rysler. Gustom na siguro 'tong si Panget.

"Buti nalang at ako lang ang nagising sa ingay mo! Magluluto na lang magiingay pa! Nagpaparinig ka ba?" Napatalon siya sa gulat. Hindi niya siguro ako nakita dahil nakatuon ang pansin niya sa daliri niya.

"Good Morning panget!" Tinanguan ko lang siya at dumiretso na sa lababo para mag hilamos at mag mumog.

"Tss. Anyare dyan?" Sabay nguso ko sa daliri niyang namumula.

"Ah wala 'to, ano lang.. Basta!" Tumaas ang kilay ko at nilapitan ko na siya para makita kung anong meron.

Natawa ako nang makita ang samu't saring sugat at paso sa kamay niya. Haha! Antanga!

"Ang tanga mo naman! Magluluto ka lang eh!" Kinuha ko na sa kanya ang kutsilyo at ako na ang naghiwa ng sibuyas.

Pinagsasabay niyang lutuin ang hindi ko alam kung ano yun na mamantika tapos paghihiwa ng sibuyas at bawang na mukhang gagawin niyang pang sangag ng kanin.

"Panget, anong lulutuin mo?" Ngumisi lang siya sa'kin.

"Aba, kelan ka pa naging pipi?" Mas lumawak lang ang ngiti niya. Para talaga 'tong may sapak sa utak.

"Ngayon mo palang 'to matitikman. Maiinlove ka sa'kin kapag natikman mo 'to hahahaha" Sus inlove na nga ko sa'yo kahit 'di ko pa yan natitikman eh. Ahsh! Erase! Erase!

"Namalengke ka? May baboy oh."

"Oo. Magpapasama sana 'ko kaso tulog pa kayo." Pinagpapatuloy niya lang ang niluluto niya. Natapos na ko sa paghihiwa ng sibuyas. Mangiyak-ngiyak pa nga ako eh.

Hinugasan ko na ang mga kamay ko at binuksan ko na ang TV. Ngayon lang ako makakapanood ng mga gusto kong panoorin susulitin ko na hanggat 'di pa gising si Rysler.

Walang magandang palabas, nauwi padin ako sa cartoons. Habang nanonood ng Garfield Show ay naamoy ko ang niluluto ni Dari.

"Hala! Ang bango!" Lumapit ako sa niluto niya. Tapos na pala siya.

"Pritong baboy?" Medyo nawala ang excitement ko sa niluto niya. Pina-sosyal lang tss.

"Eh ilang beses na 'kong nakakain niyan eh!" Ngumisi si Dari at ibinaba ang kawali na puno ng sinangag na kanin.

"Oo pritong baboy 'yan pero turo 'yan sa'kin ni Mom. Bagnet ang tawag diyan." Naamaze ako sa sinabi niya. Ah, di ko pa nga natitikman 'to.

"Ilocos Norte?" Tanong ko habang kumukuha ng mga plato at kutsara't tinidor.

Tumango siya. Lumabas na sa Kwarto sila Mama at Rysler. Kinukusot pa ni Rysler ang mga mata niya.

"Salamat Hijo! Ang galing naman!" Tinapik ni Mama si Dari sa balikat.

Masarap nga itong bagnet. At ngayon ko lang din nalaman na marunong palang magluto 'tong si Dari.

"Ang galing mo palang magluto, Dari. Ano ba ang kukunin mong course sa college?" Tanong ni Mama habang kumakain.

"Chef po sana ang gusto ko. Ayun po kasi ang dream ni Mom kaya gusto ko pong iachieve yun para sa kanya. But Dad wants me to be in Bussiness too." Napatango-tango nalang si Mama.

Dolores and Dari (on-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon