Prologue

34 2 0
                                    


Trevor Fedrick Serion: The Guitar
__________________

"One Pineapple juice,please." Tanang ng matandang customer saken.

"Noted sir, anything else?" Tanong ko

"None."

"Okay po" Maiksing sagot ko saka ngumiti at tumalikod na sa kanya habang hawak ang tray.

Dumiretso ako ng counter para ibigay ang order ng customer kay Linda.

"One pineapple." Sabi ko kay Linda na kaagad siyang umalis para kunin ang hinihingi ko.

Sinuyod ng mga mata ko ang mga customer namin ngayon na nakain dito sa restaurant. Today is Saturday kaya di na bago saken na ganito kadami ngayon ang customer namin. Sikat ang Vista Beach dito sa Davao kaya madaming mga turista na pumupunta dito upang magbakasyon or  business trip?

Kadalasan mga foreigner ang ang nagpupunta dito, lalo na pag summer. Di maikakaila ang ganda ng resort na ito may mga puting buhangin na tila nagbibigay buhay sa isla, dagat na asul na asul na nang aakit na magbalik balik upang matanaw sila.

Napitlag ako ng may biglang kumalabit sa likuran pagka harap ko dun nakita ko ang isang lalaking may dalang gitara, ngunit hindi ko ito mainagan ng maayos dahil may biglang matandang lalake sumulpot sa harap ko.

"Miss nasaan na ba ang order ko look 20 minutes na ang nakalipas hindi pa din dumadating." Galit na sambit nito.

Hindi ko ito pinansin sapagkat ang aking isip ay ang lalaking gustong gusto kung makita. Tila napahinto ang mundo ko., unang beses na nangyari sa buhay ko.

Nakiita ko na lamang itong lumabas tila nag mamadali.

Natuon ang pansin ko sa lalaking kaharap ko.

"Sorry po sir ichecheck ko po kung ayos na". Paumanhin ko dito.

Agad akong pumasok sa loob ng dirty kitchen upang hanapin si Linda.

"A, ito na yung pineapple." Bigla sulpot si Linda.

Napatingin ako sa kanya at kinuha ang juice saka nilagay sa tray na hawak ko.

"Bakit natagalan?"Tanong ko.

"A-no kase..."

"Wag na,sige balik ka na dun sa counter" Sabi ko saka nagmadaling lumabas at hinanap ang lalaking matanda kanina.

Dumiretso agad ako table niya at maingat na nilapag ang juice niya.

"Pasinsya na po sir,may nangyare po kase sa loob kaya natagalan" Paumanhin ko.

"Sige salamat." Sagot nito kaya umalis na ako at bumalik ng counter.

Napasandal ako sa pader habang yakap ang tray dahil sa pagod  habang yakap ang tray, kanina pa akong nagtratrabaho dito. Lilima lang kaming waitress ngayon dahil absent ang tatatlong katulad namin.

"Tubig oh." Abot sakin ni Linda.

"Salamat" Saka kinuha ang tubig at ininom agad to'

Binababa ko ang basong walang laman sa lamesa dito.Sumandal muli ako at napapikit ng mariin.

Who is he??

Napamulat ako at natulala sa kakaiisip sa lalaking nakita ko kanina. Ngayon lang ako nakadama ng ganito. A strange feeling for someone I don't know.

Makikita ko pa ba siya?

Teka,baket kelangan ko pa siya makita?di naman important yon pero gusto ko malaman ang pangalan niya.

Napailing ako sa sarili kong iniisip.

"Damn A, kelan ka pa nagkainteresado sa lalake?" Bulong ko sa sarili ko ata napatingin sa pintuan ng ng restaurant na matagal ko na palang tinitigan.

"Hoy A! Kunin mo ang order nun" Napabaling ako kay Linda.

"Ah ok,sige!" Tumayo ako ng maayos saka nagpunta sa direksyon  ng customer.

Kung magtatagpo man kaming muli nais ko itong makilala.

I am AHERN CHAVEZ and this is my story.

Unlabel Love ( Apl Series #1)Where stories live. Discover now