6th

19 1 0
                                    

Now, I need to focus. Kailangan kong alalahanin maigi ang bahay nila Ms. Cowbell. Ipinikit ko ang mata ko at inalala bawat detalya ng bahay nila.

"Orion! Baka madapa ka, anak. Dahan dahan lang."

Napadilat ako ng may bumunggo sa'kin, yumuko ako at tiningnan eto. Oh.

"Orion!"

Tumakbo papunta sa'min si Scarlett pero bago pa niya matayo si Orion ay ako ang gumawa.

"Are you okay?" he just looked at me and smile. Oh, he definitely knows me-after all he is a demi-god.

"Ah, pasensya na, miss. Makulit talaga 'tong anak ko eh." kinuha niya agad sa'kin si Orion at pinagpagan ang damit.

"Scarlett?" tawag ko sa pansin niya. Nanlaki ang mata niya sa gulat pero ngumiti rin. Hmm.

"I am the younger sister of Orions' father."

Napasinghap siya sinabi ko. "Kapatid ka ni Peter?" what? Peter?

Saglit akong nag-isip sa pangalan na binanggit niya pero ngumiti rin. Hindi niya pwedeng sabihin ang totoo niyang pagkato sa mag-ina niya kaya siguro iniba niya ang pangalan niya. How celever, Poseidon.

"Ah yes,"

"Pero wala naman siyang nabanggit na kapatid niya dati sa'kin." oh gods. Hindi ko naisip 'to. Anong sasabihin ko sakanya? I am seriously panicking now, nararamdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko at pangangatog.

Napatingin ako kay Orion ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti, "Elow."

Napangiti ako ng kusa at lumuhod para maging kapantay niya. Hinimas ko ang buhok niya, "Kumukhang kamukha mo ang dad mo." no doubt your a demi-god.

"Lahat ng nakakilala kay Peter ay ayan ang sinasabi."

"Lalo na yung mata niya." parang malalim na dagat ang mata ni Orion na katulad ng kay Poseidon. Inangat ko ang tingin ko kay Scarlett. Agad niyang pinahiran ang luha na kumawala sa mata niya. She missed him. I can feel the longing and agony.

"Alam ni Scarlett ay patay na ako. Iyon lang ang paraan para maging ligtas sila ni Orion."

Kung pwede ko lang sabihin sakanya na okay si Poseidon at namimiss na rin sila pto make her feel better pero hindi pwede. Tama si Poseidon. We always want what we can't have.

"Tara, pasok ka sa loob. Mainit dito saka mukhang hindi ka komportable sa damit mo." ngumiti siya sa'kin at hinatak na ako ni Orion sa loob. Sumunod naman sa'min si Scarlett.

"Ano nga ulit pangalan mo?"

"He-" oh gods. I can't say my real name, can't I?

"He?" gods, think faster, Hedone. Nilibot ko ang tingin ko sa bahay nila at nakita ko ang isang bote.

"Hennessy."

"Hennessy?" binalik ko ang tingin ko sakanya at tumango ng nakangiti.

"I guess that's me."

Ngumiti siya sa'kin at nagbaba ng isang plato sa table. "Kumain ka na muna. Favorite 'to ni Orion." at hindi nga nagtagal ay tumatakbong pumunta si Orion para kumuha nung cookie-oo, alam ko ang tawag sa pagkain ng mga tao.

"Ako gumawa nito, kumuha ka na." nakangiting alok niya sa'kin at kumain din.

Tiningnan ko lang siya habang pinagmamasdan niya ang anak niya masayang kumakain. No wonder, pabalik-balik dito si Poseidon. Scarlett is really beautiful inside and out, she reminds mo of my mom.

Goddess' first loveWhere stories live. Discover now