2nd

22 2 0
                                    

"Oh, its you again." napatingin ako sa taong nagsalita and I immediately smile.

Umupo ako sa tabi niya, "Oh yes,"

He didn't respond but I feel his warm smile as the air blew.

Walang nagsasalita sa'min nakatingin lang kami sa kawalan, nakaupo sa isang tulay na nagdudugtong sa dalawang magkaibang lugar.

"Bakit ka nandito?"

Naramdaman ko ang tingin niya bago sagutin ang tanong ko, "Bakit ka nandito?"

I shrug dahil hindi ko rin alam ang sagot, ni minsan hindi pa ako nakakita ng ganitong lugar. Tiningnan ko siya "Bakit lagi tayong nagkikita?"

Ngumiti siya at inalis ang tingin sa'kin, "Hindi ko rin alam."

I just look at him, ang ganda ng mata niya pero malungkot ito. Sinubukan kong basahin ang isip niya ngunit hindi ko talaga magawa, para akong ordinaryong tao lamang na nakaupo sa isang tulay kasama ang taong hindi ko pa nakikita kahit kailan.

"Tuwing nagigising ako hindi ko matandaan ang mukha mo."

Ganoon din ako, tuwing gigising ako mula sa pagkakatulog hindi ko na makita ang mukha niya pero ngayong kasama ko siya kahit pumikit ako kabisado ko na kung anong itsura niya.

"Who are you?" ibinaling niya ang tingin niya sakin, hindi niya ako sinagot at tinitigan lang. Unti-unti siyang ngumiti sa'kin and for a while time just stops.

"I like it when I dream about this—about you because for a while time just stops." Oh gods

Umiwas ako ng tingin sakanya dahil nararamdaman kong nag-iinit ang mukha ko. This unfamiliar feeling again.

"It feels like this place is my safe haven, everytime I want to escape."

Hindi na ako nagsalita at nakatingin lang sa kawalan, ganoon din siya.

Ilang buwan na akong nanaginip ng ganito, iisang lugar at iisang lalake lang lagi. Habang tumatagal yung panahon na napapanigipan ko siya lalo kong gustong malaman kung sino siya, kaya kapag may pagkakataon akong pumunta sa mundo ng mga tao hinahanap ko ang mukha niya sa lahat pero hanggang ngayon hindi ko siya makilala pagkagising ko.

Lumingon ako para tingnan siya. Nakangiti lang siya habang pinapanuod ang sunset, ang peaceful niyang panuorin mula noon hanggang ngayon. Kung totoo man siyang nabubuhay, hinahanap niya rin kaya ako?

"Hedone," nagulat ako sa tumawag sa'kin at napatingin sa dulo ng tulay na nasa side ko. Walang tao doon kaya napatingin ulit ako sa lalake na nasa tabi ko pero wala na siya.

Unti-unti kong idinilat ang mata ko at sumalubong sa'kin ang nag-aalalang mukha ni Algos.

"Anong nangyari?" hinawakan ko ang ulo ko dahil para akong umiikot.

"Bigla ka na lang nawalan ng malay."

"Ha?" wala akong maalala.

"Pupunta dapat tayo sa mundo ng tao pero bigla kang nawalan ng malay." oh.

"Can I have water, please?"

Tinulungan niya akong umupo saka pinasa ang baso na may tubig sa'kin.

"Binilin ka sa'kin ni Psyche at Eros. Hindi ka raw muna pwedeng pumunta sa mundo ng mga tao."

"You know I can't do that."

He shrugs, "You are weak. Hindi na kinakaya ng katawan mo ang pabalik-balik sa mundo ng mga tao. Ilang buwan mo na 'tong ginagawa at napapagod na ang katawan mo, it takes a lot of your energy kapag pumupunta ka sa mundo nila. Baka isang araw, hindi ka na makabalik dito." that's why they established some rules before we go to that world.

Goddess' first loveWhere stories live. Discover now