06 Trespassing My Own Property

Începe de la început
                                    

“Ano na ang plano mo, Amalia?” napalingon ako kay Mang Dante na nasa kabisera ng mesa. Nilunok ko naman muna ang kanin na nasa bibig ko bago nagsalita. Pinag-isipan ko na ‘to kanina.

“Sa katunayan ho, hindi ko masiyadong naaalala ang mga nangyari, hindi ko ho maalala kung saan ako nakatira o kung may babalikan pa ba akong bahay. Sa palagay ko ho, nagkaroon ako ng selective amnesia.” kasinungalingan. Naisip ko kasi na ito lang ang pinakapwedeng idahilan para hindi na maungkat pa ang pinanggalingan ko. Ayaw ko mang magsinungaling sa mga taong tumulong sa akin, kailangan.

Pansin ko naman na nagtinginan ang tatlo sa mesa, halatang hindi nila naintindihan ang sinabi ko. “Selective amnesia po. 'Yon po ‘yong nakakalimot ang isang tao ng mga piling alaala dahil sa trauma.” I explained. I also have to minimize my english words for their convinience, kailangang makibagay ako sa pananalita nila.

Tumango-tango naman si Aling Vima. “Nabigla ka siguro sa mga nangyari, ineng.” Sobrang nabigla ho. “Nabanggit din kanina ng nars iyang troma na sinasabi mo. Kaya siguro naapektuhan ang memorya mo. Dumito ka na lang muna hangga’t wala ka pang naaalala.”

Napahinga naman ako ng maluwag dahil kinagat nila ang alibi ko. “Daghang salamat sa inyo.” I sincerely said, trying to remember Lola’s words everytime she says thank you in bisaya.

“Alam mo Amalia, malakas talaga ang kutob ko na dinukot ka. Halata kasi sa’yo na galing ka sa isang prominenteng pamilya.” pagbabahagi ni Mang Dante sa teorya niya kaya natawa kaming lahat na nasa mesa.

Matapos ang hapunan ay bumalik na ako sa kwarto para magpahinga kaya narito ako ngayon, nakahiga sa matigas na higaan----not that I’m complaining, I’m just explaining----nakatunganga sa labas, dahil tinukod ni Aling Vima pabukas ang bintana para daw pumasok ang hangin. Wala kasi silang electric fan o aircon dito.

Iisang gasera lang din ang nagbibigay liwanag dito sa maliit na kwarto, sobrang dilim sa labas dahil kahit ang buwan ay tila nagtatago.

Ilang oras na akong pagulong-gulong, hindi ako makatulog dahil napaka-active ng utak ko ngayon. Iniisip ko ang sitwasyon ko, sila Daddy at Amilo, nagluluksa pa nga ako dahil sa pagkamatay ni Lola tapos ito na naman, wala man lang warning.

Nagbilang na lang ako mula 100 pabalik at mukhang epektibo naman dahil unti-unti na nga akong nilamon ng antok.

..

Lumipas na ang isang linggo at nakapag-adjust naman ako rito kahit papaano. Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang pinagmamasdan ang mga damit sa pinamili ko.

Bell-bottom jeans, halter tops, blouses, skirts, dresses, chokers, headbands at scarves.

Of course, mga damit kaagad ang mga binili ko dahil fashion and class are on the top of my priorities. Kung papapiliin mo ako between food and fashion, I’ll definitely choose fashion, at least in that way, I’ll die beautiful.

Just kidding.

Sinangla ko kasi ang kwintas kong isa pa sa mga piyesa ng Trinity de Cartier para magkapera naman ako rito kahit papaano.

Regalo pa ‘yon sa’kin ni Ninang-Senator Risa Hontiveros no’ng debut ko. Close kasi sila ni Daddy dahil friends and classmates na sila since elem.

Nagpapasalamat nga ako ng todo dahil hindi nasama ang kwintas sa mga gamit kong nawala kun’di sana namumulubi na ako ngayon. Sana nga rin lang in-inform muna nila ako bago ako ipinadala rito sa 1969, para naman nasuot ko lahat ng mga alahas ko sa bahay. ‘Yong mga damit ko rin sanang mga limited edition pinagpatong-patong ko na sa katawan ko.

Nandito ako ngayon sa isang paupahang bahay sa Poblacion. Kakalipat ko lang kahapon dahil nahihiya na talaga ako kay Kuya Isidro na natutulog lang sa labas. Nagbigay na rin ako ng konting tulong pinansyal kila Nanang Vima galing sa pera ng kwintas ko, tinanggihan niya pa no’ng una pero napilit ko rin naman siya sa huli.

A Voyage Towards the HorizonUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum