Special chapter

85 11 21
                                    

"Mga kupal! Ml!"

Parang gago talaga 'tong si Emman. Kung makapag-aya ng ml akala mo wala kaming klase mamaya. Ten minutes na lang ang natitira samin eh. Pero sabagay, hindi naman talaga ako nakikinig sa klase. Ano bang pakialam ko?

"Nana! Tignan mo 'to oh, pogi ba?"

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Shy. Ang galing lang talaga ng existence niya pare. Shy pangalan niya pero napakawalanghiya niyan. Nakakasama ko rin yan maglaro sa ML minsan. Crush siya ng mga tropa ko kasi ang galing niyang magtank.

Pota, tamang dahilan ba yun para magkagusto ka sa isang tao?

"Oo, cute naman." rinig kong sagot ng kausap ni Shy kaya naman dito ako napatingin

Nana.

Naaalala ko lang ang pangalan niya dahil madalas kong gamitin sa ML si Nana. Pinagtatawanan nga ako ng mga kupal, parang hindi daw kasi bagay sakin si Nana. Dapat daw si Alucard ang ginagamit ko o kaya si Granger.

Eh sa ayoko sa kanila. Si Nana ang gusto ko.

Si Nana sa ML. Hindi si Nana na kaklase ko. She's just too... nerdy. Hindi ko type yung mga babaeng sobrang palaaral. Tapos nakakausap ko lang din siya kapag may groupings kami. Mas okay pa ako kay Shy na kayang makisabay saming mga lalaki.

Yun ang sabi ko sa sarili ko... noong una.

"Matunaw yan, pare!" sita sa akin ni Emman nang makita niyang nakatitig lang ako kay Nana habang nasayaw sila ng Dakilang Lahi para sa project namin sa Filipino.

"Hindi ako nakatitig. Gago." deny ko na lang sa kanya pero ang kupal, inasar pa ako lalo.

"Si Clyde may crush kay ano!" sigaw ni Emman kaya naman binato ko siya ng pambura. Sayang lang at nakailag agad ang kupal. Tinawanan lang niya ako bago siya umalis.

Napabalik ulit ang tingin ko kay Nana na nagsasayaw parin hanggang ngayon. Oo, nerdy siya. Nakasalamin siya at palaging nakaipit ang buhok niya, pero hindi ko alam kung bakit, pero ang cute niya sa paningin ko.

Lalo na nang napatingin siya sa gawi ko at tinawanan ako.

Hindi ko alam kung kailan. Hindi ko rin alam kung paano. Pero nakita ko na lang ang sarili ko na hulog na hulog na kay Nana.

Isang beses pa nga ay napaaway ako dahil sa may nangbastos sa kanya. Nasa CR ako at umiihi nang may pumasok na dalawang kupal at nagkwentuhan pa talaga sa gilid ko.

"Kilala mo si Nana, pare? Yung sa star section? Nakita mo yung dibdib niya kanina habang nagvovolleyball?"

"Oo pare, ang laki eh! Sarap-"

"Mga gago!" hindi ko na sila pinatapos nang binigyan ko sila ng suntok sa mukha. Kahit na dalawa lang sila at isa lang ako, mas lamang parin ako dahil matagal na akong sanay sa pakikipagbugbugan.

Yun nga lang ang natatandaan sa akin ni Nana, eh. Sabi niya, ako si Clyde na mahilig makipagbugbugan sa kabilang section.

Napangiti na lang ako nung sinabi niya yun. Ang cute lang talaga niya. Sobra. At sobra na rin akong nahuhulog sa kanya. Tangina.

Nasuspend ako dahil sa ginawa kong gulo. Nasuspend ako kasama ang dalawang kupal. Pero ayos na rin yun, atleast sabay-sabay kaming suspended. Hindi rin naman napansin ni Nana na halos isang buwan akong hindi nakapasok.

Bakit?

Kasi si Greg lang naman ang laman ng puso't-isipan niya. Alam ko naman yun sa umpisa pa lang, pero hinayaan ko parin ang sarili ko na mahulog sa kanya.

Love LetterDove le storie prendono vita. Scoprilo ora