L

157 15 28
                                    

Ako 'yong tipo ng tao na mabilis magsawa. 'Yong tipong iba ang crush ko kahapon, iba ang crush ko ngayon, at iba ang magiging crush ko kinabukasan. Opo, malamdutay ako. In english, playgirl. But a decent one.

Charot, may ganoon ba?

Anyway, ganoon nga ako. Hindi ko kayang tumagal sa iisang tao nang matagal. Kada araw, kapag may nakikita akong gwapo, iiwanan ko na 'yong dati kong crush at doon na ako sa bago.

Oh 'di ba, malandutay talaga?

Pero, noon 'yon. Noon. Hindi na ngayon.

Dahil simula nang makilala ko si Greg Alexis Jimenez, ang one true love ko, natutunan ko kung paano maging loyal at maging stick-to-one.

'Yong tipong kahit na napakaraming gwapo sa paligid, siya pa rin ang hinahanap ko.

'Yong tipong kapag nakikita ko siya, buo na ang araw ko.

'Yong tipong kapag nakikita ko siyang ngumingiti, 'yong puso ko ay nag-h-hyperventilate.

'Yong tipong kapag nakikita ko siyang may kasamang iba, ang puso ko ay nagngingitngit sa galit.

And lastly...

'Yong tipong kahit na makakita pa ako ng lalaki na mas gwapo sa kan'ya, hindi ko parin siya kayang ipagpalit.

Six years.

Six years na siya lang ang lalaking ginusto ko.

Opo, six years ko na siyang crush. Amazing, hindi ba? Para sa isang babaeng gaya ko, isang malaking himala na hindi ako nagpalit ako ng crush sa loob ng six years! Hindi naman sa ayaw ko siya palitan. I just... can't. Wala eh, tinamaan na talaga ako.

Third-year high school pa lang ako nang magsimulang mag-develop ang feelings ko para sa kan'ya.

Masaya na ako sa pagtingin sa kan'ya noon saka sa pag-abang sa kan'ya sa bintana ng room namin kapag dumaraan siya.

'Yong tipong makita ko lang siya na masaya habang kasama ang mga kabarkada niya, feeling ko ay masaya na rin ako.

Kuntento na ako sa ganoong scenario namin araw-araw.

But years later, I fell in love with him. I don't know why. 

How I wish I know why.

Siguro nga, dapat na akong batukan dahil sa sobrang obsession ko kay Greg. May pagkagaga kasi ako kaya naman noong nagtapos na kami ng high school, inalam ko kung saan mag-aaral si Greg. As in para na akong desperadang stalker. At kahit alam kong medyo mahal sa La Salle, pinilit kong maging scholar doon— 'wag lang akong mahiwalay sa kan'ya.

Hays, the things I can do for him. Charot. Wala pa kaming label nito, ha! Paano kaya if meron na?

Ang tanong, magkakaroon ba?

Sana.

Para akong girlfriend niya sa inaasta ko sa kan'ya, eh hindi naman kami. Ouch. Bakit ba sineself-attack ko sarili ko? Peste.

Habang tumatagal, mas lalo akong nahuhulog sa kan'ya. Kinikilig ako kahit sa simple gestures lang niya. 'Yong pagngiti niya, 'yong pag-pout niya, 'yong pag-smirk niya, lahat 'yan ay nakatatak na sa isip ko. 

At hindi na iyon mabubura pa.

Fourth year college na ako ngayon at nag-iba na rin ang tingin ko sa kan'ya. Hindi ko na siya gusto. Mahal ko na siya. Pinilit kong pigilan 'yong nararamdaman ko noon, pero pakiramdam ko sasabog ang puso ko kapag ginawa ko 'yon. Kaya naman kahit labag sa kalooban ko, minahal ko si Greg.

Love LetterWhere stories live. Discover now