Pinandilatan ko sila, ayaw ni mama na umiiyak ako nang matagal, sasabihin nanaman niya na hindi pwede sa akin iyon.

"Tatlong oras po, kahit natutulog siya umiiyak pa rin" si Iza ang sumagot.

Nalulungkot akong pinasadahan nang tingin ni Mama. "Lori, magiging okay ako. Maniwala lang tayo sa kanya" itinuro niya ang bandang itaas.

Tama, walang impossible sa Diyos. Basta maniwala ka lang sa kanya.

Sabi nga sa Exodus 23:25;

"Worship the LORD your God, and his blessing will be on your food and water. I will take away sickness from among you..."

Through God, many miracles can occur.

Lumipas ang ilang oras dumating na rin si Alja. Hindi naman nagalit si Mama, dahil sinasalo kami ni Tita Linda.

"Magpalakas ka, pupunta ka pa sa birthday nang anak ko" tinutukoy ni Tita Linda ay si Vaughn.

Paalis na kasi siya, hanggang lunch lang siya pwede dahil may mga meetings raw siyang pupuntahan.

Sa huli, niyakap niya akong muli. "Take care, Lori"

"Kayo din po. Maraming salamat ulit" nagpasahan kami nang ngiti. Dinampihan niya muna nang halik si Mama bago lumabas.

"Thank you, Linda" ani ni Mama habang pinapakain ko.

Nang sumapit ang alas dos nang hapon, pinayagan na nang Doctor na lumabas si mama, hihintayin muna raw namin ang resulta nang test.

"Lori, bantayan mo muna si mama ha?" ani ni Kuya habang nagmamaneho. .

Si Alja ay sumabay na sa sasakyan nina Iza pero sa amin ang tuloy nila. Sayang naman daw kasi ang oras kung hindi nila babantayan ni Mama.

Ikinagalak ni Mama iyon, kaya maari silang mag-stay sa bahay. Welcome naman lagi sila eh..

Nagtext ako kay Vaughn habang nasa biyahe kami.

Me:
Huwag na kayong bumalik, nakauwi na kami pinayagan nan nang doctor si Mama

Alam kong nasa klase pa siya dahil baka fifth class na.

Tinulungan namin si Mama na makababa ng kotse.

"Kaya ko na" paulit-ulit niyang sinasabi iyon pero hindi kami nagpatinag ni Kuya.

Inalalayan namin siya hanggang makaupo siya sa sala. Hindi na muna namin siya iniakyat baka kasi mapagod siya sa hagdan.

"Dito kana muna, Ma. Para mas matutukan ka nila" pagbilin ni Kuya, tumango naman si Mama sa kanya.

Umalis na si Kuya para bumalik sa trabaho.

Nang gumabi na ay umalis na sina Iza dahil kailangan pa naming humabol sa ginawa nila kanina.

From: Mr. Suplado
Okay, wala namang masyadong ginawa puro notes lang and discuss. Okay na ba si Tita?

Kanina pa pala yung reply niya, ngayon ko lang nabasa.

Me:
Sorry ngayon ko lang nabasa, binabantayan ko kasi si Mama eh

Hindi siya sumagot doon, sa halip ay tinawagan niya ako.

Agad ko namang sinagot.

"Hi, Lori. Kamusta na si Tita?"

"Okay naman, nakatulog na siya dito sa couch. Hinihintay ko si Kuya para buhatin siya paakyat"

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now